ZBS1#28

201 8 0
                                    

Renee

Isang linggo na rin ang nakalipas matapos kaming magka-aminan nang aming nararamdaman sa isa't - isa. Mas lalo pa nga itong naging mas extra sweet sa akin. Sa kuwarto na nga ako ni Tyron natutulog inilipat na ang mga gamit ko sa kuwarto nito.

Hindi ko naisip na mas magiging masaya pa ako sa pagdaan ng mga araw. Ang mga kasama si Tyron ay isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.

"Nakakatuwa naman dahil sa wakas ay naging official na rin kayo ng asawa mo," nakangiting ani ni Victor matapos maikuwento ang masayang pangyayari sa amin ni Tyron.

Kasalukuyang nakaupo ako sa sofa sa may sala at kausap ko ito, through video call. Samantalang si Tyron naman ay nasa mini office nito at may tinatapos na trabaho.

"So, ano malaki ba?" tanong nito.

Napakunot-noo naman ako kasi hindi ko matukoy kung ano yung sinasabi nitong malaki.

"M-Malaki ang alin hindi kita ma-gets," nakakunot-noong saad ko.

"Siyempre yung, down there ng asawa mo," ani nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Victor hindi man diretsahan ay naiintindihan ko ang ibig nitong sabihin. Hindi ko tuloy mapigilan pamulhan ng mukha.

"B-Baliw ka ba talaga pano ko naman yun malalaman."

"Oh my, don't tell me. Hindi pa kayo nagse-sex ng asawa mo," nanlalaki ang mga matang saad nito.

'Wala talagang filter ang bunganga nitong si Victor napakabulgar ng bibig'

"H-Hindi wala kaming ginagawa na ganun."

"Grabe ka teh! anong petsa na nagkaaminan na kayo lahat-lahat wala pa ring sex? Dapat nga after confession sex agad." sambit nito.

"A-Ang halay mo mag-isip Victor."

"Walang mahalay sa sinasabi ko natural lang naman gawin ninyo yun. It's about time you consummated your marriage. Huwag mong sabihing paaabutin n'yo pa ang first anniversary ninyo," ani nito. "Anong ginagawa ninyong dalawa ng asawa mo kapag magkasama kayo sa kama nagtitigan lang ganun?"

"H-Hindi natutulog kami ng magkayakap," tugon ko. 

"Gaga ka, kuntento ka na nang ganun lang."

Gabi-gabi kaming natutulog nang magkayakap at magkatabing nagigising masaya na ko dun.

"Oo, naman masaya ako."

"Yung asawa mo ayos lang sa kanya yun?" tanong nito.

Wala akong ideya kung anong pumapasok sa iniisip ni Tyron tuwing magtatabi kami sa pagtulog. Ang tanging napapansin ko lang ay ang pagtatagal nito sa banyo bukod dun wala nang iba.

"O-Oo... sabi naman niya ayaw niyang madaliin ang lahat sa amin."

"Saludo ako diyan sa asawa mo grabe ang tindi rin nang pagpipigil niya walang sex na mangyari sa inyo kapag magkatabi kayo sa kama. Kami nga nang jowa ko unang kita palang namin nag-sex na kami."

Tila pinagmamalaki pa nito ang huling mga sinabi. Napapaisip tuloy ako paano ko na nga ba naging kaibigan ang isang ito.

"T-Talaga unang kita ninyo pa lang."

"Oo, hindi na niya kasi napigil ang sarili niya sinungaban ako kaagad," tila kinikilig na saad nito.  "Saka bakit hindi mo i-try mag-asawa naman na kayo huwag ka matakot sa una lang masakit pero habang tumatagal masarap na. Tingan mo ako ang ganda ko di ba sagana kasi ako sa sex," dagdag pa nito.

'Ano namang koneksyon 'nun sa kagandahan'

"W-Wala naman kasi akong alam sa mga ganyang bagay," wika ko pa.

"So, hahayaan mo bang ganyan na lang kayo ng asawa mo. Hindi ka ba natatakot na baka balikan niya yung ex-girlfriend niya o kaya naman makahanap siya ng iba dahil masyado kang nagpapabebe."

Asawa ko nga si Tyron pero kailan palang naman kami naging official halos nagsisimula pa nga lang kami. Napaisip naman ako iiwan ba ko ni Tyron kung sakaling hindi namin gagawin ang bagay na iyon. Isa pa hindi na muli pa nagpaparamdam si Diana pero alam ko naman hindi ako dapat magpakampante.

'Ano ba naman itong iniisip ko dapat magtiwala lang ako kay Tyron ang sabi naman niya sa akin ay ayaw niyang madaliin ang lahat'

"Alam mo maganda ka hinding-hindi ka tatanggihan ng kahit sinong lalaki, lalo na ang asawa mo. You should seduce him."

'Akitin si Tyron? ni sa panaginip nga ay hindi ko naisip gumawa ng ganoon'

"Alam mo bang madalas ko yang gawin sa boyfriend ko. Look at us going strong, pa rin kami," kinikilig pang saad nito. "Isa pa sa tingin ko iyang asawa mo mukhang nagpipigil lang iyan na sunggaban ka," dagdag pa nito.

Nag-iinit ang mukha ko dahil sa mga sinasabi ni Victor.

'Paano ko ba iyon magagawa kay Tyron'

"Bakit hindi mo subukang akitin ang asawa para naman magkaroon na ko ng inaanak,"

"Sira ka ba hinding-hindi ako mabuntis baliw."

Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan bago ng iba't-ibang mga bagay bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Pero ang hindi pa rin mawala sa isipan ko ay yung isang sinabi ni Victor.

'Isa pa sa tingin ko iyang asawa mo mukhang nagpipigil lang iyan na sunggaban ka'

"Sweetie..." tawag ni Tyron.

Napatingin ako kay Tyron na nakatayo malapit sa pinto ng mini office nito. 

"Anong iniisip mo?" tanong nito.

"W-Wala."

"Are you sure?" muling tanong nito.

"Oo nga."

"Pero bakit ang tagal mong magresponse. I already called you many times."

'Nakakainis si Victor kasi kung anu-anong sinabi kaya kung anu-ano rin ang pumapasok sa isip ko'

"A-Ang totoo ikaw yung iniisip ko," pag-amin ko.

"T-Talaga," saad nito na nasa mukha yung excitement saka lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. "So, why are thinking of me?"

"K-Kasi a-no---," hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko basta ang ginawa ko na lang ay inilapit ko ang mukha ko at ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi nito.

Napatitig naman ito sa akin nang para hindi makapaniwala sa nangyari na ginawa ko ang bagay na 'yun.

"H-Hindi ko ba puwedeng gawin 'yun."

"P-Puwedeng-puwede nagulat lang ako na ikaw ang unang humalik sa akin," wika nito.

Kung sabagay ito naman kasi palagi ang unang humahalik sa akin. Kapwa kami nakatitig lang ni Tyron sa isa't-isa. Muli ay nagbalik sa isip ko ang isa sa sinabi ni Victor.

'You should seduce him'

Hindi ko alam kung tama ba ang aking ginagawa pero susubukan ko. I anchored my arms on Tyron's neck as I started to deepen the kiss. He returned my kisses with equal passion and he even pulled my head to him.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon