Chapter 40 - Del Bazerie Heiress

57 4 0
                                    

Manang Syroh's POV

[Island, 15 years ago]

Dalawang buwan ang lumipas matapos mangyari ang karumal dumal na pagpatay sa mag-asawa, ang mga magulang ni Lady Mekari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may tao talagang kayang gawin ang kumitil ng buhay kahit na may pamilya ng naghihintay dito. 

Alam ko na kakaiba ang mundo ng mga amo ko, ang pamilya Del bazerie, ngunit nasaksihan ko kung gaano kabuti at masaya ang mag asawa ng ilang buwan silang namalagi sa isla.

Laging bumisita si Himari sa isla ng pinagbubuntis palang nito ang kanyang anak at hanggang sa isilang niya sa Japan, bumalik lang sila dito pagkaraan ng dalawang buwan pagkatapos niyang manganak.

Nasaksihan ko kung paano niya alagaan ang sanggol, at mahalin ng labis pa sa kanyang sarili. Araw-araw isa ako sa mga naging katulong niya sa pag-aalaga ng bata, kahit minsan ay hindi kami nagkakaintindihan dahil iba ang lengwahe naming dalawa pero hindi ito hadlang na magampanan ko ang aking trabaho. 

Naiiwan siya dito kapag umaalis ang kanyang asawa papuntang bayan.

"Mekari!! Anata wa totemo kawaii!" (You're so cute!) Masayang komento ni Himari sa kanyang anak habang nakadungaw sa sanggol na nakahiga sa loob ng crib. 

Para akong maiiyak na makita kung gaano kasaya, at lawak ng kanyang ngiti.

"Syroh! Mekari kawai, supher cutiee! Come see.." Malawak ang mga ngiti na tinawag niya ako para lumapit, medyo basag pa nga ang kanyang pagsasalita ng ingles.

Dumungaw ako sa loob ng crib, nawiwili ang sanggol na hinihila ang mga daliri ng kanyang ina.

 Siguradong lalaki ito na puno ng pagmamahal. Kahit ang buhay mo paglaki ay hindi magiging normal, hiling ko ay mananatili na busilak ang iyong puso. 

Ibinalik ko ang tingin kay Himari.

"She is, Milady." Senserong sabi ko na mas lalong nagpalawak ng kanyang ngiti.

After 8 months.

"Syroh! Syroh! Mite.." (Look..) Taranta kung tinakbo ang sala mula sa kusina ng biglang sumigaw si Himari, tinatawag pangalan ko. 

Pero base sa tunog ng kanyang boses hindi naman siya takot or galit, dahil mukhang excited at masaya pa nga siya.

"Yes, Milady!" Naabutan ko siya na nakaupo sa carpeted floor, kaharap ang kanyang anak na humahagikhik habang tinatayo ang sarili. 

Nanlaki ang mga mata na masaksihan ko na ihinihakbang nito ang maliliit na binti.

"Lookooh, Mekarii walk!! Picture, take me one doh." Hindi mapakali na utos ni Himari sa akin.

"Oh my god! She did. Wait, I'll get the camera." Taranta na sabi ko saka mabilis na pumunta sa drawer para kunin ang isang dslr.

"Kyah, Isoide! Syroh!" (Hurry!) Pagmamadali niya sa akin habang winiwili ang anak para hindi ito tumigil sa pag tangkang lumakad.

"It's ready, okay! One, two, three!! Mekari, hello! Look here." Sabi ko na kinukuha ang atensyon ni Mekari para humarap sa camera.

Nandito na kami ngayon sa loob ng nursery room, hawak ko sa bisig ang sanggol para ito ay patulugin. Si Himari naman ay masaya sa tabi ko na tinitingnan ang mga litrato na kuha ko kanina.

"Oh, mekarii! Kawaii!" (Cute!!) Bulalas niya at tiningnan saglit ang anak bago ibinalik sa hawak na camera. 

Mahina lang akong natawa, ilang beses ba naman niyang sabihin ito sa kanyang anak kaya naiintindihan ko na kung ano ibig sabihin sa tuwing sinasabi niya 'to.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon