[7] CALL OF DUTY

533K 12.4K 1.9K
                                    

                                 

                                                                       *****

Nakanganga si Alex habang nakatingala’t iniikot ang mga paningin sa higanteng bahay na napasukan. Lumaki din siya sa isang mansyon subalit pakiramdam niya ay nanliit ang kanilang bahay kumpara sa lugar na kanyang kinatatayuan.

“Whoah, bahay ba talaga to o hotel?! Magkano kaya ang balak hinging ransom money ng Venomus sa spoiled brat na yun?” aniya sabay upo sa sopa upang hintaying harapin siya ni Blake.

May lumapit sa kanyang katulong. Bitbit nito ang tray na may isang basong juice. Nang ilalapag na nito sa harap niya ang inumin ay saka namang dating ni Blake.

“There’s no need to give her a drink. Aalis na rin yan," mayabang na sabi nito nang nakapamulsa sa pantalon.

“S-Sige po sir.”

Napipilitang ibinalik ng katulong ang juice sa tray at tumalikod. Ngunit bago ito makalayo ay tumayo siya.

“Sandali!” madiing tawag niya sa maid.

Huminto ang katulong at lumingon sa kanya.

Nilapitan niya ito sabay dampot sa juice. Nilagok niya ang inumin, ibinalik sa tray ang baso, pinahiran ng kamay ang gilid ng bibig sabay tiningnan ng matapang ang lalaki.

“Akala mo uubra sa akin yang kabastusan mo ha!” gigil na wika niya.

Ngumisi lamang ang lalaki at kampanteng sumenyas sa kanya. "Follow me."

Nakaingus na sinundan niya ito. Habang binabaybay ang isa sa mga pasilyo ng bahay, hindi niya naitago ang pagkamangha sa laki ng bahay.

 “Hindi ba kayo naliligaw dito?..Ilan ba kayong nakatira dito?....Nakakaya mo bang libutin itong bahay niyo sa loob ng isang araw?” sunud-sunod na mga tanong niya kahit walang nahihitang sagot.

“Can you please shut up and just follow me.”

Itinikom niya ang bibig subalit palihim munang inirapan ang kasama. Nang marating nila ang pupuntahang parte ng bahay ay muling namilog ang kanyang mga mata sa pagkamangha.

“Wow!”

Tumambad sa kanyang harapan ang iba’t ibang klase ng mga mamahaling sasakyan. Karamihan dito’y mga magagarang sports cars. Abot-tenga ang ngiting lumapit siya sa mga koste. Bigla siyang nalito kung alin dito ang unang  titingnan at hahawakan.

Nilingon niya si Blake na noon ay ngingisi-ngisi lamang sa reaksyon nya.

“Kaya pala ganun na lang kayabang ang lalaking ito,” nakangiwing bulong niya sa sarili.

 Lumapit siya sa isa pang magarang sports car at hinawakan ang manibela nito.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon