[39] GUT INSTINCT

479K 11.6K 1.6K
                                    

                                     ****

Lunchbreak. Nakabuntot si Alex sa magkaakbay na sina Blake at Marianne patungo sa isa sa mga paboritong kainan ng magkasintahan. Nakatingin siya sa likod ng mga ito habang si Blake naman ay panaka-naka siyang nililingon upang alamin kung nasa likuran pa rin siya.

Bago dumating sa kainan ay tumunog ang kanyang telepono. Huminto siya upang kausapin ang tumatawag. Nakita ni Blake na tumigil siya sa paglalakad at agad siyang sinenyasan na bilisan ang pagsunod sa kanila.

 “Hello, Inspector Corpuz.”

 “Hi Alex! Where are you now?”

 “Nasa UP. Bakit?”

“I’m near in that area. Hey, I know it’s breaktime would you mind having lunch with me?”

“Ha…eh…alam mo namang hindi ako pwedeng lumayo kay Blake di ba?”

“No problem ako na lang ang pupunta sayo. I’ll bring food. Where are you now?”

“Papuntang canteen malapit sa main library. Sa Greenhouse.”

“I’ll go there. Wait for me. Bye!”

“Inspektor sandali…sandali!” Tatanggi pa sana si Alex subalit ibinaba na ng kausap ang telepono. Pansamantalang nag-isip siya ng idadahilan kay Blake sapagkat tiyak na maiirita na naman ito’t makikipagkita siya sa oras ng trabaho. Ngunit naalala niyang pumayag din naman ito na ligawan siya ng kasamahan. Siguro naman ay hindi nito masasamain kung sumabay sa kanya si James kumain.

“What took you so long?” tanong agad sa kanya ni Blake matapos siyang magmadaling sundan ang mga ito sa loob ng kainan.

“M-May kausap lang ako sa headquarter.” Nagpalinga-linga agad siya upang maghanap ng bakanteng mesa. “Blake ihahanap ko na kayo ng mauupuan ha.”

 “Sandali. Aren’t you going to choose your food first?” tanong ng lalaki habang pumipili ng pagkain.

 Nakangiting nag-isip siya ng idadahilan. “Ahhh…mamaya na ako. Hindi pa naman ako gaanong gutom.”

 “Are you sure?”

 Paulit-ulit siyang tumango. “S-sure.”

Paglapit nina Marianne at Blake sa inuupuan niyang mesa ay agad siyang tumayo. Ibinigay niya ang mesa sa mga ito at naghanap ulit siya ng isa pang bakanteng mesa na medyo may distansiya mula sa dalawa. Tahimik siyang naupo habang patingin tingin sa relos. Panaka-naka niyang nginingitian si Blake sa tuwing nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya.

Mga kinse minutos pa ng paghihintay ay bumungad sa pinto ng canteen si James. Napapalingon ang bawat babaeng nadadaanan ng guwapong inspektor. Kinawayan ito ni Alex at nakangiting lumapit ang binata bitbit ang mga biniling pagkain sa labas.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon