*****
Maagang natapos ang schedule ng klase nina Blake at Alex. Sa kalagitnaan pa lamang ng hapon ay pinagmamaneho na ni Alex ang kasama patungong karerahan. “Ang aga pa Blake, alas-tres pa lang ng hapon. May karera na ba ng ganitong oras?” aniya.
“Wednesday is the most exciting day, maaga pa lang ay nagpupuntahan na sa venue ang mga magagaling na racers. Ito ang araw kung kelan makakapanood ka ng spectacular actions. Fearless racers. Sinadya ko talagang magkaroon ng maluwag na class schedule pag Wednesday because of this," nangingislap ang mga mata sa excitement na sagot ni Blake.
“Sandali anong sabi mo? Anong araw ngayon?” gulat na tanong ni Alex.
“Wednesday. Huwag mong sabihing pati kung anong araw ay nawawala ka na rin?”
Biglang kinabig ni Alex ang manibela at nag U-turn.
“Hey! Where do you think you’re going?”
“Sandali lang to Blake, promise. May pupuntahan lang akong importanteng tao.”
“Siguraduhin mo lang ha!”
Bagamat mabigat sa kalooban, walang nagawa si Blake kundi ang pagbigyan ang dalaga. Nagtaka siya nang ipinarada nito ang sasakyan sa harap ng isang shooting range. “What are we doing here?”
Hindi sumagot ang babae sa halip ay dire-diretso lamang itong pumasok sa loob ng nasabing lugar. Naguguluhan ay napipilitang bumuntot na lamang siya dito.
“Hintayin mo na lang ako dito sa waiting area," anito.
Sumunod siya at tahimik na naupo. Mula sa salaming dingding sa waiting area, nakita niyang lumapit ang babae sa isang matandang lalaki at humalik sa pisngi nito. Nagsuot ito ng salamin, ear protector at kumuha ng baril. Tumabi ito sa matanda habang nakangiting nakikipag-usap. Maya-maya lang ay sumabay na ito sa pagtatarget shooting. Nagulat siya sa nasasaksihan. Walang mintis ang mga tira nito. Lahat bulls eye. Unti-unti siyang kinilabutan sa napanood. Noon niya lang tuluyang napagtanto na nakakatakot nga palang galitin ang babae.
Samantala sa loob ng shooting area, tuwang-tuwa si Gen. Valdemor sa pagdating ng apo. “Akala ko ay nakalimutan mo na ang date natin iha.”
“Pwede ba naman yun lolo. Eto na nga lang ang araw na nag-eenjoy ako kasama kayo makakalimutan ko pa. Tsaka malay mo ngayong araw na ito ay matalo ko na kayo," nakangiting tugon ng dalaga.
“By the way, who’s that good looking young man Alex?” tanong ng matanda habang napapalingon sa kinaroroonan ni Blake.
“Special assignment ,Lo.”
“Why don’t you invite him here so he won’t get bored.”
“Huwag na lolo, wala namang alam yan sa paghawak ng baril.”
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...