[I do not own the photo used, credits to the owner. Found this on Facebook, and it's exactly how I imagined the Necklace.]
Zack's POV
"Young Master, mas special po na ibibigay niyo ito kay Milady ng nagawa na sa panibagong produkto, gaya ng kuwintas." Suhestyon ng katulong na ang pangalan ay Grace, siya nga pala iyong kumuha ng mga dala kong Seashells.
Nandito kami ngayon sa kusina, magkaharap sa kitchen isle. Na bored ako sa kwarto dahil umalis si babae may meeting daw, kaya naisipan ko nalang na puntahan si Mang Syroh kaso pagdating ko dito lahat sila ay sobrang busy. Sakto naman lumapit si Grace na dala itong mga nakuha kong Seashells.
Ngayon ko lang na realize na ang ganda pala lahat ng nakuha ko, hindi ko lang napansin ng pinupulot ko pa 'to.
"Kaya ba gawin ni Chollo lahat ng nandito?" Tanong ko habang masuri na pinipili ang mga nakalatag na Seashells.
"Pwede naman po, pero ilang araw pa bago matapos. Young Master, kung gusto niyo pumili kayo ng isa na pinaka gusto niyo. Kapag simulan ni Chollo sa paggawa ngayon ay mga ilang oras lang ay matatapos kaagad." Sagot niya habang hinihiwalay ang sira sa mga buo.
"Talaga?"
"Opo."
"Okay, teka..hmm ang hirap dahil lahat sila magaganda." Bulalas ko na inilipat-lipat ang tingin sa mga Seashells, hindi ako makapili dahil lahat sila ay gusto ko. Ang mas maganda pa nga ay may iba't-ibang kulay din ito.
"Tingnan niyo po kung alin sa mga seashells ang nag papa-alala sa inyo kay Milady." Suhestyon ulit ni Grace.
Saglit ko siyang tiningnan at napa-isip. Dapat nga siguro kulay itim tapos hermit crab ibigay sa kanya, hehehe. Bagay sa ugali niya.
Napanguso ako pero sa isipan lang. Ano kaya magiging reaksyon ni babae?
"Ito!" Kinuha ko ang isang kulay light blue na seashell, nakangiti na inangat ko ang napili sa ere.
Malawak ang ngiti na tiningnan ito ni Grace saka nilingon ang isang katulong na nagpupunas ng mga pinggan.
"Mandi, tawagin mo si Chollo at ipadala na rin mga gamit niya." Pag-utos niya sa kasama.
Hindi nagtagal ay pumasok sa kusina ang isang batang lalaki, sa tingin ko mga 12 years old pa nga lang ata 'to.
Puno ng pagtataka na ibinaling ko ang tingin kay Grace, nahihiya lang siya na ngumiti bago lumapit kay Chollo, hinila niya ito palapit sa akin.
"Magandang gabi, Young Master!" Saka pa siya nagsalita ng tinapik ni Grace ang balikat niya.
"Helloo!" Binati ko siya pabalik ng may kasama na pagkaway. Hindi naman makatingin ng diretso si Chollo sa akin, mukhang nahihiya pa ata. "Narinig ko magaling ka daw gumawa ng mga ornaments, tsaka crafts .."Dagdag ko ng nanatili itong tahimik.
Mabilis inangat ni Chollo ang kanyang ulo. "Opo, maasahan niyo po ako sa ganoong bagay. Nandito nga po sa lalagyan ko mga nagawa ko kanina." Puno ng energy na sabi ni Chollo, nagsimula na rin siyang mangalkal sa loob ng dala niyang crossbody bag.
'Waahhhh!! Ang gandaaa!" Labis na pagkamangha ko na sabi ng pinakita niya sa akin, 'yon daw mga nagawa niya.
May singsing, kwintas, bracelets tsaka ankle bracelets. Isa-isa kong kinuha ito sa kamay niya, hingin ko kaya lahat 'to? Hehehe.
"Ito Chollo ang napili ni Young Master na Seashell, gagawin mo itong kwintas. Galingan mo dahil para iyan kay Milady." Ibinigay ni Grace ang napili ko na Seashell para makita ni Chollo.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...