ZBS1#21

506 27 0
                                    

Tyron

Pagkatapos kong maiparada sa parking lot ng condominium ang kotse ko ay agad akong umibis sa may front seat para mabuhat si Renee.

"Tyron hindi mo na kailangang buhatin kaya ko naman ang maglakad, mukha ko lang ang nasaktan hindi ang mga binti ko," saad ni Renee.

"No, I insist," mariing saad ko at muli hindi ko na ulit ito hinayaang magprotesta.

Nang makarating na kami sa may condo unit ay inilapag ko na sa may sofa si Renee.

"Just stay here, kukuha lang ako ng cold compress," saad ko saka pumasok sa may kusina at kumuha ng cold compress.

Pagkatapos kong kumuha na cold compress ay bumalik na ko at idinampi agad iyon sa mukha ni Renee.

"A-ako na lang ang gagawa nito Tyron," saad nito na gustong kunin ang cold compress sa akin.

"Just don't move let me do this," seryoso kong saad.

"Kaya ko na naman ang sarili ko Tyron nakakahiya naman at naistorbo pa kita sa trabaho alam ko namang busy kang tao," saad nito.

"Renee, we're married kasal tayo. You have all the right para bigyan ko na lahat ng panahon at atensiyon well at least habang magkasama pa tayo kaya huwag mong isipin na isa kang istorbo sa buhay ko hayaan mo na lang ako na alagaan ka," mahabang saad ko.

Hindi naman na ito nagprotesta pa at hinayaan na lang akong gawin ang gusto ko.

"T-Tyron hindi ka naman seryoso nung sinabi mo nagresign na ko di ba?" tanong pa nito.

"I'm serious."

"P-Pero kasi ayoko magresign sa trabaho gusto ko yung ginagawa ko," katwiran pa nito.

Napabungtung-hininga naman ako sa sinabi nito.

"Pag-usapan na lang natin ulit 'yan kapag magaling na itong pasa mo sa mukha," saad ko. "Sa ngayon magpahinga ka na muna," dagdag ko pa.

"O-Okay," tugon nito.

Hindi na ako bumalik pa sa opisina tutal naman ay pina-cancel ko na lahat ng meeting ko ngayon araw kaya dito na lamang ako sa bahay magtatrabaho. Si Renee naman nasa loob ng kuwarto nito at nagpapahinga habang hinihintay ang inorder kong pagkain.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang ipinadeliver kong pagkain. Kinatok ko na pinto ng kuwarto ni Renee upang anyayahan na itong kumain pero hindi ito sumasagot kaya naman binuksan ko na ang pinto ng kuwarto nito.

Nakita ko naman itong mapayapang natutulog lumapit ako rito upang silipin ang pasa nito sa mukha.

'Damn! that woman'

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong tabihan ito habang tinititigan ang maganda at inosente nitong mukha hanggang sa makaidlip ako.

I really wished I was drunk, dahil kung lasing ako dapat may excuse ako kung bakit ngayon nakayakap ang braso ko sa baywang ni Renee at ang aking mukha ay nakasubsob sa balikat nito.

Humigit ako ng hangin, and I felt myself getting heady when I senses were filled with Renee's sweet scent. Dapat na talaga akong bumitiw at lumayo na rito, pero natagpuan ko na lang ang aking sariling lalong hinigpitan ang yakap rito.

Umungol si Renee sa pagtulog nito bahagya pang gumalaw at lalong isiniksik ang katawan sa akin. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti habang nakasubsob pa rin ako sa balikat nito, this really felt so nice. I couldn't help but think how great it would be if I could wake up every morning this way.

Mayamaya, gumalaw ulit ang asawa ko tumaas ang isang hita nito para idantay sa aking balakang. Hindi ko mapigilan ang pag-ungol nang maramdaman ang pagkabuhay ng isang parte ng aking katawan. Napakagat-labi ako at gamit ang lahat ng aking sense of control sa katawan, pinigilan ko ang mga kamay ko na hawakan ang pang-upo nito at idikit pang lalo sa katawan nito. To console myself, bahagya na lang akong umunat para halikan ang noo nito.

Bumuntong-hininga ako habang nakayakap sa aking asawa. Although I was starting to feel aroused, bumuntong-hininga na lang ulit ako at nakontentong sa inosenteng pagyakap dito. I could really get used to this.

'But I need to get up now before he wake's up'

Renee

Hindi pumasok sa trabaho si Tyron dahil dito daw muna ito sa bahay magtatrabaho. Abala ako sa paglilinis sa buong kabahayan namin ayaw pa nga ng asawa ko magkikilos ako sa bahay. Kaso ang sabi ko hindi naman ako baldado nagkapasa lang ako sa mukha. Hanggang sa may kumatok sa labas ng unit ni Tyron at bumungad sa akin ang hindi ko inaasahang bisita sa bahay namin ngayon si Victor matapos kong masabi dito ang nangyari sa akin kahapon.

"Kamusta ka na, babe ayos ka lang ba," bungad nito sa akin ni Victor na tila alalang - alala pagkabukas ko pa lang ng pinto at hindi pa ito nakuntento ay nikayakap pa ako. "Nag-alala ako sayo nang husto," dagdag pa nito.

"Grabe ka naman makareact hindi naman ako gaanong nasaktan kahapon pasa lang ito," saad ko.

"Just go with the flow, ka na lang bakla nakatingin sa atin yung yummylicious mong hubby," bulong pa nito sa may tenga ko at saka lang ako pinakawalan sa pagkakayakap nito.

Sinuri rin nito ang mukha ko na mayroong pasa.

"Ano masakit pa ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Hindi naman na gaano sa tingin ko pagaling na ito," sagot ko naman

"Ikikiss ko na lang ito para mawala ang sakit," saad nito at bago pa ko makapag - react ay nagawa na nitong halikan ang pisngi ko.

"A-Ano ba Victor bitaw na nakikiliti ako sa ginagawa mo," nakikiliting saad ko.

Napatigil lang si Victor nang may tumikhim walang iba kundi si Tyron.

"Ikaw pala pare, pasensiya na nga sa pagpunta ko ng walang pasabi nag-alala lang talaga ako dito sa babe ko," cool na cool na saad nito sa asawa ko.

Tanging tango lang ang ibinigay na pagbati ni Tyron kay Victor.

"Halika maupo ka," paanyaya ko dito. "Bakit naman biglaan ang pagdalaw mo?" tanong ko.

"Namiss kasi kita babe at siyempre nag-alala talaga ko sayo ng husto," may kalakasang saad nito na tila ipinaparinig talaga kay Tyron.

"Talagang sa tingin magseselos si Tyron sa ginagawa mo 'nuh," saad ko.

"Sa tingin ko naman effective kasi tingnan mo makatingin ang asawa sa akin para akong lalamunin ng buo, Gosh babe kinikilig ako." 

"Baliw," nakangiting saad ko.

Marami pa kaming bagay na napagkuwentuhan ni Victor katulad na lang na bukas na pala ang uwi ng boyfriend nito.




Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon