Chapter 3

999 23 0
                                    


Zack's POV

Dail sobrang kaba ang nararamdaman ko ay makailang dasal muna ang ginawa ko bago kumatok sa pintoan. Naligaw pa nga ako kanina dahil sobrang lawak nitong top floor at hindi ko alam kong aling pintoan ba dapat ang papasukin ko. Buti na lang mabait si kuyang naglilinis kanina at itinuro sa akin ang tamang direksyon.

Buo na ang desisyon kong itutuloy ito. Hindi naman siguro ibebenta ang laman loob ko diba. huhuhu. Masakit kaya 'yon. Bahala na nga si batman. Para narin akong tangang kinakausap ang sarili para kumbinsihin na magiging normal lang ang lahat. Ikaw ba naman walang ideya kong ano ang papasokang trabaho, malay natin ibebenta pala ang sarili. Hindi ko maiwasang mapa ngiwi sa negatibong ideya na tumatakbo sa aking isipan.

Ng matansya kong pwede nang pumasok ay inaayos ko muna ang aking sarili saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Pagkapasok na pagka pasok ko ay bumungad sa akin ang napakagandang opisina, hindi maipagkakailang mayaman ang may ari nito. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang inililibot ang aking tingin sa loob ng opisina.

"Young man if you don't stop drooling and came back to your senses. You might regret you came here." Naputol lang ako sa paglibot ng aking mga mata ng marinig ang malamig na boses.

When I hear those words it sent shiver down into my spine. Damn ang lamig, hoo!. Napa english tuloy ako. Dahan dahan naman akong napatingin sa diyosang nasa aking harapan. Malamig ang titig nito at walang emosyon ang mukhang nakatingin sa akin.

"Hihihi." Tanging 'yan lang ang lumabas na salita sa bibig ko.

Nag peace sign pa ako niyan ha. Cute ko kaya.

"Tsk. Stupid." Cold padin niyang sabi.

Ganyan ba talaga siya, walang kaemo emosyon ang mga mukha. Ito ba ang ibig nilang sabihin kaya lang ganon katakot ang mga babae kanina.

Teka...siya yung babaeng may baril sa park. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin ng na sa front desk kanina kaya pala siya sobrang kinakatakutan. Baka leader ito ng sindikato. Hindi naman siguro sa ganda ba naman nito.

"Who are you? Did Ella send you here young man?" Tanong niya sa akin.

Mas lalo atang lumamig ang boses nito, tila naiinis narin ito kasi ang tagal ko lang namang nakatayo dito at parang tangang nakanganga sa kanya.

"Ahm. Ito nga pala." Lumapit ako saka binigay sa kanya ang card na nakuha ko mula sa lalaking nakabangga ko kanina.

Tiningnan lang naman niya ito at tumango ng kaunti.

"Not bad." Sabi niya.

Habang sinusuri ang kabuuan ko, tinakpan ko naman kaagad ang aking sarili at tumingin sa kanya ng pagtataka. Nakatayo parin ako niyan, iwan ko ba naestatwa nalang ako sa babaeng ito. Tumawa naman ito ng kaunti.

tumawa..

tumawa siya..

Wahhh ang ganda niya lalo. Kahit alam kong mukha na akong baliw na nakanganga kasi lang tumawa siya pero iba kasi eh. Basta.

"Ahh. Oo!" Pagsisinungaling kong sagot sa tanong niya kanina, bahala na.

"Name?" Wow! Napakahaba lang naman ng sinasabi niya.

Inaayos ko ang aking sarili at lakas loob na titigan siya sa mga mata kahit halos nakamamatay na ang mga binibigay nitong tingin. Sa guardian angel ko parang awa gabayan mo ko at sana makalabas ako ng buhay dito. Pero nilakasan ko ang aking loob at sinabi ang napaka ganda kong pangalan.

"I'm Zack Tristan Shuniwara!" Nag bow pako niyan para gentleman. Pangit ng pangalan ko no tanungin niyo nanay ko.

"Are you related to Japanese?" Tanong niya at blanko parin ang mukha.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon