Chapter 39 - Mafia Queen

58 4 0
                                    

[I do not own the photo above. It's just a sample of how I imagine the island.]

A/N: Thank you so much po! Lalo na sa mga naghintay, bumalik, after ilang months bago nagkaroon ng panibagong updates. My goal is tapusin itong IGACH bago mag end ang August so mag uupdate na po ako always, hehe! Enjoy reading.


Zack's POV

"Gomennasai. Papa mo watashi mo anata o mamorenakattanoyo!" (I'm sorry. Papa and I failed to protect you!) Nanghihina na binigkas ng isang ginang habang nasa pisngi ng anak ang isang kamay. Kahit duguan ay malawak pa rin ang ngiti nito.

"Īe, anata wa ikimasu yo, okāsan! Me o tojinaide kudasai." (No. You will live, Mom! Don't close your eyes.) Umiiyak na pakiusap ng anak habang nasa bisig ang ina. Marahan lang na umiling ang ginang. Kahit nanlalabo ang tingin ng ginang dahil sa kanyang mga luha ngunit malinaw sa isipan niya ang mukha ng anak.

"Oboete oite kudasai, nikushimi ni yotte jibun o shiawase ni suru koto o samatagenaide kudasai." (Don't let hatred hold you from doing things that make you happy!) Paalala nito sa anak na may kasamang matamis na ngiti.

"Īe, okāsan! Īe, watashi kara hanareru koto wa dekimasen. Onegai!" (No. Mom! No. You can't leave me. Please!) Hinawakan ng anak ang kamay ng inang na sa kanyang pisngi bago sunod-sunod na iniling ang ulo bilang pagtanggi sa sinabi ng ina na nito na tila namamaalam sa kanya.

"Kanojo o mitsukemasu. Wakatta, soshite okāsan wa anata o totemo aishite imashita." (Find her. Okay, and Mom loved you so much.) Nanghihina na nilapit ng ginang ang kanyang ulo para halikan ang noo ng kanyang anak.

"Okāsan, murida yo. Anata nashide wa kore wa dekimasen!" (Mom, I can't. I can't do this without you.") Umiiyak na pakiusap ng binata sa ina. Puno ng takot, pagkabahala at labis na lungkot ang dinaramdam niya.

"Musuko yo. Watashi no hitori musuko yo! Daijōbu..." (My son. My only son! It's okay...) Huling sinabi ng ginang saka dahan-dahang pinikit ang mata. Mas lumakas ang iyak ng binata ng mapansing walang buhay na binaba ng kanyang ina ang kamay mula sa kanyang pisngi.

"Okāsan! Tasukete! Saikooooo sannn!!" ("MOM!! HELP! Saiko.) Ang tanging magagawa lang ng binata ay sumigaw para makahingi ng tulong sapagkat ayaw niyang iwan ang katawan ng ina.

"Okasaannn!!" Napabalikwas ako ng bangon kasabay ng malakas na pag sigaw ko na tila may tinatawag. Wala sa sarili kong dinala ang mga kamay sa aking mukha ng maramdaman na basa ito, doon ko lang napansin na sunod-sunod ang pag agos ng luha sa mata ko. Sobrang sakit din ng dibdib ko na para bang hindi ako makahinga sa bigat ng pakiramdam.

Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit na parang tinutusok ng karayom ang aking utak. Alam kong hindi lang 'yon basta panaginip kundi ala-ala ko na nakalimutan. Hindi ko na namalayan ang paligid dahil ilang minuto akong naging tulala. Nabaling ang tingin ko sa bintana, sikat na sikat na ang araw sa labas.

"Teka, asan si babae?" Bulalas ko ng mapansing wala na siya sa kama at sa kadasulok nitong kwarto. Hindi ko maiwasan ang mapa busangot dahil iniwan na naman niya ako at di man lang ako ginising. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ibinagsak pabalik ang katawan sa higaan.

"Waaahhhhhh!! Huhuhu!!" Itinakip ko ang mga kamay sa mukha habang parang bulate na inikot-ikot ang aking katawan sa kama. Ng biglang bumalik lahat sa akin mga nangyari kahapon, hindi ko makakalimutan kong paano nag iba ang pagtrato ko kay babae. Tuwing iniisip ko 'yon ay nagsisitayuan mga balahibo ko sa katawan, nakakatakot huhu nagawa ko pa talagang tutukan si babae ng baril, tapos..tapos!! Waahhhh! Huhuhu. Pero ang astig ko don ah at cool mwahaha!

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon