Chapter 4

930 20 0
                                    


Zack's POV

Hanggang ngayon tulala parin ako sa lahat ng mga nangyayari sa akin. Nandito parin ako sa opisina, naghihintay sa kanya kasi daw hindi pa kami tapos mag-usap tungkol sa mga bagay bagay.

<FLASHBACK>

wahhhhhh.huhuhuhu.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng may biglang kumatok.

Sino naman kaya to epal eh. Talaga bang kasal na ako sa kanya. Ito magiging asawa ko huhuhu eh nakatakot kaya ang babaeng to. Pumasok naman ang sekretarya niya ata 'yon.

"Milady, my urgent meeting kayo ngayon at naghihintay na ang board members sayo sa conference room." Pormal na sinabi ito ng babae.

Nakita ko na tumango lang siya habang patuloy parin sa ginagawa nito.

Paperworks ata kasi ang daming naka tambak na papel sa mesa nito. Busy.

"5 minutes." Tanging isinagot ni Mekari doon sa sekretarya niya siguro.

Ang haba ng sinabi niya promise. Pagkatapos ay yumuko ng kaunti yung sekretarya niya at lumabas. Hindi man lang siya nag abalang tingnan ito. Agad naman niya akong hinarap, hindi parin nagbabago ang malamig nitong tingin sa akin.

"Young man, wait for me here. Don't do anything stupid and we're not yet done. I'll be gone for a while, understood?"

Tumango nalang ako at sinundan siya ng tingin habang papaalis. Para naman akong bata kung pagbilinan niya. Ininguso ko ang aking labi.

Bakit ba kasi ako pumayag. Humilata nalang ako dito sa sofa at iniisip parin kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Parati ko na atang paalalahanan ang sarili na may asawa lang naman akong bossy.

<End of Flashback>

Yun kaya hinintay ko siya dito. Tinanong ko nga siya kung paano niya nagagawa ang ganitong kadaliang kasalan na wala sa simbahan. Alam niyo ba na ang haba ng sinabi niya.

"I have my ways, young man."

Ede wow. Siya na magaling kaya nga siguro nagawa niya ito ng madali kasi leader siya ng sindikato tsk tsk. Ba't ngayon ko nga lang ba ito na isip. Ayoko nang ipaliwanag ang opisina niya basta maganda. Akala ko nga lalaki ang may ari dahil halos kulay itim ang kalimitang makikita mo dito. Mayroon naman ibang kulay. Tsaka yung mga designs naman hindi pang girly. Alam mo na kapag babae parang wonderland kung mag ayos. Si manang nga light colors palagi kulay ng damit. Hala kamusta na kaya yun.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang bumukas ang pintoan at pumasok ang lalaking hindi ko kilala. Baka isa to sa mga alagad niya.

"Anong kailangan mo?"

Tanong ko sakanya eh kasi pagpasok niya nakatayo lang siya sa gilid ng pintoan at walang imik, weird ni kuya.

"Pinadala ako dito ni lady mekari para bantayan kayo at kung may kailangan kayo sabihin niyo lang sa akin. Baka daw matatagalan siya bago makabalik." Nagsasalita nga siya pero sa harap naman na katingin. Magtatanong pa sana ako nang tumunog ang mga bulate ko sa tiyan. Oo nga pala hindi pako naka pag agahan. Mahina akong napa-buntong hininga.

"Hehehe kuya pwede favor?" Magalang na sabi ko.

Tumingin naman siya sa akin.

"Bakit po?" Kung maka po naman si kuya parang mas matanda ako sa kanya. Sige na nga lang uutusan ko pa naman to.

"Pengeng pagkain hehehe!" Ngumisi ako ng sobrang laki ng sabihin ko 'yon sa kanya.

Tumango lang naman siya saka diretsong lumabas ng opisina. Humaba ang labi ko sa inasta ni kuya. Ano ba yan pati ba naman si kuya tahimik din.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon