Chapter 13

547 17 0
                                    


Grandpa's POV

Hindi ko akalaing ganito pala ka lupet ang magiging asawa ni princess. Napapa halakhak na lang ako matapos maalala ang ginawa ko at ng kanyang asawa kanina. Napangiwi ako ng sumakit bigla ang balakang ko. Marahan ko naman itong minasahe. Pahamak talaga ang batang 'yon, paano na lang kong hindi kami naka talon ng asawa niya baka hindi lang balakang ko ang napuruhan, siguro na sa hospital na kami ngayon at puno ng benda ang katawan.

Ang saya lang kasi nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Eh, kung gumawa na kasi sila ng mga apo ko para hindi ko na sila istorbohin.

Ang sungit talaga ng batang 'yon barilin ba naman ang wire na humawak sa chandelier kahit nakasakay kaming dalawa ng asawa niya at maaaring masugatan sa pagbagsak. Tsaka hindi ba niya alam na nag eenjoy kami ng asawa niya.

So mean talaga iwan ko ba't palagi nalang cold ang mukha ng batang 'yan, hindi ko nga alam paano niya natiis ang asawa niyang mas malala pa sakin. Mahina na lang akong natawa sa ideyang 'yon. Totoo naman mas makulit pa sa akin ang binatang 'yon.

Alam niyo bang masungit na si princess kahit noong bata pa ito, pero mukhang mas lumala simula ng mawala ang kanyang mga magulang.

Naalala ko pa noon kahit hindi niya ipinakita na nasasaktan ito pero alam kung sa likod ng malamig na mga mata niya ay saan nakatago ang sakit na dinadamdam.

Bilib ako sa batang yun dahil nakayanan nito ang lahat ng mga masasamang pangyayari, nagkukulong pa nga ito sa kwarto niya.

Nagulat nalang ako paglabas ng kwarto niya ay..tiningnan ko ang tanawin sa aking harapan bago napa buntong hininga ng balikan ulit ang masakit na alaalang 'yon.

<FLASHBACK>

"Princess? Alam kong nasasaktan ka sa mga pangyayari kahit hindi mo ipakita sa akin. Nandito lang si grandpa mo, okay?"

Ilang linggo na itong nagkukulong sa kwarto niya. Wala akong magawa kundi ang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Ilang ulit ko siyang sinubukang kausapin pero malamig lang niya akong tingnan na tila ba hindi niya ako kilala.

Mas lalo yatang naging cold si princess ko, kung napigilan ko lang sana ang lahat bago nangyari ang insidente. Maiiligtas ko pa siguro ang mga magulang niya at hindi na aabot pa sa puntong may mawawalan ng buhay at baka may tsansa pang maging masayang bata si Mekari.

Karumaldumal ang ginawa nila sa anak ko, sa mga magulang ni Mekari ang akala namin may business trip lang ang dalawa, ngunit nabalitaan nalang naming nakahandusay sila na duguan sa kanilang tinutulugan na hotel.

At mas malala pa don ay si princess mismo ang unang nakakita sapagkat may sulat siyang natanggap at ang akala niya nang galing ito sa kanyang mga magulang, pero isa lang pala itong patibong upang siya mismo ang unang makasaksi sa nangyari, napakasama nila wala silang awa.

Nagtaka nalang ako ng umuwi itong wala sa sarili at tila malalim ang iniisip.

"Grandpa! Marus hotel, VIP Suite, Door 59051, Top floor."

Yun lang ang tanging sinabi niya, nagtaka naman ako kung anong ibig sabihin non kaya ipinapunta ko ang mga tauhan ko don at saka nito ibinalita ang pagpatay sa mga magulang ni Mekari.

Hindi nga ito sumama sa burol ng kanyang mga magulang, nagkukulong lang ito sa kanyang silid.

Hanggang umabot sa dalawang buwan at hindi parin ito lumalabas sa kanyang silid. Kahit mayroon akong importanteng lakad at kailangan na asikasuhin, minsan nga ay sa sobrang busy ko sa organisasyon wala namang araw na hindi ko siya na bisita. Palagi ko rin siyang kinakausap kahit ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig nito.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon