*****
Official holiday.
Si Alex ay walang pasok…sa klase. Ibig sabihin? Buong araw ang duty niya sa tinutuluyang bahay. Ito ang mga panahong obligado siyang gawin ang mga tungkuling napagkasunduan nila ni Blake na kailangan niyang gampanan.
‘Cook at least one dish a day.’
6:30 ng umaga. Kusina. Nakaupo sa harap ng isang mesa si Alex. May hawak na kutsilyo. Namumula-mula ang mga mata. Nangingilid ang mga luha.
“Manang Cora, may nagawa ho ba akong kasalanan sayo?” tanong niya sa matandang katulong na noon ay abala sa pagpiprito ng manok.
“Wala ineng.”
“May sama ho ba kayo ng loob sa akin?”
“Wala naman.”
“May nasabi ho ba akong hindi maganda tungkol sa inyo?”
“Wala rin ineng. Bakit ba?”
Hindi na napigilan ni Alex ang pagtulo ng kanyang mga luha.
“Eh kasi sa dinami-dami ng pwede niyong ituro sa aking lulutuin, bakit naman ang napili niyo ay ang nangangailangan ng ganito kadaming sibuyas. Mahigit sampung malalaking piraso na ho ang natatadtad ko hindi pa ho ba sapat ang mga ito?”
Namumula-mula na rin ang ilong niya at sisinghot-singhot habang gigil na gigil sa pagtatadtad sa sibuyas.
May bumato sa harapan niya ng tisyu.
Natigilan siya sa ginagawa saka tumingin ng masama kay Blake na noon ay nakaupo sa bandang dulo ng pinagtatadtaran niyang mesa habang naglalaro sa ipad. Tumingin din ito sa kanya nang may mapang-asar na ngiti.
“What? I’m just worried baka matuluan ang ingredient na yan or else I won't eat what you cook. Punasan mo yang luha mo and your nose too.”
Kinuha niya ang tisyu, nagpunas siya ng ilong at mga mata at iningusan ang lalaki nang hindi na ito nakatingin. Tahimik na bumalik siya sa seryosong paghihiwa at ilang saglit lang ay lumapit na sa kanya si Manang Cora. Tiningnan nito ang mga nahiwang sibuyas.
“Tama na ito Maya.”
Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. “Talaga! Sure kayo manang? Tapos na ang torture?”
“Oo.”
“Maya, you know why Yaya Cora keeps her job for a very long time?” sabat ni Blake nang hindi inaalis ang mga mata sa ipad.
“Bakit?” kunot-noong tanong ni Alex.
“Because she’s very sensible. She can easily tell if a person deserves a punishment or not. Maybe that’s the reason why she gave you that task.”
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...