Ella's POV
<Flashback>
Main headquarters | Computer room
Tambay mo na ang dyosa niyo dahil wala pang mission na kailangan tapusin this week. Kaya here I am nag bebeauty rest habang kasama ko ang kambal and si Matt na nasa harap ng kanyang computers.
Kasalukuyan akong naglalagay ng skincare ng magsimulang magtalo ang kambal, gosh this two talaga nagdadala ng stress sa HQ. Inikot ko ang aking gorgeous eyes na may makapal na pilikmata all natural sa magkakapatid.
"Hoy! Akin 'yan." Sigaw ni Markian sa kapatid, pilit rin na inaabot nito ang mga kamay ng kapatid.
"Anong sayo, ha! Akin to. Bleh!" Depensa naman ng kanyang kambal na si Mikael habang pinipigilan ang kapatid na maabot ang bagay na siyang pinag aagawan ng dalawa.
"Sinong may sabi, ha! Akin 'yan, bigay pa nga ni Ella sa akin to. Diba, Ella?" Tanong nito sa akin, itinigil ko muna ang ginagawa saka nilingon silang dalawa, wala akong sinabi pero inirapan ko lang. Dinamay pa ako, bulag ba silang dalawa kitang busy ako sa pag aaply ng skincare.
"Excuse me!" Bulyaw ni Markian sa kapatid at nameywang.
"Dadaan ka?" Pag pilosopo naman nito sa kakambal. Napa irap ulit ako sa kakulitan ng dalawa. Hays!
Buti na lang wala akong kapatid. Stress free.
"Abah! Hmp, tingnan mo nakalagay pa nga pangalan ko!" Giit ni Markian saka niya ipinakita sa kakambal inilapit pa talaga niya ito sa mukha ng kapatid. Sinipat naman ni Mikael ang hawak ng kapatid. Ayaw rin magpatalo.
Napailing ako. Ibinalik ko ang tingin sa hawak na salamin saka kinindatan ang sarili. Ah! Ganda ko talaga. Pinatuyo ko muna itong nilagay ko na facial cream mask sa mukha. Habang mina massage ko face ko ng biglang tumunog ang aking selpon.
Si bossing tumatawag.
Isang ring pa lang ay sinagot ko na agad.
"Hoy! Ang daya nam–"
"Kasalanan ko ba–"
"Pwede ba! Tumahimik mo na kayo!" Saway ko sa kanilang dalawa.
My ghad! Kay aga aga ang iingay ng dalawang to. Pumunta lang talaga sila dito para mag-away. Tutubuan ako ng pimples sa kanila. Ang kukulit. Nag aagawan, para sa isang piraso ng candy.
Eh, kaya naman nilang bumili kahit isang truck pa. Kaloka!
"Sino yan? Si bossing?" Tanong ni Mikael habang naka dungaw sa selpon ko.
"Shhh. Tumahimik pwede!" Inilagay ko ang aking hintuturo sa aking labi para ipakita na shut up mo na siya. Inislide ko ang screen sa green na button para i accept ang call.
"Sabihin mo h---mmpp!" Magsasalita pa sana ito ng tumayo si Matt. Naiingayan narin ata. Itinakip nito ang mga kamay sa bibig ng kambal sa ka hinila papalayo sa akin.
"Thank you!" Bulong ko na may kasamang kindat, tumango lang naman siya.
Ibinalik ko ang atensyon sa hawak na phone. "Yes, milady?" Pormal na sabi ko.
Hindi naman nakakagulat kapag tumawag si Bossing dahil halos araw-araw ay may ipinapagawa siya sa akin na trabaho.
"I want you to hire someone I can marry. A.S.A.P." Yun lang sinabi niya pagkatapos ay ibinaba kaagad nito ang tawag. Wala man lang tanong ng updates or explanation ng detalye sa hinihingi niya.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...