Chapter 50 - Agony, Longing and Surrender

47 5 0
                                    


2 Months later...

Deeya's POV

Maingat kong binubuhat ang mga kahon na may lamang artifacts para ilipat sa mas malaking cabinet. Sa ngayon lahat ng commanders ay nanatili dito sa mansyon, may ilan naman sa amin ang tumatanggap ng misyon outside the country pero only those aabot lang ng 2-3 days.

"Now, where should I put you..." Mahina kung sambit hawak ang isang 500 years old na figurine na nakuha ko from spain.

Maingat kong hinawakan dahil tanging ito lang ang nag-iisa sa mundo, inikot ko ang paningin sa kabuuan ng aking kwarto. Halos puno na ang mga space ko dito, nakatambak na kasi ang ilang deliveries na dapat sa Headquarters ko ilagay.

Sinilip ko ang mga babasaging drawers, na may laman rin ng iba pang artifacts from other countries. Agad akong napa ubo ng ilang beses pagkabukas ko sa isang coffin, puno pala ito ng alikabok kaya inilayo ko muna ang sarili at umupo sa malambot kung kama.

"Maybe arranging all of them must come first..." Bulong ko saka napabuga ng hangin.

Sandali akong napatingin sa pinto ng bumukas ito, ng makita ko kung sino ang pumasok ay ipinagpatuloy ko ang paglipat sa mga kahon na nasa sahig.

"How is she?" Seryoso na tanong ni Amanda.

Kakabalik lang niya siguro sa pagaasikaso sa kompanya ni Milady. Simula kasi ng makompirma ang condition ni Milady at kasabay pa nito ang biglang pag alis ng kanyang asawa ay kami na muna ang namahala sa kompanya niya dito sa pilipinas.

"Still the same," Simple kong sagot.

Narinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin, nasa isang direksyon ang tanaw niya habang malalim ang iniisip. Inilabas ko ang mga laman ng kahon na nagsalita.

"She'll be fine. The queen's been through worse than this.." Nakangiti kong dagdag na sabi para icheer up siya pero bagsak lang ang balikat niya na tiningnan ako.

"This is far worse, Deeya. She's in agony, and carrying a child." Stress niyang pahayag pero nanatili akong walang imik.

"Any updates about him?" Dagdag niya na tanong.

Umiling lang ako bilang tugon.

Madiin lang na pinikit ni Amanda ang kanyang mata, at humalukipkip.

"The others have been working all night ever since just to find him." Saad ko ng maging tahimik siya.

Bahagya lang siyang tumango na sinabayan niya ng malalim na buntong hininga.

"It's been two months, we need to move with the second plan to drive him out." Huli niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko.

Inayos ko muna lahat ng gamit, magpapa tulong na naman sana ako kay Ella pero nasa HQ kasi siya kasama si Avary. Although, sumasakit ang tenga ko sa kanya dahil buong trabaho napupuno ng mga reklamo at sigaw ni Ella. Masyado daw alikabok which is masama sa skin niya.

Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Lyla na may dalang serving tray. For now kasi ay kaming dalawa ang naatasan na magbantay kay Milady, also that girl.

"What did she request for her meal?" Tanong ko ng mapansin niya na ako.

Magbibigay rin kasi kami ng reports kina Akiro, regarding sa food, kung ilang oras nakatulog, at mga symptoms ni Milady.

"Ekari only wants to eat all types of melon fruits." Bored niyang sagot saka inangat ang hawak na tray.

"And what did her doctor's advice?"

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon