Pagkatapos naming maghapunan ay nakasimangot na tinungo ko ang kuwarto. Hindi ako sinagot ni ama na kung sino iyong nagpapadala sa akin. Noong una ay akala ko si Goryo ngunit ang bulaklak na dala niya ay hindi niya binigay sa akin. Kaya napagtanto kong hindi nga siya na siyang ikinaluwag ng aking dibdib. Agad ko ring sinaway ang aking sarili.
Kinaumagahan ay nagpasiya akong pumunta sa tabing dagat. Medyo malayo ito sa amin ngunit nagpaalam naman na ako kay ama kaya pumayag naman siya.
Tiningnan ko ang rosas na nasa aking tabi at mga prutas. Hindi ko maiwasang mapangiti ngunit nang maalala na hindi ko alam kung kanino ito galing ay napasimangot ako.
Si Maya ang aking kasama at ngayon ay nakasakay kami sa kalesa. Naghintay pa kami ng higit dalawang oras bago marating ang tabing dagat.
"Ang presko rito senyorita." Maligayang sabi ni Maya. Ngumiti naman ako sa kaniya at hinila siya papunta sa buhangin.
"Matagal ko ng gustong pumunta muli rito ngunit ngayon ko lang talaga tinuloy ang balak ko." Saad ko habang inilalagay ang dala kong tela sa buhangin. Tinulungan naman ako ng dalaga.
Umupo kaming dalawa rito at kinuha ang dala naming bayong. Naglabas ako ng dalandan at binalatan ito, ganoon din ang ginawa ni Maya.
"Senyorita sana ay pwede tayong maligo sa dagat." Sabi ni Maya na nakatanaw sa payapang dagat.
Tumango ako, ang sarap sigurong maligo rito. Ngunit baka may makakita sa amin at masabihan pa kami ng kung ano-ano.
"Makakaligo rin tayo diyan, Maya, siguro hindi ngayon pero sa susunod nating buhay." Sabay ngiti ko.
"Sana nga Rosa,"
Habang nandoon kami ni Maya ay puro balik-tanaw lang kami sa aming kabataan noon. Nagkukuwentohan kami sa mga nakakatawang nangyari. Iyong pagkadulas ko dahil sa dumi ng kabayo. Iyong pagkamudmod niya sa putik. Pati rin iyong pagtago namin mula kay Manang Clara at kay Ama na nauwi sa panenermon.
Nang malapit ng maghapon ay nagligpit na kaming dalawa ni Maya.
"Sana ay palaging ganito, Rosa, iyong wala tayong alalahanin." Nilingon ko si Maya na may bahid ng lungkot sa kaniyang boses.
"May problema ba, Maya?"
Umiling siya sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Wala naman, kung meron man ay sasabihin ko sa iyo." Sabi niya at ngumiti.
Hindi ko nalang siya inusisa pa, ayokong pilitin siya dahil hindi pa siya handa. Hihintayin ko na lamang kung kailan na niya kayang magkuwento.
Naglakad na kami papunta sa kalesa. Pareho kaming natigilan sa paglalakad ni Maya nang may makasalubong kami.
Si Andres! At hindi lang iyon may kasama siyang isang babae, maganda ito at mestiza, parang isa itong espanyol. Marahil ay ito ang tinutukoy ng mga na asawa ni Andres. Nakasuot ang babae ng kulay pulang baro't saya at sa hindi kalayuan ay naroon si Tero nakatali sa isang kahoy. Baka nga siya iyong asawa ni Andres kasi ang kabayo niya ay hindi nagwawala. Para ngang nagustuhan pa nito ang pulang kulay.
"Magandang umaga po ginoong Andres at binibining Lita." Pagbati ni Maya.
Nilingon ko ang dalaga kilala niya ang asawa ni Andres? Tiningnan ko ang mag-asawa. Nakahawak si 'Lita' sa braso ni Andres at may nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi. Habang si Andres naman ay walang kangiti-ngiti at ang mga mata niya'y nakatitig lamang sa akin. Iniwas ko agad ang tingin sa kanila.
"Magandang umaga," maganda ang boses ng asawa ni Andres. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Magandang umaga rin sa iyo binibini."
Ayaw ko namang magmukhang walang galang kung kaya ay ngumiti rin ako. "Magandang umaga sa inyo." Ang bati ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Ficción históricaSet in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her heart is not yet ready for it. However, whe...
