Nakangiti lang kami ni Andres sa isa't isa na nagsasawan. Minsan ay iiwas ako ng tingin kapag napapatagal na, nahihiya kasi ako at baka ay mahangkan ko pa siya hihi.
Sumikat na ang araw ngunit wala pa rin akong natatanaw na isla. Mabuti na lamang ay may dala kaming mga pagkain at tubig sa bangka. Ang sabi ni Andres ay malayo raw itong isla na aming pupuntahan. Baka ay abutin daw kami ng limang araw sa pagsasagwan. Kaya kaniyang iminungkahi na huwag kaming sabay na magsagwan dahil kapag nangalay ang isa ay iyong isa naman ang magsasawan. Napapasimangot na lamang ako kapag nagsasagwan nang muli si Andres kahit hindi pa nagkakalahating oras. Habang ako kaniyang pinagsasabihan kapag hindi pa nag-iisang oras ay nagsasagwan na ako. Kapag naman matutulog kami ay dalawang oras lang ang tulog niya pagkatapos ay gigising at ako naman ang papatulugin.
Dumagundong ang kalangitan at bumuhos ang ulan. Tiningnan ko si Andres na nakatanaw sa kalangitan pagkatapos ay ibinaba ang tingin at iginawad ito sa akin.
"Mukhang mababasa na naman tayo ng ulan, Rosa." Sabi niya na natatawa.
Inilahad ang aking palad upang saluhin ang patak ng bawat ulan. "Palagi na lamang wala sa tiyempo ang ulan." Sabi ko at tumawa rin.
"Sa susunod ng patak ng ulan ay isasayaw na kita." Sabi niya pagkatapos ay tumayo kaya sinaway ko siya.
"Andres maupo ka, baka mahulog ka!" Awat ko sa kaniya pero nilingon lamang niya ako ngumiti pagkatapos ay inilagay ang magkabilang tuwid na palad sa magkabilang bibig at sumigaw.
"Rosa, isasayaw kita sa susunod na pagbuhos ng ulan!"
Natawa ako sa sinabi niya at ginaya na rin siya na tumayo. Agad niya naman akong inalalayan.
"Andres!" Sigaw ko sa kawalan at tiningnan ang lalaking may magandang ngiti sa labi. "Sa susunod na buhos ng ulan ay kabiyak na kita!"
Natigilan si Andres at lumingon sa akin. "Paano kung umulang muli bukas?"
"Ibig sabihin lang nun ay magpapakasal agad tayo pagkarating sa isla."
Ngumiti si Andres at niyakap ako. "Mahal kita Rosa."
Hindi ko akalain na sa gitna pa rin ng karagatan habang bumubuhos ang malakas na ulan ay masasabi naming dalawa ang mga katagang mas mahalaga pa sa ginto. "Mahal din kita, Andres."
...
Isang linggo na rin nang makarating kami rito sa isla. Ngayon ay nagluluto ako kasama si Maya. Pritong isda ang aming ulam ito ay kuha ni Andres sa pangigisda. Noong una ay hindi pa siya marunong ngunit dahil palagi siyang sumasama sa mga mangingisda ay kaya na niyang gamitin iyong isang bangka na dinala namin. Habang iyong isa naman aming pinaupahan pandagdag gastos sa aming kakailanganin.
Si Andres ang nangingisda at nilalako ko naman ito minsan ay tumutulong si Maya kapag wala siyang labahin. Minsan ako naman ang tumutulong sa kaniya kapag tapos ko na ang paglalako. Si ama naman ay hindi na namin pinagtrabaho. Habang si Manang Clara ay narito lang din sa bahay upang may kasama si ama. Gumagawa siya ng walis at tinitinda namin iyon ni Maya minsan ay tumutulong din kami sa kaniya kapag walang trabaho.
Inihanda na ni Maya ang mesa at ako'y pinuntahan na si Manang Clara at ama sa sala.
"Magtanghalian na po tayo." Aking sabi sa kanila pagkatapos ay pumunta sa silid namin ni Andres, ang aking asawa.
Napangiti ako sa isiping iyon. Kahit hindi pa kami nagpapakasal ay itinuring na naming mag-asawa ang isa't isa. Pero bago muna iyon ay humingi kami ng basbas kay ama, sa una ay ayaw niyang pumayag ngunit nang sabihin namin na magpapakasal din naman kami at nag-iipon pa lamang ay pumayag na siya. Sa katotohanan ay dalawang araw namin kinumbinse si ama. Halos walang oras na hindi ko ito ipinapaki-usap sa kaniya hanggang sa pumayag na siya.

BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Historical FictionTO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her...