Inis akong bumuntong hininga at hinintay na lamang na makalayo siya mula sa akin bago sumunod. Mukhang walang pagkakataon na matiwasay kaming magkasama na dalawa. Pinagmasdan ko lamang siya na maglakad habang hawak ang tali ng kaniyang kabayo. Napansin kong malayo palang siya ay sinalubong na siya ng mga lalaking kasing edad niya. Hindi rin nagtagal ay may mga babae na rin ang dumalo sa kanila. Naglakad sila papunta sa mas maraming tao.
Nang hindi ko na sila matanaw ay nagsimula na akong maglakad. Pumunta ako kung saan nagkumpulan ang mga tao at nakitang nanonood sila ng isang salamangkero. May inilabas na pulang tela ang lalaki pagkatapos ay nilakumos niya at sinindihan ang kamay niya. Napasinghap ang mga tao kabilang na ako. Ngunit mas lalo kaming napasinghap dahil nang mamatay ang apoy ay isang ibon na kulay puti ang lumabas sa kaniyang kamay habang may kagat itong kulay pulang rosas. Nagpalakpakan ang mga tao kabilang na ako roon dahil sa pagkamangha. Idagdag pang hindi napaano ang kamay ng salamangkero, paano kaya nagawa ito ng lalaki?
"Esterlita, halika ka na at magsisimula na ang paligsahan."
Lumingon ako sa aking tabi kung saan may dalawang dalaga na nag-uusap.
"Nandito na ba si ginoong Andres?" Tugon ng isang babaeng kulay kayumanggi ang balat na nakalugay ang buhok. Naglakad na sila ngayon sa direksyon kung saan may malawak na kapatagan. May mga kahoy na nakahilera sa magkabila habang ang gitna ay malawak na lupa. Marahil doon magaganap ang paligsahan at ang mga kahoy ang magsisilbing lugar para sa mga manonood.
Ngumiti ang babaeng may katamtaman ang kulay ng balat. "Oo, ngayon lang din siya dumating. Kaya nga ay maganda ang ngiti ko ngayong araw." Inilagay niya sa likod ng tainga ang kanyang buhok at pasimpleng tinapik ang kaniyang pisngi.
Napailing na lamang ako at napaikot ang mga mata. Ang lalaking iyon ay hindi dapat ibigin! Ano bang nakikita sa kaniya at parang gustong-gusto nila ito?
"Sa wakas ay masisilayan ko ng muli ang lalaking dahilan kung bakit hindi ako makatulog sa gabi." Napatingin ako sa unahan ko nang may magsalita. Kulay asul ang suot nitong baro't saya at nakapangko ang buhok. Nakatalikod ito sa akin habang may kausap sa kaniyang tabi.
"Malamang si ginoong Andres ay hindi rin makatulog kakaisip sa iyo." Tugon naman ng babae sa kaniyang tabi, marahil ay serbedora niya ito.
"Nakasisiguro ako riyan, Gina. Sino bang makakatulog kung ang isang Dela Cruz na ang lalapit at makikipag usap sa kaniya." Ay iba! Iba rin ang babaeng ito, ang taas ng kumpiyansa sa sarili.
Napaubo naman ang kaniyang serbedora at tinapik-tapik pa nito ang kaniyang dibdib tsaka pilit na ngumiti. Sa loob-loob ko ay tumatawa na ang aking kaluluwa. Kahit ang serbedora niya ay hindi naniniwala sa kaniyang senyorita.
"Tiyak na manliligaw sa akin si Andres sa oras na makita niya akong nanonood sa kan—"
Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ng babae at umalis na. Baka kasi ay mapalid pa ako ng hangin sa kahanginan niya. Sa aking pagdating rito ay puro na lamang pangalan ni Andres ang naririnig ko mula sa mga babaeng nalalapitan ko. Nakakainis mas lalo ko tuloy hindi siya gusto.
Nakasimangot akong naglakad, ang Andres na iyon talaga ang siyang dahilan ng aking pagtanda ng maaga. Ewan ko ba at naiinis ako sa kaniya, mukha kasi siyang si Tero na masungit.
"Aray!" Usal ko at wala sa sariling hinampas ang nabangga ko. Matigas ito dahilan kung bakit sumakit ang palad ko kaya tiningnan ko kung sino ang nabangga ko. O dapat pala kung ano ang nabangga ko. Isang kahoy pala hindi ko namalayan na nandito pala ako sa lugar kung saan ang karerahan ng kabayo magaganap.
Inis akong nagpakawala ng hangin, sa kakakinig ko sa mga sinasabi ng mga babae kanina ay 'di ko namalayang nasundan ko sila. Magpapatuloy sana akong maglakad nang marinig ko ang hiyawan ng mga tao. Lahat sila ay nakatuon sa mga kabayo na nakahilera sa unahan. Natanaw ko si Andres na may kausap na dalaga. Isa rin siya sa mga kalahok at nasa bandang gilid siya kaya hindi mahirap na malapitang siya.
BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Historical FictionSet in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her heart is not yet ready for it. However, whe...
