Dumagundong ang kalangitan at lumiwanag ang paligid dahil sa kidlat. Mahabang katahimikan ang pinalagpas naming dalawa habang nagkatitigan pa rin.
Hindi ako nagsalita at ganoon din siya. Bakit sinasabi niya iyon sa akin? Ibig bang sabihin na iyong pagsama niya sa akin sa Liwasan ay ginusto na niya? Iyong pagsamang bumili ng pagkain pagkain sa bayan ay nais din niya? Iyong pagluluto kasama ako ay ibig din niya?
Ngunit bakit niya sinasabi ang mga ito? Hindi ba ay may asawa na siya! Malamang ay narinig na niya ang ganoong usap-usapan. Hindi naman itinanggi ng gobernadorcillo na kaniyang Lolo at wala rin siyang pagtutol dito. Nagpapahiwatig lamang na ang kanilang katahimikan ay katumbas ng katotohanan.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Sa lampara ko nalang itinuon ang aking pansin. Ayoko ng magsalita, pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman. Marahil ay sinasabi niya lang iyon dahil nagkamali ako ng akala noon at gusto lang niyang maging malinaw. Wala naman siyang sinasabi na may pagsinta siya sa akin kaya dapat ay tigilan ko na ang pag-iisip.
Pareho lamang kaming tahimik hanggang sa kumain kami. "Ako na," Pigil ko sa gagawin niyang pagbalat ng itlog. Nagbalat kasi siya kanina at ibinigay sa akin akala ko kasi ay sa kaniya iyon.
"Kumain ka nalang." Tugon ni Andres habang nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. Napapansin kong kanina niya pa ako tinitingnan at naiilang ako roon.
"May kamay ako, Andres, isa pa ipagbalat mo nalang ang iyong sarili dahil kaya ko naman iyan."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay sinunod naman ni Andres. Nagbalat siya ng isang itlog at iyon lang ang kinain niya. Habang ako naman ay iyong dalawang itlog na binalatan niya lang iyong kinain ko. Nahihiya akong kainin ang dalawang itlog na natira.
"Kainin mo ang natira," biglang nagsalita si Andres at iniusog sa akin ang mga itlog. Agad naman akong umiling pagkatapos ay tumayo at dinala ang plato sa hugasan upang hindi na niya ako mapilit pa.
Hindi na rin naman niya pinilit na kainin ko iyon ngunit hindi rin niya ginalaw ang mga ito. Tahimik lang kaming pareho habang siya naghahanda na para sa hihigaan. Malakas pa rin ang ulan, nag-iingay pa rin ang kalangitan, at umiilaw pa rin ang langit. Para bang galit na galit ito.
Matapos maglapag ni Andres ng hihigaan ay lumingon siya sa akin. "Dito ka mahiga, ako na riyan sa upuan."
Umiling ako, "makakatulog ka ba ng maayos dito?" Tanong ko sabay turo sa upuang nasa aking tabi.
Tumango naman ang lalaki. "Matulog ka na, kapag tumila na ang ulan sa pagsikat ng araw ay iuuwi na kita sa inyo. Paniguradong ang iyong ama ay nag-aalala."
Nagtungo na ako sa higaan. Hindi pa ako nakakapagsalamat sa pagsagip sa akin ni Andres kanina. Kaya pagkaupo ko sa higaan ay nilingon ko siya na ngayon ay nakaupo na rin sa silya. Ang likod niya ay nakasandal sa dingding. Nagkatinginan kami kaya napaiwas ako agad.
"Salamat pala kanina," Sabi ko.
Tumikhim naman si Andres. "Matulog ka na,"
...
Paggising ko pa lang ay hindi na maganda ang aking pakiramdam. Nanginginig ako sa ginaw at inuubo ako. Iminulat ko ang aking mga mata at nasilayan ang lampara na nagliliwanag. Mukhang madilim pa rin ngunit hindi ko na naririnig ang ingat ng kalangitan. At mahinang tunog na lamang ng pagbagsak ng ulan sa bubong.
Napa-ubo ako, aking hinimas ang aking pisngi at naramdaman na mainit ito, sinisipon din ako. Mukhang may sakit ata ako. Mas lalo akong bumaloktot dahil sa ginaw. May kamot namang nakapalibot sa aking katawan ngunit hindi pa rin sapat ito upang maibsan ang lamig na aking nararamdaman.

BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Ficción históricaSet in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her heart is not yet ready for it. However, whe...