****
Hirap na hirap si Alex na ibuka ang bibig. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Noong nasa kuwarto pa lamang siya ay tila kayang kaya niyang sabihin ang lahat. Subalit ngayong kasama niya na sa sasakyan si Blake ay biglang nagsisitakbuhan na ang mga daga sa kanyang dibdib.
Seryoso at tahimik naman si Blake. Hindi niya gaanong kinakausap ang dalaga. Subalit umaasa siyang may maririnig mula dito tungkol sa ipinagtapat niyang pagseselos kay James. Alam niyang ugali na ng babae ang pagbabalewala sa anumang malalamang bagay na nasasabi niya. Madalas ay pinalilipas lang nito ang mga araw hanggang sa hindi na nila ito pag-usapan. Ngunit sa pagkakataong ito ay naghihintay siya sa sasabihin nito.
“Blake…”
Napalingon si Blake sa katabi. Bagamat tinawag nito ang kanyang pangalan ay nakatingin pa rin ito sa daan. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Inaasam-asam niyang sana ay magsalita na ito tungkol sa naging komprontasyon nila.
“Pasensiya ka na sa ugali ko nitong mga nagdaang araw…” ani Alex nang hindi pa rin tumitingin sa kausap.
“It’s not really a big deal,” maiksing sagot ng lalaki na naghihintay pa rin ng karugtong ng sasabihin ng dalaga.
Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan.
“Is there anything else? May gusto ka pa bang sabihin?” hindi nakatiis na ika ni Blake.
Ilang ulit munang napalunok si Alex. Tila may nagpupumilit bumara sa kanyang lalamunan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “G-Gusto ko sanang bumawi sa mga kasalanan ko sayo…”
Unti-unting napapangiti si Blake habang nakatingin sa mga nadadaanang billboards. Sa wakas ay magsasalita na rin ang dalaga.
“Blake,g-gusto mo bang mag-out of town?”
Bigla siyang napatingin sa katabi. Nagulat siya sa tanong. Napakalayo nito sa inaasahan niyang marinig. “Out of town? Why are you asking me about that?”
“Yayayain sana kita ngayong weekend.”
“Where?”
“S-Sa Zambales.”
“Bakit bigla-bigla ka naman atang nagyaya?”
“D-di ba sabi ko babawi ako sa mga kasalanan ko sayo.”
“Who’s coming with us? Kasama ba ang mga barkada?”
“Tayong dalawa lang. Huwag mo ring isama si Marianne.”
Natigilan si Blake. Hindi siya makapaniwalang sa bibig mismo ng babae nanggaling ang mga naririnig. “You’re joking, right?”
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...