Mga alas dos na ng hapon ako nakaalis dahil nagpahinga pa si ama bago pumuntang bayan. Katulad ng dati ay tumatakas pa rin ako dahil ayaw ni ama na umaalis ako na walang kasama. At hindi rin papayag ang mga tao sa bahay nawala akong kasama dahil bilin iyon ng kanilang amo.
Nang makarating sa gubat ay naglakad pa ako ng higit dalawang oras at kalahati. Kaya sa umaga talaga ako pumupunta kasi delikadong magabihan. Kaya lang ay mamamatay ang mga bulaklak pag hindi ko pa ito nabinyagan. Mag-iisang linggo ko na kasi itong napabayaan at tirik na tirik ang araw. Malamang ay lantang-lanta na ang mga ito. Nang marating ko ang lugar kung saan ako nagtanim ay dali-dali kong kinuha ang dalawang balde at nagpunta sa sapa. Kailangan ko pang maglakad ng kalahating oras upang marating ito. Marami-rami na rin ang aking natanim kaya kailangan dalawang balikan.
Medyo dumidilim na ang paligid nang pabalik ako sa pag-igib sa sapa. Ang alam ko ay nasa pinakasulok ako ng kagubatan, mas malapit sa bukid kaysa sa Liwasan. Kinakabahan na rin ako dahil hindi ko gusto ang dilim. Lakad-takbo ang ginawa ko, hingal na hingal ako nang marating ang sapa. Nagmamadali akong nag-igib pagkatapos ay naglakad. Gustuhin ko mang tumakbo ay masasayang lamang ang mga tubig.
Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nanginig ako ngunit nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Kulay puti pa naman ang aking baro habang ang saya ay kulay asul. Mas lumakas pa ang ulan at hindi pa ako nakakalayo sa sapa. Dumilim na rin ang paligid dahil sa masamang panahon. Lumakas ang kabog sa aking dibdib, kinakabahan na ako, kung ano-ano na ang naiisip ko. Paano kung may aswang? Baka pagliko ko sa malaking kahoy ay may babaeng nakaputi na mataas ang buhok? Paano kung may lalaking pugot ang ulo na susulpot sa aking harapan?
Umiling-iling ako sa aking iniisip hindi ito makakatulog sa akin. Mas lumakas pa ang buhos ng ulan at dumagundong ang kalangitan. Mabilis na nabasa ang lupa dahilan para mas dumulas ang lupang aking tinatapakan. Dumilim pa ang paligid at nahihirapan na akong maaninag ang daan. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa takot.
"Sana ay may maghanap sa akin.." mahinang bulong ko. Malamang ay tsaka pa ako hahanapin pag naka uwi si ama. Kasi tsaka pa ako tatawagin pag hapunan na. Ibinilin ko kasi kay Maya na kapag nasa kuwarto ako ay huwag akong katukin maliban nalang kung pinapatawag ako ni ama.
Napahiyaw ako nang madulas at bumagsak ang katawan ko sa lupa. Bumuhos sa akin ang mga tubig na dala, at narinig ko rin ang pagkasira ng mga ito. Napaiyak ako sa kawalan ng pag-asa na maka uwi. Malamang ay hindi pa ako nakakalayo sa sapa. Ngayon lang ako nagsisi na umalis ako sa tahanan namin kahit hapon na.
Tumayo ako kahit paika-ika naglakad pa ako ngunit natalisod ako sa mukhang ugat ng kahoy. Naramdaman kong humapdi ang aking tuhod at siko. Kinapa ko ang aking daraanan at nang may mahawakan akong ugat ay gumapang ako roon at isinandal ang aking katawan sa kahoy. Dumagundong ang kalangitan dahilan para mas lalo akong matakot sabayan pa ng pag-ihip ng malamig na hangin kaya nayakap ko ang aking sarili. Naririnig ko rin ang mga tunog iba't ibang hayop. Marahil ay natatakot din sila katulad ko.
Yakap-yakap ang sarili ay umiiyak ako, alam kong hindi pa ako mawawalan ng buhay rito dahil malamang ay makikita ako ni ama dahil hahanapin niya ako. Malamang ay nababahala na siya ngayon, paniguradong balak niyang maghapunan ng maaga dahil umuulan ngayon.
Tumambol ang aking dibdib nang may marinig akong yabag ng kabayo na tumatakbo. Palapit nang palapit ang ingay na iyon. Kinabahan ako at isiniksik pa ang sarili sa kahoy umaasang hindi ako mapansin ng estrangho. Malamang ay hindi ito si ama at mga tauhan niya kasi isisigaw nila ang pangalan ko pero ang isang ito ay hindi. Baka isa itong kawatan na naghahanap ng masisilongan o pauwi na marahil sa tahanan sa bukirin dahil isa siyang rebelde. Kumalabog ang puso ko lalo na nang kumidlat.
Palapit nang palapit ang yabag hanggang sa may natanaw akong lampara. Hindi ko maaninag ang mukha ng kabayo at lalaking may hawak nito dahil mahina na lamang ang ilaw ng lampara. Nang kumidlat muli ay napatalon ako sa takot ngunit hindi lang doon, dahil sa sandaling umilaw ang kalangitan ay siyang pagtagpo ng aming titig. Sa loob ng saglit na pagkinang ng langit ay nahanap niya ako.
"Rosa..."
Tumulong muli ang luha ko.
"Andres..."
BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Ficción históricaSet in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her heart is not yet ready for it. However, whe...
