Zack's POV
Pagkagising ko ay wala na si babae sa tabi ko. Iwan ko pero parang bigla akong nalungkot ng hindi siya kaagad ang nadatnan, akala ko pa naman mukha niya kaagad na natutulog ang bubungad sa akin pagkabukas ng mga mata ko ganun kasi kalimitang makikita mo sa mga drama yung pagbukas ng mata mo mukha kaagad niya ang makikita, tapos titigan mo sya at ilalapit ang mukha mo sa kanya ng dahan-dahan mwehehe ay, tsk iba nga pala ang babaeng yun.
Ano ba naman zack asa ka pa, hindi naman ata uso ang salitang tulog sa babaeng yun. Aswang yun aswang kaya wag mong kalimutan na imposibleng mangyari lahat yang mga iniisip mo, napailing nalang ako saka napa buntong hininga.
Siguro kung nababasa ni babae kung ano nasa isip ko tiyak magagalit nanaman 'yon. Mahina na lang akong napatawa. Agad kong tiningnan ang orasan na nakalagay sa bedside table ng aking higaan. 12:35 ang nakalagay dun grabe ganon ako katagal natulog kaya naman pala hindi ko nadatnan si babae. Napag isipan ko nang bumangon at magbihis para bumaba kasi humihiyaw nasa gutom ang mga dragon ko sa tiyan, hehehe.
Pagkalabas ko ay siya namang pagbukas din ng pinto ni babae, babatiin ko sana siya ng diretso lang itong naglalakad na tila hindi man lang naramdaman ang aking presensya, aray ko naman, napa hawak ako sa aking dibdib galit pa rin ba siya sa mga nangyari kagabi.
Pagkarating ko sa baba ay naabutan kong nag uusap si babae at grandpa. Napakunot ang noo ko nang makitang bit-bit ng isang tauhan ang isang malaking maleta. Huh? Sino namang aalis?
Kagad nasagot ang tanong ko nang mapadako ang tingin ko sa lolo ni babae na ngayon ay bihis at suot ang mamahalin nitong suit. Agad na namuo ang mga luha sa aking mata ng mapagtanto kung aalis na si grandpa.
Nakita ko na binigyan ni babae ng isang tango si grandpa at agad na tumalikod papuntang kusina. Kaya hindi ko na mapigilang sumigaw kasabay ng pag uunahan na tumulo ang aking mga luha.
"Waaaahhhh!! GRANDPAAAAAA!, HUHUHU!" Malakas na hiyaw ko para makuha ang atensyon ni grandpa. Baka kasi aalis ito ng hindi man lang mag papaalam sa akin, so kung hindi pa ako nagising hahayaan niya lang na umalis siya ng walang sabi. Hmmp!
"Idiot!" Narinig ko pang saad ni babae ngunit pinag walang bahala ko na iyon dahil nakapokus ang pagdadalamhati ko sa matandang ilang minuto mula ngayon ay tuluyan ng lilisan sa pamamahay na ito.Agad na napatingin ang lolo ni babae sa akin at isang ngiti lang isinagot nito na mas lalong nagpaiyak sa akin. Naalala ko ang mga araw na kulitan namin ng lolo ni babae, huhuhu. Sininghot ko ang aking sipon dahil nakakahiya naman, tumulo na ata sa sahig.
Halos tumakbo na ako para mapalapit kay grandpa.
"Oh, zack!" Parang wala lang na pagtawag ni grandpa sa pangalan ko. "Gising ka na pala mukhang napasarap ang tulog mo, ah." Dagdag naman niya na sinundan ng isang tawa. Habang ako ay na sa harapan niya ngayon, umiiyak na nakatingala sa kanya.
"Huhuhu grandpa naman aalis na kayo kaagad eh ilang araw pa nga lang kayo dito tapos.....maiiwan na naman ako mag isa dito, magiging boring na naman sa mansyon alam nyo namang kayo lang kaya ka vibes ko dito." Maktol ko sa kanya.
Tumawa mo na siya bago sinabi ang dahilan kung bakit siya ay aalis na. "How I wish to stay longer in this place, Zack, but I have an important friend to visit in another country, which is not good to mess with. Don't worry, I'll visit again soon after I finish all the unfinished business outside the country."
Nabuhayan naman ako ng malamang babalik ulit siya dito kapag natapos na niya ang kanyang trabaho. Pero kahit na mabigat parin sa damdamin na aalis na siya.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...