Zack's POV
Sobrang tahimik lang naman po dito, daig pa ang namatayan. Ang hirap tuloy gumalaw kasi ang seryoso nilang dalawa kumain. Ho!
Napatingin ako sa lolo ni Mekari ng tumikhim ito, may sakit ba siya.
Sabagay matanda na kasi ang lolo ni babae. Nagtaka naman ako ng masama ang tingin ng lolo niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang mapa lunok ng laway.
"Don't give me that kind of look, and first of all, I'm not sick." Depensa nito at saka ibinalik ang atensyon sa pagkain.
Eh, paano niya nalaman hindi ko naman sinabi ng malakas 'yon. Wag mong sabihing my superpowers ang lolo niya.
"Tsk. I can see it based on your expression, and I don't have super powers. I do have one, but it's the authority I hold in my empire." Sabi ng lolo ni babae pero ang tingin ay nasa kanyang hinihiwang steak.
Hindi ako makapagsalita at malaki ang mga mata ko lang siyang tiningnan.
Mas lalo akong nagtaka ng tumawa ng malakas ang lolo niya. Kaya nainguso ko ang aking labi, tingin ko kasi pinaglalaruan ako ng lolo ni babae. Tsaka ang weird niya!
"Damn, you did really well in getting the best husband, princess!" Umiiling na pahayag niya kasabay ng malakas na pagtawa, itinuro muna ako nito bago hinarap si babae habang tumatawa parin. Naluluha na nga ito sa sobrang paghalakhak.
"Tsk." Tanging naging reaksyon ni babae sa sinabi ng kanyang lolo. Palihim akong napangiwi ang weird nilang dalawa.
Ipinokus ko na lang aking sarili sa pagnguya ng gulay at kanin sa aking bibig.
"And by the way. What's your name? Who's family are you related to? How about family business? Or Do you have a job?" Sunod sunod nitong tanong sa akin matapos mahimasmasan.
Natigilan ako sa dami ng tanong na sinabi ng lolo ni babae. Pero nanatili akong walang imik, at parang tanga na nakatitig lang sa kanya.
Kunot ang noo ng lolo ni babae, marahil nagtaka ito bakit tahimik ako at tulalang nakatingin sa kanya.
What seryoso ba siya ang dami ng tanong niya.huhuhu. Hindi ako prepared, may pa Q and A naman pala tong lolo ni babae, eh di sana naghanda ako. Si babae naman wala man lang paki at seryoso paring kumakain. Waaahhhh! Hindi man lang ba niya ako tutulungan ang sama talaga ng babaeng 'yan.
"Ahhmm. Ano..eh kasi--" Hindi ko talaga alam ang sasabihin kaya hindi ko mapigilan ang mapa kamot sa ulo.
Nakakapressure naman paano kasi naghihintay ng sagot yung lolo niya, tumigil pa talaga itong kumain para hintayin ang magiging sagot ko. Kailangan ba talaga niyang malaman ang tungkol sa akin, eh diba nga wala akong maalala. Paano ko ba sasabihin to. Sinilip ko ang kinaroroonan ni babae. Alam niyo ba hanggang ngayon wala parin siyang paki, kahit para na akong maiihi dito.
"Grandpa, did I tell you that after this you can ask him a question, right? Let's eat first." Malamig na bilin ni Mekari sa kanyang lolo. Sa isip ko ay paulit ulit kong binigkas ang "Tama! Tama!"
At sa wakas nagsalita din po siya. Tumango lang naman ang lolo niya at kumain na ulit at heto ako panandalian nakaligtas sa sagutan. Ho! Parang pinagpawisan ako dun ah.
Nandito kami sa sala ngayon kakatapos lang din naming kumain. Habang pinapanood ko ang mag lolo na kinukulit si babae, ang kyot lang kasi makulit pala ang lolo ni babae kasi nung una kong nakita ang lolo niya mukhang masungit, may ganito palang side ang lolo niya. Nakangiti ko nalang na pinanood silang dalawa, hindi rin naman nila ako mapapansin dahil parang may sariling mundo ang dalawa.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...