Chapter 7

733 19 0
                                    


Third person's POV

Maagang nagising si Mekari at kaagad na nag-ayos sa sarili. Pagkababa niya ay kumunot kaagad ang kanyang noo ng hindi makita ang binata sa buong sulok ng kanyang bahay.

Sinabihan pa naman niya ito kagabi na dapat gigising ng maaga ang binata dahil sasama ito sa kanya papuntang opisina. Siya kasi ay kahit madaling araw pa ay gising na, tinatapos ang ibang gawain na may kinalaman sa kompanya.

Ilang minuto ang lumipas habang siya ay nagkakape sa kanilang kusina. Tinawag niya ang isang katulong at inutusang gisingin ang binata. Ibinilin din niya na kapag hindi ito gigising ay tuluyan na niya ito ng hindi na muli pang makagising. Mabilis na umakyat ang katulong papunta sa kwarto ni Zack.

Samantalang si Zack na ngayon ay mahimbing paring natutulog, nakalimutan nito ang pinagusapan nila ni Mekari. Pumasok ang katulong sa silid ng binata. Dumeretso kaagad ito sa kama ni Zack na kinabahan, sa takot narin na mapagalitan ng kanyang amo.

"Young master! Young master..gising na po." Pag gising ng inutusang katulong ni Mekari sa binata. Nanlamig sa takot ang katulong ng hindi man lang kumibo ang binata sa kanyang higaan. Habang si Zack naman ay kahit naririnig niya ang sinabi ng katulong ay binalewala lang niya ito at ipinagpatuloy ang naudlot na pagtulog.

Mas lalong nagtaka si Mekari ng hindi parin ito nakababa. Kaya tumayo siya sa pagkakaupo at napagdesisyonang siya na mismo ang gigising dito. Tahimik na nilakbay ng dalaga ang hagdan at daan papunta sa silid kong saan natutulog ang binata.

Napahilot na lang siya sa kanyang sintido ng maabutan niya itong tulog parin.

"Out!" Utos niya sa nakayukong katulong. Walang imik na lumabas kaagad sa silid ang katulong.

Lumapit ang dalaga sa binata. Matalim rin niya itong tiningnan. May kinuha ito sa loob ng kanyang damit.

"You will leave the bed or I put this bullet straight in your head young man and sleep into a deep slumber forever...1..2.." Malamig na sabi ni Mekari habang nakatutok ang hawak na baril sa nakahigang binata.

Isang mahinang click mula sa baril ni mekari ang dahilan kaya napadilat ang binata, pahiwatag na ibinaba na nito ang safety pin ng baril.

Tila nagising naman ang kaluluwa ni Zack at agad napabalikwas ng bangon. Sumalubong kaagad sa kanya ang nakatayong dalaga, nasa gilid ito ng kanyang kama. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, palipat lipat ang tingin niya sa baril at kay Mekari. Napalunok siya ng kanyang laway ng mapansing galit na ang dalaga.

''Wahhhhh!...huhuhu kita namang inaantok pako...''

Reklamo niya sa kanyang isipan na ngayo'y nakabusangot na nakatingin kay Mekari hindi parin ibinababa ng dalaga ang hawak na baril, pa pikit pikit pa ang dalawang mata niya halatang inaantok pa ito matagal kasi itong nakatulog kagabi kakaisip tungkol sa dalaga. Ngunit dinaig ng antok ang kanyang takot.

"What did I tell you? That you must wake up early in the morning because you'll come with me to the office. Tsk!" Paalala ng dalaga sa binata.

Ibinaba narin nito ang hawak na baril.

"Oo nahhh!" Tanging sagot ng binata kay Mekari.

Wala na itong nagawa at kaagad na umalis sa kama upang gawin ang dapat gawin, napailing nalang si Mekari, saka niya nilisan ang silid ng binata.

Pagkatapos magbihis ni Zack ay bumaba na ito at dumeritsong kusina para kumain ng agahan, kung saan naabutan niyang nagkakape ang dalaga. Napairap nalang siya.

''Hmp. Mukha siyang tatay sa ginagawa niya, siya lang ata ang babaeng nagbabasa ng dyaryo. Paki ko ba.''

Sa isip niya habang tinitingnan si Mekari, napaiwas naman siya ng tingin ng ibinaling nito ang nakakunot na mukha sa kanya.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon