I dedicated this chapter to one of my favorite authors who recently passed away. @Yanalovesyouu She's the reason, her story MHIAMB (My Husband is the Mafia Boss) why I started writing I Got a Childish Husband, she inspires me to write and as a fan of her, specially to her amazing characters Ezekiel and Aemie Roswell, I want to say Thank you so much!! Ms. Yana.
___________________
Ajax's POV
Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan habang tinatahak namin ang tahimik na kalsada, dahil mag hating gabi na ay wala ng mga kotse pa ang dumadaan, pasimple kong sinisilip ang side mirrors para tingnan kong may nakasunod ba sa amin. Buti na lang na abutan ko pa siya bago maging huli ang lahat. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bilang reaksyon ng sa wakas ay tuluyan na akong nakalayo sa kanila, kasabay nito ang pagbagal ko ng takbo ng kotse.
Saka ko siya sinilip mula sa front mirror. Walang malay siya na nakahilata sa likurang upuan ng aking kotse, makikita rin sa mukha niya ang mga pasa at konting sugat. Kaagad ko rin ibinalik ang tingin sa harap at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
Bigla akong napaisip. Asan siya? Bakit hindi niya kasama ang kanyang asawa? Paano ka niya nakuha sa kamay ng Del Bazerie?
Naputol lang ako ng biglang tumunog ang selpon kong nasa ibabaw ng front seat. Kinuha ko ang selpon na nasa harap pa rin ang tingin. Napalunok ako ng makita kung sino ang tumatawag. Sandali ko ulit siya na tiningnan bago tumukhim para pakalmahin ang sarili saka pinindot ang accept call.
"Ajax, where are you? You suddenly disappear. Boss is mad dahil biglang nawala ang asawa nong del bazerie!" Merkhan started with his voice slightly raised. He's probably mad that the mission failed, and I don't know how the organization will take that.
"I'm outside. Nakita ko kanina ang isa sa mga tauhan nila when I heard that the team was not able to get the item so I decided to follow them. It's one of the commanders and mukhang pabalik na sa kanilang hideout." I calmly replied. It's the only strong alibi I could think of, and one of the reasons that he would not think of me suspicious since we've been trying hard to locate the Del Bazerie's hideout.
"Were you able to get them?" Hearing him asking me this means he believes me. At the back of my mind, I shouted yes. When it's my turn to answer him, I avoid stuttering.
"Yes, I'm currently following one of their cars."
"Good, send me an update once they reach their destination."
"Copy!"
Agad kong binaba ang tawag pagkatapos kong sabihin 'yon. Ayokong malaman niya na ang hawak nilang hostage kanina ay na sa akin at ibabalik ko sa asawa nitong lalaki. Mariin akong napapikit at humigpit ang kapit ko sa steering wheel. Hindi pwedeng mapapasakamay ka nila dahil alam kong kapag hawak ka nila ulit ay mas lalo kang pahihirapan, kaya mas nakakabuti sayo na nasa puder ka ng asawa mo.
Puno ng katanungan ang isipan ko. Kahit sino sa mundo ng mafia ay alam kong gaano kapangyarihan ang reyna ng Del Bazerie, kahit hindi ko alam na ito pala ang plano nila na kunin siya pero kampante ako ng hindi nila makukuha si Liam sa kamay niiya.
The organization has been into knowing every move of the Del Bazerie. Pero napakahirap talaga kahit alamin man lang ang schedules ng kanyang mga commanders, kaya it's a big opportunity that you see one of them so that's why okay lang kay Merkhan na umalis ako para gawin ito, dahil mas importante na alamin ang kanilang galaw. Although I lied about it.
Kinuha ko sa passenger compartment ang isang kaha ng sigarilyo, magsindi na sana ako ng marinig kong magsalita siya. Gising na ang prinsipe.
"Sino ka? At bakit na sa loob ako ng kotse mo?" Ito agad ang unang salita na lumabas sa bibig niya. Blanko niya itong sinabi.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...