Bente Kuwatro

33 8 1
                                        

Dumaan ang mga araw na tahimik at masaya kaming namumuhay rito sa isla. May mga panahong nababahala ako na baka ay matunton kami rito ng gobernadorcillo. Subalit nawawala rin naman ang mga pangambang iyon kapag nakikita ko ang aking pamilya na masaya. Wala kaming natatanggap na balita kung ano na ang nangyari doon sa aming lugar. Paniguradong wala na kaming bahay at kabuhayan na babalikan. Aking nasisiguro ang pagkuha nito ng gobernadorcillo dahil ngayon ay itinuring na kaming rebelde.

Narito ako ngayon sa dalampasigan habang yakap-yakap ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Mataas na ang sikat ng araw at aking hinihintay ang pagdating ni Andres. Katulad ng dati ay hindi pa man nagpapakita ang araw ay umalis na siya upang mangisda. Mag-isa lamang ako ritong nakatayo habang nakatanaw sa bangkang paparating na. Itinaas ko ang aking kamay upang ikaw nang matanaw kong si Andres iyon. Kumuway rin siya sa akin at sumigaw.

"Magandang umaga asawa ko!" Sigaw niya.

Kahit malayo pa siya ay klaro ang tinig niya. Natawa ako sa kaniyang bati at gumanti rin.

"Magandang umaga mahal ko!" Nakangiting sigaw ko.

Ganito palagi ang ganap sa bawat umaga. Narito ako palagi sa dalampasigan naghihintay sa kaniyang pagbabalik. At kapag natanaw na ang isa't isa ay pasigaw na babati upang marinig ang aming mga mensahe. Nakukonteto na ako sa ganitong pamumuhay, kahit hindi marangya ay masaya naman. Hindi ko na rin pinapangarap na bumalik sa dati ang aming buhay. Kasi ngayon, masaya na ako.

Nakangiting sinalubong ko si Andres ng yakap pagkarating niya.

"Salamat at nakarating ka ng maayos," sambit ko habang nakakulong sa kaniyang bisig. Kaniyang hinaplos ang aking buhok at nagsalita.

"Aking ikinagagalak ang walang sawa mong paghihintay sa aking pagbabalik araw-araw." Sabi niya at hinagkan ang ibabaw ng aking ulo.

Amin ng kinuha ang mga isdang kaniyang nakuha pagkatapos ay bumalik kami sa bahay. Pagkatapos ko siyang ipagtimpla ng kape ay lumabas na ako ng bahay upang ibenta ang kaniyang kuhang isda. Hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag na ako ni Andres.

"Ako ay hintayin mo, Rosa."

Nilingon ko siya at umiling-iling. Ilang beses na niya akong sinamahang magbenta ng isda. Ilang beses ko na rin siyang pinigilan na sumama. Hindi biro ang mangisda kung kaya ay nais kong magpahinga na siya agad pagkarating upang makabawi sa kaniyang tulog. Hindi naman siya nakikinig at palaging sinasabi na nakakatulog lamang siya ng maayos kapag ako ay na sa kaniyang tabi.

"Andres, magpahinga ka na riyan nang makabawi ka ng tulog." Pigil ko sa kaniya.

Subalit katulad ng dati ay hindi ko pa rin siya napigilan. Nakangiti naming tinahak ang daan. Nasasanay na ako sa ganito, si Andres at Ako kasama sina ama, Manang Clara, at Maya na puro ngiti ang nakapaskil sa labi. Nasasanay na ako sa araw-araw may Andres ako sa aking tabi. Na sa pagsikat ng araw ay siya agad ang aking masisilayan at bago pa lumubog ang araw ay siya pa rin ang aking kasama. Nasasanay na ako na siya ang huli kong nakikita bago ipikit ang aking mga mata. Nasasanay na akong maging maligaya.

"Bago tayo umuwi ay dumaan muna tayo kina aling Besing," Saad ni Andres. Tiningnan ko siya nagtatanong kung ano ang gagawin doon sa bahay ng matanda. "Ating ipapatingin kung magkakaroon na ba tayo ng anak."

Namilog ang aking mata sa kaniyang sinabi. "Wala pa naman akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan. Marahil ay hindi pa ako nagdadalang-tao."

"Wala namang masama ang makasigurado." Nakangiting tugon niya. Akin ding pansin ang kislap sa kaniyang mga mata kung kaya ay napangiti rin ako.

Hindi lang ikaw Andres, ako rin ay nasasabik na magkaroon tayo ng anak. Akin ng natatanaw ang buhay nating dalawa na may mga anak na naglalaro dito sa isla naghahabulan. Habang tayong dalawa ay magkayakap na nakamasid lamang sa kanila.

The Spanish GuyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon