A/N: Bold and Italic dialogue is spoken in Nihonggo-Japanese. While the normal dialogues are in English. I had a sample with Japanese and English translations but it will make this chapter longer so I decided to use Bold and Italic on that.
Third Person's POV
(Japan, 1998) 26 years ago based on the current year [2024]
[Shuniwara Residence]
Hawak ang dalawang taong gulang na anak na lalaki, mabilis ang hakbang ng kanyang paglakad ng malaman ang pagbisita ng kanyang matalik na kaibigan.
Suot ng ginang ang kulay rosas na kimono na may disenyo ng iba't-ibang paro-paro, habang ang anak nito ay inosenteng nakatitig ang kulay berdeng mga mata sa ina na suot rin ang kulay abo na kimono, isang tradisyunal na suotin ng kanilang pamilya.
"Himari!!" Makikita sa mukha ng ginang ang labis na saya ng matanaw na nito ang kakarating lang niya na kaibigan.
Sumilay sa labi ang malawak na ngiti ng marinig ang pagtawag ng kaibigan sa kanya.
"Izumi!" Pabalik na tawag ni Himari, sinamahan pa niya ito ng isang kaway habang hawak ng isang kamay ang malaking tiyan.
Kahit gusto nitong takbuhin para marating agad ang kaibigan ngunit nahihirapan na siyang kumilos sapagkat malapit na ang kanyang kabuwanan.
"ā , iyada!Shinaide kudasai. Ashimoto ni ki o tsukete ne , himari." (Oh no! Don't run. Be careful with your steps, Himari.) Puno ng pag alala na bilin ni Izumi, agad nitong inaalalayan ang kaibigan sa pag upo.
"Makishimirian wa, anata ga kizutsuitara watashi o korosudeshō.) (Maksimilian will kill me if you get hurt.) Pabirong pahabol ni Izumi na tinawanan lang ni Himari.
"Don't worry. I can still lift a stone in this state. Just this fella inside me won't stop growing! She's getting heavier." Nakangiti na sabi ni Himari na hinihimas ang malaking umbok na tiyan.
"Good thing, this kiddo here of mine can walk on his own." Mapanuring sabi ni Izumi saka saglit tinapunan ng tingin ang tahimik na anak na nasa kanyang tabi.
Nakatitig lang ang bata sa dalawa na tila ino-obserbahan ang kanilang interaksyon.
"This is him now?" Hindi makapaniwala na bulalas ni Himari, malaki ang mga mata na itinuro niya ang anak ni Izumi.
Masaya lang na tumango si Izumi. Binuhat niya ang anak para paupuin sa kanyang hita saka nito inangat ang maliit na braso ng bata para gabayan sa pagbibigay ng kaway kay Himari bilang pagbati.
"Hello! Kimikage. So cute! Wow, he grows really fast." Puno ng panggigil na sabi ni Himari saka inabot ang pisngi ng bata, marahan niyang pinisil ang mataba nitong pisngi.
"Although he's quite not the talkative child. He doesn't easily go with everybody besides me." Malambing na pahayag ni Izumi ng tahimik na yumakap ang anak sa kanya imbes na batiin pabalik ang kaibigan nito.
Umiling lang si Himari bilang tugon habang hindi inalis ang labis na paghanga sa batang si Kimikage.
"He's still a kid and learning to adapt in this world. I'm sure he changed once he met this lady inside me, I feel like this one is bubbly." Nasasabik na sabi ni Himari, ipinatong nito ang mga palad sa tiyan at humagikhik.
Hindi rin mapigilan ni Izumi na tumawa.
"Have you decided on a name for her?"
Mabilis sumilay sa labi ni Himari ang matamis na ngiti sa naging tanong sa kanya ni Izumi. Saglit itong tumingin sa itaas na tila nag-iisip. Hinihili naman ni Izumi ang anak na hinihintay ang magiging sagot ni Himari.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...