****
Nag-iinat si Alex ng leeg at likod habang naglalakad. Katatapos niya lang maglinis ng dalawang swimming pool at marami pa siyang mga nakapilang gagawin. Mag-iikot muna siya sa malawak na hardin habang nagpapahinga ng ilang sandali. Simula nang magising ay inabala niya kaagad ang sarili. Dahil sa naging takbo ng huling pag-uusap nila ni Blake ay iniiwasan niya munang makita ang lalaki. Palilipasin niya muna ang mga ilang oras bago ito harapin. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang mga sinabi nito. Maaring naging emosyonal lang ito dahil sa mga nangyari sa pagitan ng dalawang babaeng iniibig . Dapat niya itong intindihin. Siya ang mas nakatatanda kaya siya ang dapat umunawa.
Natigilan siya nang may namataan na isang matandang lalaki. Sinusubukan nitong buhatin ang isang may kabigatang istatwang diwatang gawa sa kahoy. Nakasuot ito ng kupas na jacket at maong na pantalon, sira-sirang sombrerong gawa sa rattan at may maliit na tuwalyang nakasabit sa leeg. Sa tantya niya ay nasa pitumpong taong gulang na ito. Dali-dali niya itong nilapitan.
“Lolo, tulungan ko na kayo. Mabigat ho yan baka mapilayan kayo.”
Nagulat ang matanda sa biglaang pagsulpot niya.
“S-sige. Salamat iha. Hawakan mo diyan sa may paanan. Ako naman dito sa may taas. Ilipat natin ito kasi medyo nakakaharang ng bahagya sa dinadaanan.”
“Saan ho ba natin to ililipat?”
Itinuro ng matanda ang lugar malapit sa may fountain. Mga sampung metro ang layo nito mula sa kanilang kinatatayuan.
“Huh? Kaya niyo pa po ba? Sabihin niyo lang pag nabibigatan kayo para ako na lang magbubuhat nito mag-isa.”
“Ikaw naman iha. Anong akala mo sa akin uugud-ugod na?”
“Hindi naman ho. Nag-aalala lang ako baka mabalian kayo ng buto sa likod.”
Tumawa ang matanda. Tiningnan nito mula ulo hanggang paa si Alex. “Ang tapang mong tumulong. Sa payat mong yan ay imposible rin namang makakayanan mo itong buhatin mag-isa.”
“Naku lolo! Huwag niyo hong maliitin ang katawan ko. Mukhang payat lang yan pero siksik na siksik ang muscles niyan! Kaya ho nitong buhatin kahit isang buong baka.”
Tumawa ulit ang matanda.
Binuhat ng dalawa ang istatwa. Nang mailipat ay kaagad na nilapitan ni Alex ang kasama. Inikutan ito at inusisa ang katawan.
“Ano lolo? Hindi ho ba nanakit ang likod niyo? Ang braso niyo okay lang? Ang mga kamay niyo hindi ho ba nangalay. Bakit naman kasi nagtatrabaho pa kayo sa edad niyong yan?”
“Huwag kang mag-alala iha. Sanay akong magbuhat ng mabibigat.”
Tumalikod ang matanda at binalikan ang ginagawa. Dinampot nito ang panggupit at sinimulang gupitan ang makakapal na halamanan. Nilapitan ulit ito ni Alex.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...