Habang pabalik sa mansyon ay nakakunot lamang ang aking noo. At bakit pumayag ang Andres na iyon na isama ako?
Pagkatapos pumayag ni Andres ay nagpaalam na si ama na aalis na sila dahil may kailangan pa silang puntahan. Hindi na ako nagtanong pa kung saan sapagkat lubha akong nagulat sa pagpayag ni Andres.
Pagdating sa aming tahanan ay sinalubong ako ni Maya. Sabay naming tinahak ang daan papunta sa upuan na gawa sa kahoy at may malaking puno ng mangga kung kaya ay hindi mainit dito. May mga bulaklak na nakapaligid sa upuan at mahangin din rito. Umupo kaming dalawa ni Maya at ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari kanina.
"Ang ibig mong sabihin seño—Rosa, sabay kayong pupunta ni Ginoong Andres sa liwasan?" Manggang tanong ni Maya.
Tipid akong tumango dahilan kung bakit kumunot ang noo ng dalaga.
"Bakit tila hindi ka pabor dito Rosa?"
Tiningnan ko si Maya at kagaya niya kumunot din ang aking noo dahil sa kaniyang tugon.
"Iniisip mo bang magugustohan ko ito? Kung gayon iniisp mo rin na may pagtingin ako kay Andres?"
"Hindi po ba? Aking akala ay mga ganoong tipo ang iyong gusto?"
Umiling-iling ako sa kaniya.
"Noon iyon hindi na ngayon." Nakasimangot kong saad.
Hinawakan ni Maya ang aking kamay at matamis na ngiti ang ipinakita sa akin.
"Kung gayon Rosa, hindi na ako sasama pa sa iyo bukas sa liwasan."
"Kung iniisip mong ang paglabas naming dalawa ni Andres ay bahagi ng pagkilala sa isa't-isa, nagkakamali ka Maya."
Aking ramdam na iniisip ng dalaga na pagkakataon na iyon para magkasundo kami ni Andres ngunit hindi iyon mangyayari. Labis ang aking pagkadisgusto sa kaniya noong unang tagpo pa lamang naming dalawa. At mas nadagdagan nang binanggit ko kay ama ang rason kung bakit nais kung dumalo sa pagtitipon, dahil sa kaniyang expreksyon na para bang nagpapahiwatig na desperada ako. Nagpapatunay lamang na pareho naming hindi gusto ang bawat isa at walang interes na magkakilala pa ng lubusan.
"Maaaring sasamahan niya ako pero hindi ibig sabihin ay susundan niya ako kung saan kami pupunta o ako sa kaniya. Maaari ding pumayag lamang siya kanina dahil nandoon si ama." Sabi ko kay Maya habang nakatingin sa mga bulaklak. "Kaya sasama ka sa akin bukas at tayong dalawa ang maghahanap ng ating mapapangasawa." Dagdag ko pa at tumayo na upang tapusin ang usapan.
"Ngunit ayoko pang mag-asawa Rosa." Si Maya kaya napatigil ako sa gagawing paghakbang at lumingon sa kaniya.
Ngumiti ako. "Kung iyan ang iyong nais, kaya hindi nalang asawa ang aking hahanapin para sa iyo kundi kasintahan muna."
Napatawa kaming dalawa sa aking sinabi at bumalik na sa loob tahanan.
Mahirap man aminin ngunit matagal akong nakatulog dahil sa isang taong hindi ko inakalang aking inaabangan na makita bukas. Kinailangan ko pang magbilang ng sandaang tupa na palaging nauudlot, sapagkat sumisilip sa aking isipan ang imahe ng lalaking aking kinaiinisan upang makatulog.
Bago pa sumapit ang bukang liwayway ay bumangon na ako at lumabas ng kuwarto dala ang lampara. Nasagip ng aking tingin si aling Clara na may inaasikaso sa kusina. Mukhang tinitingnan ang mga sangkap pangluto kung may kulang ba o wala para mabili niya sa palengke.
"Magandang umaga aling Clara." Pagbati ko sa kaniya dahilan kung bakit siya napasigaw.
Hinahabol ang hangin habang nakahawak sa dibdib ay pumikit siya at huminga ng malalim. "Señorita Rosa bakit ka naman nanggugulat, kung may sakit ako sa puso hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin."
BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Historical FictionSet in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her heart is not yet ready for it. However, whe...
