Chapter 42 - Prime Mover

57 6 0
                                    


Third Person's POV

Seryoso ang mukha na lumabas ng kanyang kompanya si Mr. White. Bumalik na ito sa trabaho kahit hindi pa gaano ka galing ang mga sugat na natamo niya kay Liam, noong araw na kinuha niya ito sa kamay ng Del Bazerie.

Binuksan ng kanyang tauhan ang pinto ng kotse, maingat siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Mariin siyang napapapikit ng kumkirot ang kanyang sugat.

Napapamura lang siya sa kanyang isipan ng balikan kung paano sa parehong araw, hinayaan niya na barilin siya ni Liam kung hindi lang ito napaka importante ay pinatay na niya ang binata sa harap ng reyna ng Del Bazerie, ang pagtataksil ni Ajax sa kanya ng malaman na nakipag sundo ito sa mga kalaban, at pang huli kung paano kabilis nawala sa kamay nila si Liam.

Nakapikit na isinandal niya ang sarili sa upuan na hinawakan ang parte kung saan ang kanyang sugat.

Mabilis nakarating si Mr. White sa isang bar, bago ito bumaba ay sinuot muna niya ang isang singsing na may insignya ng kanilang organisasyon na Avalanche.

Pagpasok ay agad siyang binati ng kanyang mga tauhan na nandoon sa oras ng kanyang pagdating. Agad na lumapit si Apollo sa kanyang amo at bumati. "Mr. Andreeva."

"Where is he?" Malamig na tanong niya kay Apollo.

Sasagutin pa lang sana siya ni Apollo ng manaig sa paligid ang malakas na sigaw ng isang lalaki. Sumilay sa labi ni Mr. White ang malademonyong ngiti, mabilis na punta ang kanyang tingin sa kung saan nanggaling ang sigaw. Nakaramdam ng matinding takot si Apollo matapos makita ang kakaibang ngiti na pinapakita ni Mr. White.

"He's in the basement." Nakayuko na ipinaalam ni Apollo kay Mr. White. Bahagya lang ito na tumango saka sinimulan tahakin ang daan papunta sa sinabing basement ni Apollo.

Nanginginig sa galit si Mr. White na naglalakad, para sa kanya hindi sapat ang buhay ni Ajax para bayaran ang lahat ng ginawa nito.

Gusto niya man na kitilin na ang buhay ng binata ngunit magagamit pa niya ito para makuha ulit si Liam ng mapag alamang magkadugo pala ang dalawa.

Tahimik na binaybay ni Mr. White ang bakal na hagdan, narating niya ang madilim na silid. Ang gilid ay nahahati sa magkaharap na kulungan na gawa rin sa makapal na bakal.

Nakataas ang gilid ng labi niya ng makita si Ajax na nakagapos ang mga kamay sa ding-ding habang sunod sunod na hinahampas ang hubad na likod ng latigo. Masaya siya na makita ito na nahihirapan, sumisigaw sa sakit at nanghihina.

Ng mapansin ang pagdating ni Mr. White ay kaagad na lumapit ang tauhan na siyang naatasang kumalap ng impormasyon kay Ajax.

Tumigil siya sa harap ng kanyang amo bago yumuko bilang pagbibigay galang saka binati. "Mr. White!"

"Kalixto. Did he talk?" Tanong ni Mr. White na ang tingin ay kay Ajax.

Kinakabahan na tiningnan saglit ni Kalixto ang direksyon ni Ajax bago magalang na sinagot ang kanyang amo. "He won't say anything no matter what even if he dies, sir."

Malakas lamang na tumawa si Mr. White. Ang tunog ng paghampas ng latigo ay napalitan ng kanyang mga palakpak. Tumigil ang kanyang tauhan sa ginagawa ng lumapit siya dito.

"Let me talk to him." Malamig na utos nito.

"Men, move!" Pagkuha ng atensyon ni Kalixto sa mga tauhan na nandoon sa loob, mabilis na umalis ang mga ito, ang tanging naiwan ngayon ay si Mr. White at Ajax.

Malakas na napa daing sa sakit si Ajax ng bigla siyang suntukin ni Mr. White sa sikmura.

"You shouldn't return. Do you really expect that we won't see your plans, Ajax. Now, tell me, who exactly you work for and where are they?" Kalmado na saad ni Mr. White pero mahihimigan sa tono ng kanyang boses ang labis na pagpipigil.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon