Chapter 9

568 14 3
                                    



Zack's POV

Pagmulat ng mga mata ko ay sumalubong sa akin ang madilim at sobrang tahimik na paligid. Base sa mga sira sirang kagamitang nakikita ko sa paligid, tingin ko ay nakakulong ako sa isang lumang bodega. huhuhu. Pano kung may multo dito waaahhh! Asan na ba si babae. Hindi naman ako makakilos dahil sobrang higpit ng pagkakatali nila sa akin. Ano bang tingin nila sa akin hayop.

Mas lalo akong natakot ng biglang may kaluskos akong narinig mula sa likurang bahagi ko, waaahhh wala naman sigurong multo dito. Mariin akong napapikit dahil sa takot saka dahan-dahan ko itong sinilip.

meow!

Yaay pusa lang pala hooh akala ko ano nah. Nakahinga naman ako ng maluwag matapos lumabas sa mga nakapatong na gulong ang isang itim na pusa. Mabilis na tumakbo ang pusa papalayo dahil sa takot ng bigla nalang bumukas ang pintoan, dahilan para gumawa ito ng napakalakas na ingay.

Pumasok ang isang matandang lalake habang kasama ang mga tauhan nito na nakasunod sa kanyang likuran. Hindi pamilyar ang mukha nito sa akin kung kaya nagtataka ako kung bakit nila ako dinukot, mabait naman akong tao ah. Napanguso ako sa aking isipan.

"Tingnan mo nga naman ito pala ang lalakeng kinaiingatan ng reyna ngayon, ha. Ang pangit ng taste, sa isa pa talagang tuta siya nagkagusto, isang mahina at bata..hahaha!" Sabi ng matanda patukoy sa akin habang tumatawa ng may halong pang-aasar.

Walang emosyong ko lang siyng tiningnan, pagbalewala sa pangliliit niya sa akin. Psh, atleast kahit ganito ako pogi naman. Eh siya ano bang maibubuga niya, wala akong makita kundi yang mukha mong sobrang pangit.

"Anong kailangang niyo sakin?" Matapang kong tanong sa kanya habang ito'y nakatingin sa akin na tila sinusuri ako na may ngisi sa kanyang labi, iwan ko ba na kahit sobrang nakakatakot ang pwede nitong gawin sa akin pero lumabas parin ang mga katagang iyon sa aking bibig at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang ko.

huhuhu. Gusto ko nang umuwi.

Lumapit ito sa akin, hindi parin nawala sa labi ng matanda ang isang ngisi. Mas lalo siyang pumanget! Huhuhu.

"Matapang kana ngayon o nagtatapangan lang. Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo tuta, hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin sa isang katulad mong mahina!" Mayabang na sabi niya.

Dahil nakatayo siya at samantalang ako ay nakatali sa upuan. Kailangan ko pang iangat ang aking ulo para makita ang pagmumukha niya na sobrang pangit, hindi na ata to kayang ilarawan.

"Ang dami mong sinasabi tanda!" Prankang sabi ko at matalim rin siyang tiningnan. Sumama naman ang timpla ng kanyang pagmumukha dahil sa sinabi ko. Nawala ang kaninang mapaglaro niyang ngisi na ibinibigay sa akin.

Tingin ko nga kong umusok lang ang tao kapag galit, siguro gano'n na ang nangyayari sa kanya ngayon.

Isang malutong na sampal ang natanggap ko at ang masakit na paghawak nito saking panga, ngunit pilit kong hindi ipinakita sa kanya ang sakit at malamig ko siyang tiningnan katulad ng mga tingin ni babae.

Pwwee! Ang baho ng hininga ng matandang to. huhuhu. Pero masakit yung sampal niya..waahhh!

"Anong sabi mo?! Gusto mo talagang makatikim sakin, ha? Pwess pagbibigyan kita!" Galit na sigaw niya sa akin. Marahas din niyang binitawan ang aking mukha. Napapikit ako ng mariin sa sakit.

Bigla niya kong sinuntok sa tiyan na tingin ko'y nagpagulo sa mga organs ko sa loob. Tumingin siya sa kanyang mga tauhan at nagbigay ng senyales bago umalis sa silid kong saan kami naroroon.

"Tingnan natin kong saan aabot ang tapang mo bata!" Huling sinabi niya bago tuluyang umalis.

Bigla na lang akong nilapitan ng mga tauhan niya at saka pinag susuntok sa tiyan pagkatapos ay ilang beses din nilang sinipa ang buong katawan ko. Mahina akong napahiyaw. Ngunit pilit kong iniinda ang sakit dahil ayaw kong marinig ng matandang 'yon ang daing ko sa bawat suntok at sipa na natatangap ko.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon