****
Nakangiting tumabi si Alex kay Blake habang tahimik na nagbabasa ang lalaki sa ilalim ng paborito nitong puno sa campus. Inabutan niya ito ng mineral water.
“Tubig.”
Inalis ni Blake ang mga mata sa pagkakadungaw sa libro. Tumingin siya sa dalagang bigla na lang tumabi sa kanya. Maaliwalas ang mukha nito. Nakangiti maging ang mga mata. Napatitig siya sa mga labi nito at di sinasadyang sumagi sa utak ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Muling nabuhay ang irregularidad ng pagpintig ng kanyang dibdib. Bago pa man mamula ang kanyang mga pisngi, kaagad niyang hinablot ang inaalok nitong tubig at uminom ng dire-diretso.
Ibinalik niya ang mga mata sa pagbabasa. Maya-maya lang ay naramdaman naman niyang masyadong malapit sa pagkakatabi ang dalaga. Magkadikit na ang kanilang mga braso. Hindi niya maintindihan ngunit tila may kuryenteng dahan-dahangdumadaloy sa buong katawan niya.
“You’re sitting too close to me.”
Medyo umisod siya papalayo ngunit sinasadya namang dumikit ng babae. Umisod ulit siya papalayo subalit umisod ulit papalapit ang halatang nang-aasar na kasama.
“Are you teasing me? Can’t you see I’m studying?!” Tinaasan niya ito ng boses ngunit agad siyang natahimik nang tinitigan siya nito. Napalunok siya’t mabilis na nagkunwaring ibinalik ang atensiyon sa libro. Ilang saglit siyang walang tigil sa pagbuklat ng mga pahina.
“Stop flirting. Baka makita ka ni Marianne. She won’t tolerate this. Selosa ang girlfriend ko,” di nakatiis na komento niya.
Ngumisi si Alex. Tumingin ng ito seryoso at makahulugan kay Blake.“Huwag kang mag-alala. Kelan pa natutong magalit sa may-ari ang nanghihiram?”
“What do you mean by that?” kunot noong tanong ng lalaki.
Napalitan ng nagbibirong reaksiyon ang seryosong hitsura ng dalaga. “Wala sabi ko hindi magagalit si Marianne dahil alam niyang palabiro lang ako!”
May humintong sasakyan malapit sa dalawa. Bumaba dito si Marianne. Pagkakita ni Blake sa girlfriend ay mabilis ulit itong umisod papalayo sa katabi.
Tumayo si Alex. Dumating na ang kanyang proxy. Alam niyang ito na ang uupo sa kanyang puwesto. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata ay palihim siyang tiningnan ng masama ni Marianne. Gagantihan niya rin sana ang masasamang tingin ng babae subalit biglang nabaling ang atensiyon niya sa kumakaway na si James. Nakasandal ito sa pinto ng pinaggalingang sasakyan ni Marianne. Sumigla ang kanyang pakiramdam pagkakita sa kasamahan. Natutuwang lumapit siya dito.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Blake ang di maitagong sigla’t saya sa mukha ni Alex nang makita nito si James.
“How is your brother related to my bodyguard?” nagtatakang tanong niya sa girlfriend.
Nag-isip ng ilang saglit si Marianne. Nakaramdam siya ng selos dahil hindi pa man siya nababati ng boyfriend ay nagawa na nitong magtanong tungkol kay Alex.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomantikBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...