*****
Hindi pa sumisikat ang araw ay nagjojogging na si Alex sa isang malapit na parke. Ilang oras siyang tumakbo at tumigil lamang siya nang matantiya kailangan niya nang umuwi upang mag-ayos para sa klase.
Masigla niyang tinunton ang daan pauwi. Nagpupunas siya ng pawis at iniuunat-unat ang mga braso at ang leeg.
“Ay sorry po!” wika niya nang may matamaang kasalubong na mama habang nag-iinat ng braso.
“Okay lang miss,” sagot ng lalaki sabay tango sa kanya.
“Sorry po ulit,” nahihiyang paumanhin niya ulit saka muling nagpatuloy sa paglalakad.
Makailang dipa pa lamang ang nalalakad niya’y bigla siyang napahinto. Lumingon siya sa likuran at muling tiningnan ang likod ng naglalakad na mama. Nakasuot ito na polo at slacks bitbit ang isang messenger bag. Nag-isip siya ng ilang sandali. Parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi niya lamang matandaan kung saan niya ito nakita.
Nang wala siyang maalala ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Ngunit nang nasa harapan na siya ng gate ng mansiyon nina Blake ay bigla siyang napahinto. Nagbalik sa isipan niya kung saan niya nakita ang lalaki….Siya ang kausap ni Grace sa fastfood.
Bigla siyang nagtaka kung ano ang ginagawa ng mama sa ganito kaeksklusibong village. Napailing siya. Marahil ay malapit dito ang pinapasukang trabaho nito. Ngunit kaano-ano ito ni Grace? Sa pagkakaalala niya ay may iniaabot itong pera sa kaklase nang makita niya. Hindi niya naman ito ama dahil naikwento nito na nasa probinsiya ang kanyang mga magulang at nagboboard lamang siya sa loob mismo ng UP campus. Baka naman kamag-anak ito ng babae.
Itinigil niya ang malalim na pag-iisip at pumasok ng gate. Masaya siyang nakipagbatian sa mga guwardya. Subalit makailang hakbang ulit ay muli na naman siyang napahinto. May unti-unting umuusbong sa dibdib niya na hindi niya maintindihan kung ano. Naisip niya ulit si Grace…Si Grace, ang babaeng maraming alam tungkol kay Blake. Siya rin ang bukod tanging kaklase na may eksaktong-eksaktong kahalintulad nila ni Blake ng schedule ng mga klase.
Nanlaki ang mga mata niya sa namumuong hinala. Patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay. Nagmadaling umakyat ng kanyang kuwarto at pagkapasok na pagkapasok dito ay kaagad niyang hinagilap ang cellphone.
“Hello Inspector Corpuz.”
“Good morning Inspector Valdemor. Ang aga mo atang napatawag. Are you still trying to pull off the act na namimiss mo ako?” pabirong bungad ng binata.
Natawa naman muna ng bahagya si Alex nang maalala ang mga nangyari sa date nila. “Good morning. Pasensiya ka na kung maaga akong tumawag. Naistorbo ba kita?”
“It’s okay. I’m already preparing papuntang headquarters. Meron ka bang sasabihing importante?”
“May iemail ako sayong pangalan at litrato ng isang babae. Isa siya sa mga kaklase ni Blake. Sayo ko lang muna sasabihin ito dahil hindi pa ako sigurado sa kutob ko. May nakasalubong akong isang lalaki ngayong umaga dito sa compound nina Blake na minsan ay nakita ko ring kausap ng babaeng ito. Medyo malapit itong classmate na to sa akin kung kaya’t madalas ko itong makakwentuhan. At isa sa mga napansin ko ay marami itong nalalaman tungkol kay Blake.”
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...