Chapter 8

667 18 1
                                    


Zack's POV

Sa wakas tapos na din sila kaso nga lang sobrang nakakaantok. Buti na lang hindi ako nakatulog sa pakikinig sa kanilang dalawa. Lahat ng pinaguusapan nila ay wala akong maintindihan, ang boring pala kapag business ang trabaho mo puro opisina at daldal. Hindi ako magtatagal sa ganitong trabaho.

Hayyyy. Gusto ko nang umuwi. huhuhu. Nagpaalam na kami kay Mr.black at bastos talaga ng babaeng to tinalikuran ba naman kaagad niya kaya ako nalang nakipagkamay kay Mr. Black. Humingi narin ako ng pasensya pero mukhang wala lang sa kanya at binigyan lang ako ng ngiti. Okay!

Habang nasa byahe kami ay sobrang tahimik daig pang namatayan. Hmm. Hindi pa ba ako masasanay eh palagi naman talagang tahimik itong katabi ko. Siguro wala siyang mga kaibigan. Napanguso ako.

Kahit sinong tao siguro malaman nila ugali nitong katabi ko talagang aatras sila at wag nang makipag-usap sa kanya. Sungit eh!

"Babae, hindi kaba napapagod puro trabaho inaatupag?" Tanong ko sa kanya pa'no ba naman pagkarating namin sa loob ng sasakyan eh laptop kaagad kaharap niya at palaging may kausap sa phone.

Hindi manlang sinagot ang tanong ko at seryoso parin itong nakaharap sa laptop.

"Hoy! babae? Naririnig mo ba ako?" Pangungulit ko. Kahit tingnan ako ay hindi niya ginawa.

Naghintay ako nng ilang segundo na magsalita siya pero, deadma. Ang pangit niya ka bonding pramis! Humaba ang nguso ko at lumaki ang butas ng aking ilong saka iritabli na ibinaling ko ang aking tingin sa labas ng bintana.

Wahhh! Bahala siya diyan matuyuan ng laway.

Bumaba kaagad ako ng sasakyan pagkarating namin sa bahay niya.

Dumeretso ako paakayat sa aking kwarto. Si babae iwan ko kung saan nagpunta 'yon. Bahala siya sa buhay niyang sobrang boring! Hmmp.

Humiga ako sa kama.

Ano nga ulit yung papapanuorin ko. Ah! Koreandrama, ma search nga. Ito pala ang pinagkakaguluhan ngayon ng mga people. Hmp! Di mas hamak na gwapo pa ako dito no.

Napahagikhik ako.

Nag search ako sa internet ng mga most viewed at high rated na drama. Ano bang mas maganda, ahh ito ito.

Dahil mas masarap manood ng may kinakain, kaya bumaba muna ako sa kusina para makakuha ng popcorn tsaka drinks, sinilip ko ang sala. Wala na si babae, nasa opisina na siguro. Paki ko ba!

Masaya kong tinahak ang hagdan pabalik sa aking kwarto, habang akap ang malaking plastic bag ng popcorn at canned drinks. Yey!

Wahhh.huhuhu. Nakakaiyak naman pala to. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table. 3:30 am nah patay ako nito. Bahala na! Ipinagpatuloy ko ang panonood.

Tsk. Last episode nalang talaga promise naiinis ako sa babae ang sarap tirisin.


Third person's POV

Sa pangalawang pagkakataon hindi na naman nakagising ng maaga si Zack na siyang ipinagtaka ni Mekari kung ano ang pinag kakaabalahan nito.

"Wake him up." Utos niya sa katulong at ipinagpatuloy ang agahan.

"Milady, gising naman po si young master nakaharap lang po ito sa kanyang laptop at tila may pinapanood pero baba na daw po siya." Magalang na sagot naman ng kanyang katulong.

Kakababa lang kasi nito mula sa silid ng binata. Naghatid ng mga niyuping damit.

Tango lang ang ibinigay niya dito at hinintay na makababa ang binata.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon