Zack's POV
Kailangan ko na talagang alamin kung saan tinatago ni babae ang baril niya.
Wala naman yun kanina. Muntik pa ako matamaan. Kainis namang baril kung saan-saan sumusulpot.Isa sa pinasasalamatan ko, na hindi maalala ni babae ang nangyari kahapon. Hindi ko rin kasi alam kong paano siya haharapin kung sakali man. Bakit kasi sinabi ko pa 'yon.
Nakabusangot ko na tiningnan ang pintuan ng kwarto ni babae. Ilang araw na ba simula ng dumating ako sa bahay na to. Hindi ko na maalala.
Parang gusto kong kumain ng ice cream.
Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Napa buntong hininga ako. Effort pa sana ako, halos himatayin pa nga ako sa kaba. Sa pag aakala na nakikinig siya 'yun pala wala nang malay si babae.
Hindi ko alam kong ano ang dapat gawin wala naman kasi sa isip ko na may pagkakataong mawawalan siya ng malay. Nakahinga naman ako ng maluwag matapos ipaliwanag sa akin ng katulong ang dahilan kung bakit nahimatay si babae.
<Flashback>
"Oi babae.. Magsalita ka naman ma--" Naputol ang sasabihin ko sana at nanlalaki ang mga mata.
"Babae?"
Pero wala akong nakuha na sagot sa kanya. "Oi babae!" Tawag ko ulit. Tulog ba siya. Hinawakan ko ang mukha niya.
Tinampal ko ng sobrang hina ang pisngi nito, akala ko magigising siya pero nanatili pa rin itong nakapikit. Sobrang kaba ang nararamdaman ko nang hindi parin ito gumagalaw, kaya hindi na ako nag dalawang isip pa ang buhatin siya at lumabas sa lugar na 'yon.
Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng mga katulong. Kunot ang noo ko nang kalmado lang ang bawat isa sa kanila. Bakit parang inaasahan na nila ang mangyari ito.
"Young master! Ang tauhan na po ang bahalang magbuhat kay milady sa kanyang silid." Suhestyon nong isa sa akin. Umabante ang isa sa mga tauhan at umakto itong kukunin sa akin si babae.
"Move." Matalim ko itong tiningnan. Hindi ko pinansin ang sinabi nito at mas hinigpitan ang pagkaka hawak kay babae.
"Masusunod po. Tatawagan na lang namin ang family doctor ni milady." Walang emosyon kong ipinagpatuloy ang paglalakad. Habang nasa bisig ko si babae.
Saka nilagpasan ang nakatayong tauhan at katulong..
"Just go." Nang tingnan ko si babae ay walang malay parin ito.
Pagkapasok namin sa kanyang kwarto ay kaagad kong inihiga si babae sa napakalaki nitong kama ng dahan-dahan. Wala paring senyales na gising ito.
Dumating kaagad ang sinasabi nilang family doctor daw, mabilis nitong sinuri si babae at ipinagbilin na sa labas lang daw muna kami maghintay. Hindi ko naman maiwasan ang mag alala.
Pabalik-balik ang lakad ko habang hindi inaalis ang tingin sa pintuan ng silid ni babae. Unang beses ko kasing masaksihan ang ganitong pangyayari, hindi ko naman inakalang mahihimatay rin pala ang isang dragon.
"Nangyari na ba 'to dati?" Hindi ko maiwasan na tanungin ang katulong na kasama kong naghintay sa labas. Kaagad nitong ibinaling ang tingin mula sa kinatatayuan ko.
"Opo. Minsan na po itong nangyari kay milady noon. Sa tingin ko po ay maraming beses na itong nangyari. Minsan po pagkatapos ng meeting ni milady sa kompanya noon ay bigla nalang po itong hinimatay sa kanyang opisina." Magalang nitong sagot sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...