Nasa balkonahe ako ngayon nagbuburda ng ibibigay sa Lola ni Andres. Nagpasiya kami ni Andres na huwag na muna magsanay ngayon. Ang sabi ko sa kaniya ay magpahinga muna siya sa kanila ngunit aking nabalitaan na narito daw siya kaninang umaga at nag-igib at sibak ng kahoy. Matagal akong magising dahil nahirapan akong makatulog sa nangyari kahapon.
Tunay nga si Andres sa kaniyang sinabi at ilang sandali lamang ay dumating ang mga guwardiya sibil. May inutusan na pala siya bago pa kami pumunta roon sa sakahan na magpala ng mga guwardiya sibil doon. Ang aking pagkakaalam ay nakabilanggo na si Crisanto na siyang aking ikinaginhawa. Ang mga bata naman ay dinala agad ni Andres kahapon sa madreng kaniyang kilala. Aking dadalaw-dalawin ang mga bata roon upang makumusta rin sila lalo na si Benita.
Nawala na rin ang mabigat na nakadagan sa aking dibdib dahil alam ko ng ligtas ang mga bata. Nakakagalit lamang si Crisanto dahil kaya niyang gawin ang ganoong bagay. Sa aking pag-aakala ay mabuti siyang tao ngunit kabaliktaran pala siya nito.
Buong umaga ay ang pagbuburda ang aking pinagkaabahalan. Si Maya naman ay hindi umalis sa aking tabi at kinakausap ako. Nalaman din niya ang nangyari sa mga bata at labis siyang nalungkot dito. Ako rin naman, akin pa ngang nasisi ang aking sarili dahil kung hindi ko sila dinala roon ay baka nasa mabuting kalagayan na sila.
Tumangis ako kagabi dahil sa isiping iyon at mukhang nakaramdam si ama kung kaya pumunta siya sa aking silid. Doon ay kinausap niya ako at nasabi ko ang pagsisising aking naramdaman. Ako ay pinayohan naman ni ama at kinausap na wala akong kasalanan. Kung ipagpipilitan ko raw ay parang walang kasalanan si Crisanto. Sabi pa niya na dalhin ko man ang mga bata doon o hindi may Crisanto pa rin na kriminal.
"Rosa, ang husay naman niyan." Pukaw ni Maya sa akin kaya napatingin ako sa aking gawa. Napangiti ako nang makitang tapos ko na ito.
"Sa tingin mo, Maya, maiibigan ito ni Doña Sita?" Aking tanong sa dalaga na nakangiting tumango.
"Kahit sino ay magugustuhan ito, Rosa. Paano ay pulido ang pagkakagawa, kahanga-hanga ka talaga." Sabi niya.
"Ikaw talaga Maya. O siya sige igagawa ko rin kayo ni Manang Clara muli ng ganito." Sabi ko at tiningnan siya ng nakangiti.
Tumawa naman si Maya at umiling-iling.
"Nako huwag na, kabibigay mo lang sa amin noong nakaraang linggo. Sa susunod na lamang."
Tumawa ako sa sinabi niya at napatango. Tumayo na rin ako para magluto ng aming tanghalian. Nasasabihan na nga ako ng mga tagaluto na parang wala na raw silang ginagawa dahil ako nalang palagi ang nagluluto. Sinabi ko naman na ang pagturo sa akin ay isang napakalaking tulong na. Nasa sa loob lamang ako ng aming Casa buong araw. Kung wala ako sa silid ay nasa hardin ako tinitingnan ang mga bulaklak. Naalala ko na naman tuloy iyong mga itinanim ko roon.
Simula nang maganap ang pangyayari iyon sa gubat ay hindi na ako muling bumalik pa roon. Hindi na rin ako umaalis ng bahay na hindi alam ng mga kasambahay.
Dumating ang bukas at ngayon ay nasa likod kami ng burol ni Andres. Pareho kaming nakaupo sa ilalim ng puno pagkatapos naming magsanay. Kanina habang papunta rito ay tahimik lang kaming pareho. Sumusulyap-sulyap ako at ganoon din siya. Kapag nahuhuling nakatitig ay pareho kaming ngingiti at minsan ay mag-iiwas siya ng tingin pagkatapos ay ngingiti.
Dahil sa pagsisikap at sa husay ni Andres magturo ay akin ng kabisado ang galaw ni Petra. Marunong na ako kung paano ito patakbuhin at anong gagawin kapag ito ay nagwala.
"Aking ibibigay sa iyo si Petra,"
Napalingon ako kay Andres nang sabihin niya iyon.
"Hindi ba ay mag-asawa sila ni Tero?" Tumango siya sa aking tanong. "Kung gayon ay hindi dapat sila maghiwalay." Sabi ko.

BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Historische RomaneSet in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her heart is not yet ready for it. However, whe...