Bakit ba ang hilig bumulong ni Andres? Naririnig ko pa rin naman siya. "Masarap, Rosa." ngayon ay hindi na siya bumubulong.
Napangiti naman ako sa kaniyang tugon. May naalala pala ako.
"Iyong pinsan mo pala ay nasaan na?" Tukoy ko kay Lita.
Lumunok muna siya bago sumagot. "Sa aking pagkakaalam ay nagkakamabutihan na silang dalawa ni Alejandro."
Tumango naman ako sa kaniyang sagot at sumubo ng pagkain. "Ano pala ang paborito mong ulam?" Nag-angat ako ng tingin kay Andres at sumagot. "Ginataang manok, ikaw ba?" Balik na tanong ko rin.
"Bas-oy." Napatango ako sa kaniyang sagot. Pansin ko rin na mas mahilig siya sa gulay kaysa sa karne.
"Ano naman ang hilig mo?" Tanong ni Andres. Napaisip naman ako, mahilig akong magburda, mag-alaga ng bulaklak, kumain---sandali dapat isa lang. "Mahilig akong magburda." Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya. "Ikaw?"
Tumigil siya sa pagkain para sumagot. "Hilig ko ang mangabayo, marunong ka ba?"
Para namang kumislap ang aking mga mata nang tanungin niya ako. Mukhang balak niya ata akong turuan. "Hindi," sagot ko sa kaniya.
At hindi nga ako nagkamali nang sumagot siya. "Nais mo bang matuto?" Walang paga-atubiling tumango ako sa kaniya. "Kung gayon ay ipagpaalam ko ito sa iyong ama para maturuan kita." Ilang beses pa akong tumango habang nakangiti.
Mahina naman siyang tumawa at sumubo ng pagkain. Pagkatapos mag-agahan ay nagpaalam na si Andres na siya ay aalis na upang magpunta sa opisina ng gobernadorcillo. Katulad ng dati ay inihatid ko siya. Ngunit ngayon ay pumayag na siya hanggang sa kabayo niyang si Tero. Marahil ay dahil hindi madilim.
"Rosa, hindi ko sigurado kung makakapunta ako sa inyo mamaya dahil kailangan kong pumunta sa sakahan upang tingnan ang pananim." Sabi ni Andres nang nasa harap na kami ni Tero.
"Huwag ka ng mabahala, Andres. Unahin mo ang mahahalagang bagay." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
Nagsalubong naman ang kaniyang kilay. "Mahalaga ka sa akin, Rosa."
Nanlaki naman ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Ito talagang si Andres!
"Sige na umalis na kayo ni Tero baka naghihintay na ang gobernadorcillo doon." Sabi ko nalang para hindi mahalatang nahihiya ako.
Sumakay naman si Andres kay Tero pagkatapos ay dinungaw ako ngumiti. "Sa aking pagbabalik ay may ibibigay ako sa iyo." Sabi ni Andres.
Bigla naman akong nasabik sa kaniyang sinabi. Parang nais ko tuloy na bumalik agad siya. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at kumaway.
Buong umaga ay nakangiti ako. Tinutukso naman ako ng mga kasambahay namin dahil mas lalo raw akong naging marikit. Tumatawa na lamang ako.
Ngayon ay nagluluto ako ng ulam para sa pananghalian. Ang niluluto ko ay ang paboritong ulam ni Andres, ang bas-oy. Nagpaturo ako sa mga tagaluto at buti nalang ay nagawa ko ito ng tama.
Si ama ay nasa bukid pa rin, ang sabi ay mamayang hapon pa raw ang uwi nito kaya mag-isa lamang akong kumain. Si Maya ay may nilakad raw kaya hindi ko naaya. Ang mga kasambahay naman ay may ginagawa raw nang ayain ko.
Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa balkonahe ng aming bahay upang doon magburda. Aking binuburda ang pangalan ni Andres sa isang panyo na aking nabilin sa bayan. Kulay puti ito habang ang sinulid na aking gamit ay kulay rosas. Sa gitna ng panyo ko ibinurda ang kaniyang pangalan habang sa magkabilang gilid ay mga rosas. Akin itong ibibigay sa kaniya kapag kasintahan ko na siya.
BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Tiểu thuyết Lịch sửTO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her...