****
“Hello Alex.”
“Dennis napatawag ka.”
“What happened to you? Bakit hindi ka man lang dumadalaw sa bahay? You’re making everybody worry again!”
“H-Hindi pa kasi ako makakuha ng tiyempo. Huwag kang mag-alala gagawan ko ng paraan na makadalaw sa susunod na linggo.”
“Can’t you do it next weekend? I think lolo misses you a lot lately. Although he’s not saying anything but I noticed that almost all the time wala siyang bukambibig kundi ang pangalan mo.”
“H-hindi ako pwede next weekend. B-Birthday ni Blake.”
Tumahimik ng ilang sandali si Dennis. “By the way Alex, how’s the condition of that guy now?”
M-Mabuti naman.”
Narinig ni Alex ang malalim na buntong-hininga ng kapatid.
“He still doesn’t remember you, does he?”
“H-hindi pa rin…”
“Alex, I hate to say this but I need to. Stop hoping. I told you I don’t want to see you hurt. The old Blake that you know might not return anymore. You’re maybe hoping for the best now but don’t forget to expect for the worst too…I’m the doctor and I know better.”
Matagal bago nakapagsalita ang dalaga. Nang ibuka nito ang bibig ay nagsalita ito ng may masiglang boses. “Ano bang pinagsasabi mo Dennis? Matagal ko nang tinanggap yan. At trabaho na lang ang dahilan kung bakit nasa tabi pa rin ako ni Blake ngayon.”
“I hope you’re telling the truth… I have to hang-up now may pasyente na ako. Don’t forget to find time para bisitahin kahit si Lolo man lang. Bye!”
“Bye.”
Pagkababa ng telepono ay nanatiling nakatayo at nakatingin lamang si Alex sa dingding ng kuwarto. Alam niyang walang katotohanan ang huling sinabi niya sa kapatid ngunit pakiramdamdam niya ay hindi rin ito purong kasinungalingan.
Unti-unti na nga bang itinuturing niya na lang na trabaho si Blake?
Simula nang kinompronta siya ni Blake tungkol sa inililihim niyang nakaraan nila ay lalong naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ginagawa nito ang lahat ng paraan upang ipagtulakan siya papalayo. Sinusubukan niyang maging matatag. Pinilit niyang huwag sumuko. Ngunit nitong mga huling araw ay unti-unti nang nagiging manhid ang puso niya. Sa dami ng sakit na pinagdaanan niya ay nalilito na siya sa totoong nararamdaman at parang nagbabago na ang pagtingin niya sa lalaki.
Hindi niya na makita dito ang pag-asa na muling babalik pa ang Blake na minahal niya at nagmamahal sa kanya. Pakiramdam niya ay nakasanayan niya na lamang ang magtiis dahil sa binitawan niyang pangakong hindi ito iiwan. At habang papalapit nang papalapit ang araw na kinatatakutan niyang mapupunta na ito sa ibang babae ay patigas naman ng patigas ang kanyang puso. Mahal niya si Blake ngunit hindi ibig sabihin ay ipagkakait niya sa sarili na pag-aralang tanggapin ang katotohanan. Kung sakali mang bumalik ang alaala nito subalit huli na ang lahat, alam niyang hindi ito magdaramdam sa kanya. Dahil may ginawa siya para dito. Ipinaglaban. Minahal. At hindi iniwanan.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...