Warning: Brutality that might make you uncomfortable is present in this chapter. You've been warned. Thank you!
A/N: Nag kiss lang po sila. Wala pong nangyari. Opo! HAHAHA but they did make out.
Zack's POV
Kagat ang labi kong pinindot ang maliit na button, ito yung ginamit kanina ni babae. Nakadikit ito sa pader. Gumawa pa nga ito ng kakaibang tunog pagkapindot ko.
Tanghali na ay nandito pa rin ako sa kwarto ni babae. Wala rin naman akong gagawin kaya naisipan ko na lang ang tumambay dito. Pumayag naman si babae.
Nanghiram ako kanina ng iPad niya para may libangan ako. Gusto ko sana manood ng movies, kaso baka makatulog lang ako. Nag download na lang ako ng maraming games. Si babae ayon nasa labas ng balkone may kausap sa selpon.
"Milady?" Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang katulong sa kabilang linya.
Ayos to dahil hindi ko na kailangan pa ang bumaba sa kusina kapag may gusto akong kainin or kunin.
Mayroon rin kaya ako nito sa kwarto?
"Ahm..Hello!" Masigla na pagbati ko.
Tiningnan ko naman mula dito ang balkonahe. Nasa sofa kasi ako ngayon naka upo.
Bilin kasi niya huwag ko raw isama sa kalokohan itong maliit na device ng makita niya ako na akmang pipindutin 'to kanina, kaya ng umalis siya para sagutin ang tawag ay kinuha ko na agad ang tyansa para masubukan.
Nakita ko na may kausap parin si babae. Mabuti kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Young Master?! Ano po ang kailangan niyo?" Wari ay nagtaka ito ng una pero mukhang nakabawi rin kaagad ng makilala ako saka nagtanong. Nasa balkonahe kasi ang tingin ko, binabantayan ang pagpasok ni babae.
"Ahm..Padalhan mo ako ng Ice cream." Halos pabulong kong sabi. Mahirap na, may lahing bampira pa naman 'yan si babae.
"Masusunod po." Magalang na sagot nito.
Ayos! Napa suntok pa ako sa ere.
"Salamat." Huling sinabi ko at kaagad na pinindot. Umaayos ako sa pagkakaupo ng pumasok si babae. Sinalubong ko siya ng isang malawak na ngiti.
Syempre hindi pa rin nagbabago ang blanko nitong mukha.
"Tsk. Did you do something again?" May pagdududa na tanong niya.
Hindi naman halata diba. Inosente ko lang siyang tiningnan.
Inilagay nito sa bed side table ang selpon, saka ako maigi na tiningnan.
"Wala naman babae." Nakangiting sabi ko. Hala! Nakalimutan kong sabihin sa katulong kong anong flavor ng ice cream. Pero ok lang naman sa akin kahit ano.
Ipinagpatuloy ko ang paglalaro sa iPad ni babae. Pero mukhang hindi ata siya naniniwala sa sinasabi ko.
Sinilip ko ang pwesto nito ay nakatayo parin siya. Bagsak ang balikat ko na inangat ang ulo upang tingnan siya, pero hindi man lang ito natinag sa kanyang kinatatayuan.
Napakamot ako sa aking ulo.
Para siyang multo na nakatayo sa gilid hindi kasi nagsasalita.
"Wala nga." Pagpilit ko.
Umiling lang siya tsaka pumunta sa kanyang higaan. Sinundan ko siya ng tingin habang naka akap sa iPad.
"Tsk. I'm going to sleep." Mahinang sabi ni babae.
BINABASA MO ANG
I GOT A CHILDISH HUSBAND
RomanceSa mundo ng mafia siya ay kinatatakutang makabangga ng sino man, sapagkat bihira ang ganitong pangyayari na babae ang maging isang leader ng pinakamalakas na pamilya at pamunuan ang napakalaking bilang ng kanyang sinakapukan, dahil sa angking talino...