Zack's POV
Malakas akong dumighay sa harap mismo ni babae pagkatapos kong kumain. Hinihimas himas ko pa ang aking tiyan.
Hay! Nabusog din ako. Ang sarap talaga ng luto ni babae. Da best!
Kagat ang labi kong hinintay ang magiging reaksyon niya, pero mukhang balewala lang ata sa kanya ang ginawa ko.
"Hehehe." Bungisngis ko naman habang siya ay parang robot na nakaupo sa harap ko. Wala talagang emosyon na pinapakita ang kanyang mukha. May kaluluwa pa kaya to si babae? Gusto ko na talaga ma meet ang mga magulang niya para magtanong kung saan naglilihi ang mama niya ng na sa sinapupunan pa si babae.
"Weirdo." Umiiling niyang saad.
Nag peace sign naman ako sa kanya.
"Wipe your face." Saad niya saka inihagis sa mukha ko ang isang puting panyo. Bastos!
Nakasimangot ko na kinuha sa mukha ang panyo. Sapol na sapol talaga! Agad ko namang pinunasan ang bibig ko. Napadako naman ang tingin ko sa pinggan ni babae. Ang liit lang ata nang kinain niya.
"Babae?" Tawag ko sa kanya.
Ibinaba nito ang ginamit na kubyertos at tumingin sa akin.
"Hmm." Kinuha niya ang baso na may lamang tubig at uminom.
"Bakit ang liit lang ng kinain mo?" Tanong ko sa kanya. Itinuro ko naman ang plato niya na parang hindi man lang nilagyan ng pagkain.
"I'm not like you zack. You eat like a lion." Komento niya habang pinupunasan ang bibig ng maliit na tuwalya, 'yon bang inilalagay sa dibdib kapag kakain ka.
Ang totoo ako ba talaga ang lion o ikaw. Napa irap ako sa aking isipan dahil pag gagawin ko 'yon sa harap ni babae syempre bala na naman ang sasalubong sa akin.
"Kahit na. Sayang hindi mo dinamihan ng kain. Masarap pa naman ang luto mo." Giit ko.
Salubong ang kilay ko siyang tiningnan. Makuha ka sa tingin.
Pero alam ko naman talagang talo ako sa kanya.
"I don't feel like eating and I don't like cooked rice." Walang gana niyang bulalas sa dahilan kung bakit konti lang kinakain niya.
Napakunot naman ang noo ko sa naging sagot ni babae.
"Sana sinabi mo para hindi na natin niluto. Hilaw pala gusto mo." Seryosong komento ko. Bakit kasi hindi niya sinabi, 'yon pala ang gusto.
Nagtaka ako nang biglang tumalim ang titig nito.
Ano na naman ba ginawa ko.
"Are you having a death wish?" Banta ni babae. Sino ba ang gustong ma baril, ha!
"Hehehe syempre nagpapatawa lang. Ito naman hindi mabiro. Oh!" Iniba ko kaagad ang usapan baka sa kabaong na ako nakahimlay mamaya imbes sa kama.
Nilagay ko sa plato niya ang kaunting kanin at maliit na hiwa ng chicken adobo. Kunti-kunti lang pero ilang beses ko siya bigyan, kasi kapag pinagsama magiging isang buong kainan rin sa huli kapag maubos niya.
"Are you an idiot or just stupid? Tsk." Sumbat ni babae habang palipat-lipat ang tingin sa binigay ko na pagkain at sa akin.
Tingnan mo ang babaeng to. Hindi niya ba alam na maraming tao ang nagugutom ngayon. Pa salamat siya hindi niya pinoproblema ang kung ano ang kakainin.
"Sige na.." Pagpilit ko sa kanya.
Inusog ko pa talaga ang plato palapit sa kanya.
"No and No." Matigas na saad naman niya. Bampira ba ang babaeng to kaya hindi kumakain. Hindi ko mapigilan ang mapa kamot sa batok.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...