Namilog ang aking mga mata sa sinabi ni Andres. Ibig sabihin ay siya ang nagpapadala ng mga rosas at prutas sa akin araw-araw? Nakatitig pa rin siya sa akin pagkatapos ay biglang naglakad papunta sa akin.
"Sandali!" Pigil ko sa gagawin iya pang paghakbang. Bakit ginagawa sa akin ito ni Andres? Hindi ba ay may asawa siya? Wala siyang dahilan upang magpadala ng bulaklak at prutas sa akin araw-araw. Isa siyang taksil!
"Hindi mo ba natatanggap ang aking mga binigay, Rosa?" Nagsalubong ang kilay niya pagkatapos ay iniwas niya ang kaniyang tingin at biglang sumimangot.
Nagsalubong din ang aking kilay, bakit biglang parang galit siya? Dapat nga ay ako ang galit dahil may asawa siya at ngayon? Inikot ko ang aking mga mata at matalim na tiningnan siya.
"Kaano-ano ba kita at nagpapadala ka ng bulaklak at prutas sa akin?" Sa pagsalita ko ay sinalubong niya ang aking tingin. Tumaas ang aking kilay at nagpatuloy. "Sa aking pagkakaalam ay walang anak sa labas ang aking ama. Isa pa, malayo sa Del Rosario ang Garcia kaya malamang hindi kita kamag-anak."
Nakitaan ko siya ng gulat sa kaniyang mga mata ngunit nawala rin ito nang mas nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Hindi mo pa rin ba alam, Rosa?" Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong dahil hindi ko batid ang nais niyang iparating.
Ngunit kung ano man ito ay dapat na niyang itigil dahil may asawa siya at ayoko maging kerida!
"Andres, hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Iyong paghanap sa akin sa gubat, iyong pag-alaga mo sa akin noong nagkasakit ako, at iyong pagpapadala mo ng kung ano-ano! Ngunit dapat itigil mo na ang lahat ng ito." Kunot lamang ang noo ni Andres at matiyagang nakikinig sa mga pinagsasabi ko. Humigpit din ang hawak niya sa rosas na nasa kaniyang kamay. "Andres, may asawa ka kaya kung maaari? Huwag mo akong idamay sa iyong kataksilan!" Padabog kong tugon pagkatapos ay mabilis na naglakad o tamang sabihin ay tumakbo papunta sa kalesa.
Nakasalubong ko si Maya na papunta sa akin.
"Senyorita, anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Hindi ko na siya sinagot at hinila na lamang. Nang makaakyat sa kalesa ay agad ko ng inutusan ang kutsero na umalis na kami.
"Maayos lang po ba kayo, Senyorita?" Tanong ni Maya at hinaplos ang aking likod.
Tumango lang ako at hinahabol ang aking paghinga. "Bakit naman po kayo tumatakbo kanina?" Hindi pa rin siya natigil sa pagtatanong.
Bumuga ako ng hangin at hinarap si Maya. Nag-aalala pa rin ang mga mata.
"Akin ng pinagsabihan si Andres na tumigil na sa kahibangan na kaniyang ginagawa. Sinabihan ko rin siyang huwag na akong idamay pa sa kaniyang kataksilan."
Napanganga si Maya at nanlaki ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawa dahil sa ipinagtapat ko sa kaniya. Tatango-tango si Maya tapos ay ngingiti at gustong tumawa ngunit pinipigilan ang sarili. Hindi ko na lamang siya pinansin marahil ay nagulat siya dahil sa aking ginawa.
Ilang sandali pa lang ay may narinig kami sa aming likod na mga yapak ng kabayong tumatakbo. Malayo pa ito ngunit ilang sandali lang ay palapit nang palapit ang tunog. Mukhang may hinahabol ang kabayong ito.
"Rosa!" Lumingon ako sa gilid nang marinig na may tumawag sa akin ngunit wala naman.
"May naririnig ka bang tumawag sa aking ngalan, Maya?" Umiling naman ang dalaga sa akin na ngayon ay halata pa ring gulat.
Ilang sandali lang ay biglang nanlaki ang aking mga mata. "Rosa!" Sigaw ni Andres sa aking ngalan! Nasa gilid ko na siya at nakasakay kay Tero. "Rosa, makinig ka muna sa akin." Sigaw pa niya dahilan kung bakit ako nahiya sa kaniyang pinaggagawa.

BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Ficción históricaSet in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her heart is not yet ready for it. However, whe...