Disclaimer: This story is purely fictional, and none of the characters, events, or names are related to any true-to-life story. Be mindful. You are warned.
Thank you!
-
Zack's POV
Masaya kong nilalakbay ang daan patungo sa kong saan nakahain ang iba't-ibang pagkain, hindi rin mawala sa labi ko ang malawak na ngiti dahil sa wakas. Sobra akong natakam kahit sa malayo ko lang nakita ang mga pagkain. Diretso na ako at hindi na lumingon pa kay babae, bahala siya sa buhay niya basta ako, ang tanging layunin ko ngayon ay ang mag pakabusog mwehehe!
May namataan pa nga akong ilang bisita na sinusundan ako ng tingin, ramdam ko na ang kanilang binibigay ay para bang hinuhusgahan ako sa 'di ko malamang dahilan pero ipi nagkibit balikat ko na lang 'yon dahil na sa pagkain talaga ang buong atensyon ko. Feeling ko nga tutulo na laway ko sa gutom.
Food, I'm coming!
"Hi! Are you alone? You're not familiar to me, you're new here? Aren't you?" Natigil ako sa paglalakad ng may isang babae ang biglang humarang sa dinadaanan ko. Ayaw ko naman maging bastos, dahil pagagalitan na naman ako ni babae kapag nalaman niyang may ginawa akong mali.
Tinapunan ko muna ng isang tingin ang mesa kong saan nakalagay ang pagkain bago ang babae. Napanguso ako sa inis, ilang hakbang na lang ay maabot ko na ang langit. Huhuhu! Kainis, sino ba 'tong babaeng to?
"Hindi, may kasama ako si babae!" Simpleng sagot ko sa kanya, saka tinuro ang mesa kong saan nandoon si babae, pero ang mga mata ko ay nasa mga pagkain. Napalunok ako, mukhang masarap talaga ang naka display don.
"Babae? Who's that?" Hindi makapaniwala na saad nito.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakaintindi naman siguro siya ng tagalog diba? Sa inis ay palihim kong ikinuyom ang aking kamay. May iilan nadin sa mga bisita malapit sa amin ang tumingin, mausisa, hmmp! Iwasan na ang gulo hangga't maaga pa kaya ayoko namang mas lalo pang matatagalan ang pagpunta ko, dahil sobrang gutom na talaga ako. Hinabaan ko na lang ang aking pasensya at pilit na ngumiti sa distorbong babae na 'to, tsaka itinuro ulit si babae.
"Siya si babae na tinutukoy ko, na asawa ko!" Pilit na sabi ko.
Sinundan kagaad nito ang direksyon ng aking daliri. Nagtaka ako ng malakas na napasinghap ang babae. Na estatwa din ito sa kanyang kinatatayuan. Ang oa naman niya, para tuloy siyang nakakita ng multo.
"Oh my god! I'm sorry. I really didn't know. I- din-t mean to ahm, Bye!" Paulit na paghingi niya ng pasensya sa akin habang hindi direktang makatingin sa mata ko, unlike kanina na sobrang lagkit ng ibinigay niyang tingin sa akin.
Para itong aswang na sinabuyan ng holy water at kaagad na nawala sa harapan ko. Wala akong magawa kundi ang mapakamot sa aking ulo. Pansin ko rin ang bigla niyang pagputla na parang nawalan ng kulay ang buo niyang katawan matapos makita niya si babae.
Napakamot na lang ulit ako sa ulo saka nagkibit balikat. Yosh!
Bago ako nagpatuloy, ay tumingin muna ako sa kinaroroonan ni babae. May kausap na itong lalaki, kaya nakakunot ang noo ko dahil mukhang magkakilala silang dalawa. Humaba ang labi ko. Sino naman kaya 'yan?
Napatigil ako kaagad sa pag nguso ng biglang tumingin sa akin si babae, at parang itinuro ako nito sa kanyang kausap gamit ang tingin lang, napansin ko din ang pagsunod ng lalaki saka ako tingnan ng blanko, hindi ko mabasa ang emosyon ng mukha niya dahil iwan ko bah, para ako nitong binabasa.
Kumaway lang ako at awkward na ngumiti sa kanila.
Pagkatapos ay tila walang nangyari ko na ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa mesa. Napapikit ako sa amoy mula sa mga handang pagkain, sobrang bango para tuloy akong maiiyak sa saya, hindi ko pa nga sila natitikman paano na kaya kapag nanguya ko na.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...