Diyes

22 7 3
                                        

Huminto sa harapan ko ang kabayo at dali-daling bumaba si Andres. Umiiyak ako habang pinagmamasdan siya. Bakit sa lahat ng tao sa mundo ay siya ay ang nakahanap sa akin? At bakit nandito siya? Ano ang ginagawa ni Andres dito?

Agad na dumalo sa akin si Andres at itinapat ang lampara sa aking mukha, umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ibinaba pa niya ang lampara sa aking katawan, hinawakan niya aking kamay at itinaas upan suriin ang mahapdi kong siko. Pagkatapos ay ibinaba niya sa aking saya hanggang sa napansin niyang parang may dugo rito kaya dahan-dahan niyang itinaas hanggang sa tuhod kong mahapdi. Ganoon din ang ginawa niya sa aking paa na may galos.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at lumapit kay Tero tsaka may kinuhang bagay na nakalagay sa katawan nito.

"Alam kong parang walang silbi ang damit na aking ipapasuot sa iyo subalit makakatulong ito para mas hindi ka lamigin." Iniabot niya sa akin ang limang piraso ng kaniyang damit. "Dito lamang ako sa likod ng puno sabihin mo kung tapos ka ng magbihis." Kinuha niya ang aking kamay at pilit na ipinahawak sa akin ang damit niya.

Ayaw ko pa sanang magbihis dahil tulad ng sabi niya ay wala ngang silbi dahil mababasa rin naman. Ngunit tulad rin ng sabi niya ay maiibsan ang lamig na aking nararamdaman. Tinanaw ko ang likod niya na umikot sa likod ng puno upang hindi niya makita ang hubad kong katawan.

Pilit ko mang hubarin ang damit ko ay hindi ko magawa dahil masakit ang aking siko. Wala akong lakas na hatakin ito pataas.

"Hindi ka pa ba tapos?" Narinig kong tanong ni Andres sa kabilang puno.

"Umalis nalang tayo rito, hindi ako makabihis."

Naramdaman kong naglakad si Andres papunta sa akin. "Hindi tayo makakaalis dahil malakas ang baha malapit dito. Nagtutumbahan din ang ibang kahoy, masyadong delikado na maglakbay tayo."

Naalala ko iyong malaking sapa sa bukid. Malamang sa lakas ng ulan binaha na rin ang ilang parte ng gubat. Tama nga siya ngunit saan naman kami sisilong?

"Ang ibig mong sabihin ay rito lamang tayo hanggang sa tumila ang ulan?" Nakatingalang tanong ko sa kaniya.

"Mukhang matagal pa bago tumila ang ulan, may alam akong masisilongan natin subalit malayo pa iyon at kailangan mo munang magpalit. Namumutla ka na." May bahid ng pag-aalala sa kaniyang tinig o imahinasyon ko lamang.

"Hindi ko maitaas ang aking kamay," naka-iwas na tingin na sabi ko, nanginginig ko ring saad sa kaniya.

"Kung iyong pahihintulutan tutulungan kita, huwag kang mag-alala pipikit naman ako at hindi sisilip." Sabi niya at nang kumidlat ay nakita kong nakabaling tingin niya sa ibang direksyon at nakita ko ring gumalaw ang bukol sa lalamunan niya. Malamang ay lumunok siya.

At dahil gusto ko na ring umalis at talagang nanginginig na nga ako ay nagpatulong na ako sa kaniyang hubarin ang aking damit. Itinaas ko ang aking kamay habang si Andres ay nakaluhod sa aking harap at nakapikit na hinawakan ang dulot ng aking baro pagkatapos ay hinila ito pataas. Napadaing ako dahil nasagi nito ang sugat sa aking siko dahilan para mapamulat ng mata si Andres.

"Ayos ka lang?" Tanong niya at biglang bumaba ang tingin sa aking katawan para hanapin kung saan ako nasaktan.

"Ang sabi mo ay ipipikit mo ang iyong mga mata." Nang mapagtanto ang aking saad ay walang paga-atubiling ipinikit niya ang mga ito.

Mabuti na lamang at may telang nakabalot sa aking dibdib.

"Paumanhin," mahinang usal niya pagkatapos ay dali-daling tumayo at tumalikod. Agad ko namang tinanggal ang tela sa aking dibdib habang nakatingin sa kanyang likod. Madali lamang itong tanggalin dahil nasa harapan ko ito itinali.

The Spanish GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon