ZBS1#6

836 72 4
                                    

Tyron

"Pumapayag na akong magpakasal sayo," saad ni Renee habang sabay kaming nag-aalmusal ng umagang iyon.

Natigilan naman ako sa gagawin ko sanang paghigop ng kape. "Did I hear it right, payag ka nang pakasal sa akin?" paninigurado ko.

"O-oo," ani nito.

"Really, don't worry you will never regret your decision," nakangiting saad ko.

"Pero may isang bagay sana pa akong nais a-aminin sayo," saad ni Renee.

Bahagyang nangunot ang noo ko sa sinabi nito. So, meron pa pala itong bagay na hindi sinasabi sa akin.

"What is it?" curious na tanong ko.

"A-ang totoo may boyfriend na ako si Victor sa thailand siya nagtatrabaho. Lihim na lihim ang aming relasyon at bago ito umalis ay sinagot ko siya. Nangako siya sa akin na kapag nakaipon siya ay pakakasal kami."

Bahagya namang natigilan ako sa sinabi nito.

"So, may dahilan pala kung bakit ayaw mong pakasal kay George," saad ko.

"O-oo, dahil nga may m-mahal na kong iba."

"Well, don't worry even we get married. I'll give you my word when the time comes I will set you free."

"Salamat, nagtitiwala naman ako sayo."

"So, what made you decide so fast? Kagabi lang naman tayo nag-usap."

Sa totoo lang hindi ko inasahan na makakapagdesisyon ito ng isang gabi lang.

"Dahil sa kagustuhan kong makatakas ng tuluyan kay George at para na rin makaganti sa utang na loob ko sayo sa pagkupkop at pagtatago mo sa akin dito sa loob ng ilang araw."

"That's nice to hear I want to remind you since you made your decision, wala nang bawain at atrasan ito."

"Oo, sigurado na ko."

"Good! I will call my brother, nang ayusin na niya ang mga papeles natin para sa kasal."

"Pero paano naman tayo ikakasal kung hindi naman ako pwedeng lumabas ng unit mo?" tanong nito.

"Nothing to worry, dahil dito mismo sa unit ko magaganap ang civil wedding natin. By that time you will be my husband, at wala ng karapatan ang George na iyon na hawakan kahit dulo ng daliri mo."

"S-salamat."

Hinding-hindi ko hahayaan na malapitan pa siya ng George na iyon. I will do anything and everything to protect him from that demon.

*****

"I now pronounce you as husband and husband," saad ni judge Mariano ang nagkasal sa amin ni Renee.

Nagsimula na kaming pirmahan ang ilang kopya ng dokumento na nagpapatunay sa legalidad ng kasal namin.

"Congratulations!" kasunod ng mga pagbati ng ilang taong sumaksi sa kasal namin, si jugde Mariano, ang dalawang tauhan ni judge, ang assistant kong Rebecca na tumayong saksi para kay Renee. Kasama ang dalawang kapatid kong sina Lukas at Sebastian na tumayong saksi para sa akin.

"We didn't really expected this, Ty. Akala ko talaga ay si Diana na ang pakakasalan mo. Akalain mo namang bang sa... well, sa ganda ba namang iyan ni Renee kahit hindi siya tunay na babae hindi kita masisi kung pakasalan mo agad." saad ng kapatid kong Lucas sa akin na isang abogado at ito rin ang umasikaso sa papeles namin.

"What really happened between you and Diana? at bakit bigla kang nagpakasal sa iba," sunud-sunod na tanong naman ni Sebastian.

"Mahabang kuwento, saka ko na lang ikukuwento sa inyo."

"So, bakit naman dito lang sa unit mo naganap ang kasalan?" tanong ulit ni Sebastian.

"Sinabi ko naman sa inyo, di ba na itinanan ko nga siya dahil ipapakasal ng tatay niya sa ibang lalaki."

"So, naninigurado kang hindi na siya maaagaw ng iba sa iyo?" tanong ni Lucas

"Well, sort of."

"Paano naman kapag bumalik na si Diana?" Sebastian ask.

"I won't give a damn, bumalik siya kung gusto niya. The hell I care," kaswal na saad ko habang sumisimsim ng alak sa wine glass na hawak ko.

Wala na kong pakialam kahit umuwi pa siya dahil tapos na kami at may asawa na rin ako

"Anyway, kailan mo balak sabihin sa mga magulang natin na kinasal ka na? I'm sure mom and dad will be shocked by the news that his eldest son is married as well Dominic and Weston" saad ni Lucas. Napansin siguro nito na ayokong pag-usap pa si Diana.

"One of this days I will formally introduce him to the family."

Renee

"Akala ko talaga ay si Ms. Diana na ang pakakasalan ni Sir Tyron," saad ni Rebecca ang assistant ni Tyron.

Hindi ko alam kung anong response ang gagawin ko sa sinabi nito.

"Oh! I'm sorry, don't get me wrong Renee. Ang totoo nga niyan buti nga hindi sila nagkatuluyan."

Nagulat naman ako sa huling sinabi nito.

"Bakit naman?" curious na tanong ko.

"Well, maldita at bossy kasi yun paano na lang kung siya ang naging asawa ni sir."

'Kaya naman pala'

"Hindi katulad mo unang tingin ko palang sayo alam kong mabait ka."

"Ako mabait paano mo nasabi?"

"Simple lang ang inosente at cute mo kasi. No wonder na inlove agad sayo si sir." nakangiting saad ni Rebecca.

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Rebecca.

"Kung naging tunay na lalaki ka nga crush na kita."

Muli akong natawa sa sinabi nito. Marami pa kaming napagkuwentuhan ni Rebecca. Hanggang sa mapadako ang tingin ko kay Tyron kausap ang dalawang kapatid.

Hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ko kahit pa sabihing pagpapanggap lang ang lahat legal pa rin ang kasal namin. Kung totoo lang ang lahat samin masasabi kong napakawerte ko pero alam kong may katapusan din ang pagsasama namin. Sana lang hindi ako nagkamali sa desisyon kong ito.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon