Tahimik lamang ako habang pauwi kami. Si Andres naman ay nakikiramdam sa akin. Aking nadama ang kaniyang titig at paninimbang. Bigla tuloy akong kinabahan na baka malaman niya ang tunay kong nararamdaman. Kung kaya ay akin siyang kinausap tungkol kay Doña Sita.
"Andres, alam mo ba ang nais gawin ng iyong Lola?" Nakangiting tanong ko. Baka sakali ay may maisip pa akong ibang paraan para mahuli ang loob ng matanda.
Nag-isip muna si Andres bago siya sumagot. "Hilig niya ang maluto,"
Napangiti naman ako. Kung gayon ay sa susunod kong dalaw ay aayahin ko siyang magluto.
...
Narito ako ngayon sa bayan upang mamili ng mga telang aking ipapatahi. Nais ko sanang magkaroon ng bagong kasuotan. Kasama ko si Maya ngayon at siya'y namimili rin. Tatanggi na sana siya ngunit hindi ako pumayag.
Habang namimili ay may bagong dumating na dalawang babae mukhang mga espanyol. Nakasuot ng kulay dilaw ang pinaka-matangkad habang kulay berde naman ang babaeng nakapangko ang buhok. Sa kanilang likod ay naroon ang dalawang babae na sa akin kanilang tagapag-silbi. Inilipat ko ng muli ang tingin sa mga tela, may nag-iisang kulay rosas na natitira. Akin itong dinampot ngunit may isang babae rin ang humawak nito. Nilingon ko ito at siya iyong babaeng nakapangko ang buhok na kulay berde ang baro't saya.
Agad kong binitawan ang tela at ngumiti sa kaniya. "Sa iyo na lamang iyan binibini." Aking saad.
Ngumiti rin siya at lumabas ang maliit na bilog sa kaniyang kanang pisngi. "Maraming salamat sa iyong kabutihan, binibini."
Tumango ako sa kaniya at muling namili ng tela. Ang babae naman ay naririto pa rin sa aking tabi habang namimili silang dalawa ng kaniyang kasama. Dahil sila ay malapit lamang sa akin ay hindi ko maiwasang madinig ang kanilang usapan.
"Aking nasisiguro na tiyak na mapapaibig mong muli siya."
Mahinang natawa iyong babaeng naka-berde pagkatapos ay sumagot. "Nina, aking batid na ako pa rin ang tinitibok ng puso niya."
Pumalakpak naman iyong 'Nina' na kaniyang tinawag.
"Ayan ang gusto ko sa iyo, Paula, mataas ang kumpiyansa sa sarili. Ngunit akin ng naulinigan na may iniibig na raw siya."
Kinuha ko ang kulay lilang tela, ang balak ko ay dalawang klase ng tela ang aking bibilhin kaya namili pa ako.
"Malamang ay ginawa niya lamang iyon upang malimutan ako. Ngunit alam kong ako pa rin dahil noong nagkita kami ay hindi siya nag-atubiling yakapin ako."
Narinig ko ang pagsinghap noong Nina at maliit itong tumili.
"Kung gayon ay baka tama ka riyan! Wala pa namang usap-usapan na ikakasal na siya."
Tumawa iyong Paula pagkatapos ay sumagot. "Paano niya iyon magagawa, ako ang pinangakuan niya ng kasal."
Pumalakpak iyong Nina. "Buti na lamang at iyong hinabol siya rito."
"Dapat lamang, isa pa ay kasama ko sila ama rito upang pag-usapan ang aming nalalapit na pag-iisang dibdib."
Nang ipakita sa akin ni Maya ang napili niyang tela na kulay kahel ay narikitan ako nito kung kaya ay iyon din ang aking pinili. Umalis na kami roon ni Maya at lumapit sa tindera upang magbayad.
Pasakay na ako ng kalesa nang makita ko si Andres na lumabas sa isang tindahan. Akin na siyang tatawagin ngunit may lumapit sa kaniyang dalawang babae. Natanaw kong iyong Paula at Nina ang mga ito. Nagsimula na silang maglakad papunta sa isang kalesa. Pumasok na iyong Nina roon at aking inaasahan na susunod si Paula ngunit kumaway ito sa kasama. Marahil ay hindi sila sabay na pumunta rito. Lumapit sa isang kalesa sina Andres at Paula habang nag-uusap. Huminto sila sa harap nito at ilang sandali pang nag-usap, kumunot ang noo ni Andres habang iyong Paula ay ngumingiti at nagsasalita. Ilang sandali lang ay pumasok na si Paula ngunit nagulat ako dahil sumunod roon si Andres.
![](https://img.wattpad.com/cover/339610266-288-k899767.jpg)
BINABASA MO ANG
The Spanish Guy
Historical FictionTO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia and Andres Del Rosario. Rosa Garcia is a 20-year-old single lady, old enough to get married but her...