Agad kong kinuha ang kutsarang hawak ni Andres at ang mangkok.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?"
Napatingin pa ako sa paligid natatakot na baka may nakakita sa ginawa niya. Nakita kong ngumingiti ang isang matandang babae habang nakatingin sa amin.
Masamang tingin ang iginawad ko kay Andres. "Baka kung anong isipin nila!"
Parang walang nangyari na sumubo si Andres ng kaniyang pagkain pagkatapos ay tumingin sa mga mata ko at inilipay ito sa pagkain na hawak ko.
"Kakain ka o susubuan kita?"
Namilog ang mga mata ko at dali-daling isinubo ang kutsara sa aking bibig. Hindi pa ako nakuntento ay sumubo muli ako. Pagkatapos ay sinundan ko pa at hindi ko na nga namalayan ang sunod-sunod na pagsubo ko ng pagkain. Masarap pala ito. May itlog na nakalagay sa pagkaing ito at mga gulay meron ding karneng manok rito. Uminom pa akong muli ng sabaw mula sa mangkok.
"Gusto mo ng isa pa?"
Napaangat ako ng tingin kay Andres, nakalimutan ko na nasa harap ko pala siya dahil sa sobrang gutom. Tiningan ko ang pagkain sa harapan niya na ganoon pa rin ang laman mula kanina. Nakatitig lang sa akin si Andres na may ngiti sa labi nito.
"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko sa kaniya.
"Nabusog ako habang tinitingnan ka, ganado kang kumain."
Nahihiyang napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Bakit ba hindi siya naiilang sa mga pinagsasabi niya? Nakakahiya tuloy. Pinilit kong ipakita sa kaniyang naiinis ako dahil hindi ko na gusto ang aking nararamdaman.
Taas ang aking kilay na tumingin sa kaniya. "Kung hindi ka pa tapos ay aalis na ako," akmang tatayo na ako nang sumubo siya sa kaniyang pagkain kaya huminto ako.
Ayoko namang iwan siya para kasing wala na akong modo kapag ginawa ko iyon. Hindi ko napansin na nakatingin na pala ako sa kaniya habang kumakain siya. At nang panghuling subo na niya ay tumingin siya sa akin dahilan para mapaiwas agas ako ng tingin.
...
Dumating ang umaga at nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana. Mabuti na lamang at hindi na dumalaw si Gregorio. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin na ayaw ko sa kaniya.
Kahapon matapos naming kumain ni Andres ay bumalik kami sa pagiging tahimik hanggang sa makabalik kami sa aming tahanan.
"Rosa, bakit hindi ka pa lumalabas ng iyong kuwarto?"
Nilingon ko si Maya na kakapasok lamang. May dala siyang pagkain—ang aking agahan.
"Wala lang mas gusto kong pagmasdan ang bukirin kaysa lumabas ng kuwarto." Saad ko tumanaw sa mga bundok.
"Hindi mo pa rin naiku-kuwento sa akin ang iyong pagpasyal niyo ni Andres." May tonong naglalaro sa boses ni Maya habang nilalapag ang pagkain sa lamesa.
"Wala naman akong iku-kuwento kasi wala namang nangyari na hindi karaniwan."
"Baka naman meron pero hindi mo lang matanggap." Bulong ni Maya pero narinig ko pa rin. Hindi ko nalang siya pinansin.
Wala naman talagang hindi karaniwan. Hindi ako dapat mapangiti, maging masaya at umasa sa mga ipinakita niya sa aking kabaitan kahapon. Hindi ba ay nais niya lang pagbigyan si ama dahil ito ang nais ng kaniyang ama na si Romano Del Rosario?
Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagbuburda. Buong araw ay hindi ako lumabas ng aking kuwarto at iyon lamang ang aking ginawa. Nang malapit nang magdilim ay siyang natapos ang aking ginagawa.
"Mangkok..." Mahinang bulong ko nang mapagtantong katulad ito nang mangkok na nilagyan ng pagkain namin kahapon ni Andres.
Mukhang kailangan ko na talagang itigil itong mga kinikilos at iniisip ko. Mukhang si Andres ay isang gamot na hindi dapat inomin sapagkat nakakabaliw.
BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Historical FictionTO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her...