"Rosa, pwede bang umakyat ng ligaw?"
Napatanga ako nang makitang hindi iyong inaasahan ko ang makita.
"Gregorio..."
Ngumiti siya sa akin habang naglalakad na may dalang bulaklak pagkatapos ay inilahad niya sa akin ito.
"Magandang tanghali, Rosa. Para sa 'yo"
"May bulaklak kami," mahinang bulong ko.
"Ano?" Kunot noong tanong niya.
"ah salamat Goryo." Tinanggap ko ang binigay niyang bulaklak pagkatapos ay tinawag ko si Maya.
"Bakit po senyorita?" Nakangiting sabi niya.
"Sayo na 'yan" Sabi ko sa kaniya at ibinigay ang bulaklak na bigay ni Goryo sa akin. Magsasalita pa sana siya ngunit nakalayo na ako dahil hinila ko si Goryo palayo.
"Rosa kumain ka na?"
Malamang ay hindi niya narinig iyong sinabi ko kay Maya.
"Goryo," hinarap ko siya at nakita kong nakangiti lang siya sa akin naghihintay ng sasabihin ko.
"Ang ganda mo,"
Nagpakawala ako ng hangin. "Ano bang ginagawa mo rito?"
"Manliligaw nga diba?"
Umiling ako sa kaniya, si Goryo ay kilala ko na noon pa man. Kapag pumupunta ang pamilya niya sa bahay ay sumasama siya at kapag pupunta si ama sa kanila ay sinasama ako, kaya kami nagkakilala at minsan ay naglalaro din kami noon.
"Goryo, paumanhin subalit ayoko."
Napahawak naman siya sa kaniyang dibdib at tumingin sa akin na parang nasaktan sa aking sinabi.
"Hindi pa nga nag-iisang oras ang paglagi ko rito at ako'y tinanggihan mo na agad."
"Ayaw ko ng patagalin pa, Goryo."
"May iba ka bang iniibig?"
Meron nga ba, Rosa? Bakit hindi ko masagot ang tanong sa akin Goryo? At bakit may isang taong sumisilip sa aking isip? Umiling ako kay Goryo. "Wala subalit hindi pa rin ako papayag na ligawan mo ako."
Iniligay ni Goryo ang dalawang kamay sa kaniyang bewang. "Nais kong malaman kung bakit, may hindi ba kaibig-ibig sa akin?"
Nagpakawala ako ng hangin at napakamot sa aking ulo.
"Sa akin ay hindi ka kaibig-ibig pero sa ibang babae malamang ay gusto ko nilang maging asawa."
Napatango-tango siya sa aking sinabi.
"Kung gayon ay sinabi mo na rin na may gusto ka ngang iba, Rosa. Kasi kung hindi malamang ay ako pa rin, hindi ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit hindi niya pa rin nalilimutan ang nakaraan? Matagal na iyon ngunit naalala niya pa rin! Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking ulo.
"Huwag kang mag-alala hindi ko naman ipinagkalat ang pag-amin mo sa akin noon." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at napanganga pa. May ngiting nakapaskil sa kaniyang labi, mapang-asar ito.
"Goryo!" Wala sa sariling nahampas ko siya dahil sa hiya.
Inikot ko ang aking mga mata at iniwas ang tingin sa kaniya para lamang dumapo ito sa lalaking nakatanaw sa amin. Nagulat ako sa nakita at mas lalong nanlaki ang aking mga mata.
"A-andres..."
Hindi ko alam ngunit ang aking pakiramdam ay parang nahuli akong nagtataksil sa kaniyang nobyo.
BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Historical FictionTO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her...