****
Dalawang araw bago ganapin ang pinagsabay na birthday at engagement party ni Blake. At dahil bakasyon na, parehong abala sa pag-aasikaso sa preparasyon sina Blake at Marianne. Gaganapin ang selebrasyon sa isang function hall sa Shangrila Hotel. Madalas magkasama buong araw ang dalawa dahil dito. Wala nang mapaglagyan ng kasiyahan si Marianne samantalang si Blake naman ay pilit pa ring nilalabanan at inililihim ang naguguluhang damdamin’t isipan.
Inihanda na rin ni Alex ang sarili. At habang pinapalipas ang pagdaan ng bawat araw ay inaabala niya ang sarili sa pakikibalita sa mga nangyayari sa headquarters. Hindi na siya makapaghintay na makabalik. Balak niya nang magpapalit sa ibang kasamahan sa pagbabantay kay Blake. Tatapusin niya lang ang selebrasyon ng birthday ng lalaki saka siya magpapaalam dito.
Kasalukuyang masigla siya dahil nabalitaan niyang may nagsalita na sa mga nahuling miyembro ng venomus. Papalapit na papalapit na ang pagtatapos ng kaso. May isang bagay lang siyang ikinakadismaya. Hindi siya kasama sa operasyon ng pag-atake sa lungga ng sindikato ngunit sa kabilang banda ay napabuti rin ito sapagkat kasabay ng operasyon ang selebrasyon ng birthday ni Blake. Kahit papaano ay gusto niya ring makasama si Blake sa kaarawan nito bago siya tuluyang magpaalam.
“Diretso na ba tayo ng hotel?” ganadong tanong niya sa magkasintahang nakaupo sa likuran ng sasakyan bago ipagmaneho ang mga ito.
“Yes,” tipid na sagot ni Blake.
Binigyan ni Alex ng masiglang ngiti ang dalawa. Sanay na siyang makita itong magkasama kaya manhid na ang dibdib niya.
Habang nasa daan ay pasulyap-sulyap si Marianne kay Alex sa salamin. Pinapakiramdaman niya ang mga kasama. Nitong mga nagdaang araw ay may napapansin ulit siyang kakaiba sa kilos ni Blake pagdating sa dalagang pulis. Bagama’t wala siyang makitang pag-aalinlangan mula sa boyfriend para sa engagement nila ngunit may namumuong kaba sa dibdib niya. Habang maaga dapat niyang tuldukan ang dahilan ng ikinatatakot niya.
“B-Blake I want to tell you something. I don’t know if it’s the right time to say it...but I think there's something wrong with my body lately,” atubiling sabi niya.
“Why? Are you sick?” nag-aalalang tanong ng lalaki.
“I don’t know…B-But I’m delayed with my period and it's been more than a week already. It never happened to me before...I-I think I’m pregnant, Blake.”
Walang nagsalita.
Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan.
Hindi malaman ni Blake kung ano ang magiging reaksiyon. Paulit-ulit siyang napalunok. Iniwasan niyang tumingin sa harapang salamin upang huwag makita ang hitsura ng nagmamanehong dalaga.
Samantala, muntik ng mapapreno ng malakas si Alex sa narinig. Gusto niyang ihinto ang sasakyan sa kalagitnaan ng kalsada. Unti-unting nanlamig ang kanyang mga kamay. May dumudungaw na namang luha sa kanyang mga mata. Sinasaksak na naman ang kanyang dibdib. Akala niya ay tapos na ang sakit. Ngunit bakit may humahabol pa rin?
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...