EPILOGUE

841K 19.8K 3.8K
                                    

                                *****                                          

Natatarantang bumababa ng minamanehong kotse si Margareth. Tatakbo na sana siya patungo sa loob ng headquarters subalit bigla siyang bumalik ng sasakyan nang maalala ang mga bitbit na tinapay mula sa kanyang bakery. Nagmamadaling kinuha niya sa likurang upuan ang isang presentableng basket na pinaglalagyan ng mga espesyal na tinapay na isa-isang nakabalot sa magandang plastik.

“Aissh! Hanggang ba ako aalipinin ng babaeng ito!” sambit niya sa sarili

Habang naglalakad papasok sa gusali ay inaayos niya ang bitbit nang hindi tumitingin sa nilalakaran.

 “Ay ano ba?!” reklamo niya nang may bumangga sa kanyang balikat.

Nabitawan niya ang basket. Natatarantang pinagdadampot niya ang nahulog na mga tinapay at isa-isang ibinalik ang mga ito sa lalagyan.

 “Ano ka ba?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?! Ang lawak-lawak nitong daan kailangan ba talaga banggain mo pa ako!?” pagbubunganga niya habang nakatingin sa mga dinadampot na tinapay.

 “I’m sorry but I think you’re the one who’s not looking properly sa daan,” sagot ng taong nakabangga.

 “Aba at ako pang sinisisisi-” Natigilan siya pagka-angat ng mga mata. Napatanga siya nang makita kung gaano kaguwapo ang taong nakatayo sa harap niya.

“Bakit ka tumigil? Aren’t you going to nag me more?” mapang-asar na tanong ni James.

Napalunok si Margareth at agad na nagtaas ng isang kilay. “Tse!” sabay irap niya at nagmadaling pumasok sa loob ng opisina ng kaibigan.

Samantala, pagkakita ni Alex kay Margareth ay kaagad siyang nag-ayos ng sarili.  “Ba’t ang tagal mo? Baka kanina pa naghihintay si Blake sa airport,” reklamo niya sa kaibigan.

“Aba pasensiya na po ma’am. Inayos ko muna ang shop ko bago to iwan di ba?...Oh!” sabay abot nito ng mga bitbit na tinapay.

“ Ano to?”

“Ibigay mo sa chief nyo. Bestseller item namin yan.”

“Ikaw talaga Margareth kahit kailan hindi pa rin mawala-wala yang kakornihan mo. Ipagmamaneho mo lang ako at naisipan mo pa talagang magbitbit ng pasalubong.”

“Ah basta ibigay mo. Alam mo namang ayokong pumupunta sa isang lugar na walang bitbit na kahit ano.”

 “Mamaya ibibigay ko. Tara na baka ma-late pa ako.”

 “Teka lang Alex! Sino yung gwapong lalaki nakatayo sa may entrance?”

 Sinundan ni Alex ang nakaturong daliri ng kaibigan.

“Si Inspector Corpuz.”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon