ZBS1#26

353 22 1
                                    

Renee

Nasa biyahe na kami ni Tyron kakain kami sa labas kagaya ng sinabi nito kanina. Ewan ko ba kay Tyron puwede naman kaming sa bahay na lang kami kumain pero ang sabi nito ay special daw ang araw na ito.

"Saan ba tayo pupunta Tyron?" tanong ko.

"Just relax, malapit na tayo," saad na lamang nito.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumingin na lang sa labas ng sasakayan saka ko lamang napansin na ang daan na tinatahak namin ay papunta sa restaurant ni sir Archer.

"Anong ginagawa natin dito Tyron, dito ba tayo kakain pero may nag-pareserve na nang restaurant ni sir Archer na kaibigan niya."

"Yeah, and that's no other than but me," ani ni Tyron matapos maiparada ang kotse nito sa parking lot.

Hindi ko alam ang dapat isip nang mga oras na yun sa sinabi ni Tyron na ito ang nag-pareserve ng buong restaurant ni sir Archer.

"So, Let's go," anyaya nito na hindi ko man lang namalayang nasa harapan ko na si Tyron.

Nagpatianod na lamang ako kay Tyron papasok sa loob ng restaurant. Nang makapasok kami ay bumungad sa akin ang napaka-romantikong ambiance at tugtugin na yung tipong sa mga pelikula o drama sa telebisyon mo lang napapanood.

"Did you like it?" tanong nito.

"A-Ano bang meron Tyron?" kinakabahang tanong ko pa.

"I  will tell you later, let's just go to our table first," tugon lamang nito sa tanong ko.

Wala naman akong nagawa ng dalhin ako ni Tyron kung saan ang table namin at ipinaghila pa ako nito ng upuan at saka naman ito naupo na katapat ko. Meron na ring mga pagkain na nakahain sa table namin.

"T-Tyron, b-bakit may pa ganito ka pa?" muling tanong ko na hindi pa rin mawala-wala ang kaba ko.

"Ayoko nang patagalin pa Renee, I wanted to say that... I love you," ani nito.

Bumilis pang lalo ang tibok ng puso ko sa mga katagang binanggit ni Tyron. Nakatitig lang ako sa guwapong mukha nito at hindi ko magawang makapag-isip nang tama dahil sa confession nito.

"M-Mahal mo ko?" tanging na sambit ko na lamang.

"Hindi ba puwede," nabibirong tugon pa nito. "I don't know when I started to felt this love for you, basta naramdaman ko na lang mahal na kita, Ren," dagdag pa nito.

Ramdam na ramdam ko ang sensiridad ni Tyron sa mga sinabi nito hindi ko lang inaasahan na magagawa akong mahalin nito. Na-guilty tuloy ako sa ginawa kong pagsisinungaling na boyfriend ko si Victor.

'Ito na siguro yung time na dapat ko nang sabihin sa kanya ang katotohanan tungkol talaga sa namin ni Victor'

"T-Tyron, a-ang totoo nagsinungaling ako sayo wala talaga akong boyfriend hindi totoo yung relasyon namin ni Victor gawa-gawa ko lang yun ang totoo ay matalik ko lang siyang kaibigan," nakayukong pag-amin ko. Hindi ko magawang tumingin kay Tyron dahil nahihiya ako sa ginawa kong pagsisinungaling at ayoko ring makita sa mukha nito ang dissappointment.

"I know, I already know the whole truth," saad nito.

Gulat naman akong napatingin kay Tyron paano naman nito malalaman ang lahat maliban na lang kung sinabi sa kanya ni Victor ang katotohanan.

"A-alam mo na ang lahat," hindi makapaniwalang saad ko.

"Oo, aksidente ko lang nalaman ang lahat dahil nakita si Victor kasama ang totoo niyang boyfriend at wala na siyang nagawa kundi aminin sa akin ang buong katotohan," saad nito.

"I'm sorry, hindi ko naman intensiyon ang magsinungaling," nakayukong paumahin ko.

"Your already forgiven, ang mahalaga malinaw na sa akin na wala talaga kayong relasyon ni Victor, ang hindi na lang malinaw sa akin sa ngayon ay kung parehas ba tayo nang nararamdaman para sa isa't-isa ang sabi ng kaibigan mo mahal mo rin ako pero ang gusto ko sayo mismo manggaling. Mahal mo rin ba ako, Ren?"

Napatingin naman ako sa guwapong mukhang ni Tyron at napatitig sa maganda nitong mga mata.

"O-Oo, Tyron mahal din kita," masayang saad ko at hindi ko na rin napigilan ang pagluha dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko.

Nasilayan ko naman magandang ngiti sa labi ni Tyron nang sabihin ko ang mga salitang gusto nitong marinig sa akin pagkatapos ay mabilis rin itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"I'm glad that you love me, too. You made me happy, Ren," saad nito habang yakap ako.

'Hindi ako makapaniwala na nasa bisig ako ngayon ni Tyron'

"Masaya rin ako Tyron na minahal mo ko ang akala ko hindi na mangyayari na mamahalin mo rin ako," tugon ko.

Kumalas nang bahagya sa pagkakayap si Tyron sa akin at hinarap ako.

"Bakit naman hindi kita mamahalin? your kind, caring and a wonderful person, Ren. Anyone will really fall in love with you," nakangiting ani nito.

Sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko sa sinabing iyon ni Tyron at muli na naman akong napaluha.

"Hey, bakit ka umiiyak?" tanong nito na pinapahid ang luha ko.

"Sobrang saya ko kasi," nakangiting ani ko.

"Me, too," nakangiting tugon nito. "Ren, can I kiss you?" tanong pa nito. "M-Matagal ko nang pinipigilan ang sarili kong matikman uli ang mga labi mo."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa nais ni Tyron. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso nito sa aking baywang mula sa likod. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang paglapat ng mga labi nito sa labi ko. Ito ang pangalawang pagkakataon na mahahalikan ko ang labi ni Tyron. Hanggang sa lumapat na nga ang malambot na labi nito sa labi ko.

Pumikit ako at buong pusong tinugon ang halik ni Tyron. Our lips moved in sync, slowly, then passionately. ikinawit ko ang mga kamay sa leeg nito habang ang mga braso nito ay mahigpit na nakayakap sa aking baywang. Tyron pushed his tongue inside my mouth, napaungol pa ito sa loob ng bibig ko maging ako man hindi mapigilan ang mapaungol din.

"Sweet...mmm..." Tyron mumbled sipping my lower lip before he ended the kiss.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa naganap na halikan sa pagitan namin. Tyron was still staring at me a stare that had the ability to melt my heart. Hindi ko alam kung ano ang maaaring sabihin o kung ano ang dapat ikikilos. Nakatitig lang kami sa isa't-isa sa loob ng mahabang sandali. Hanggang sa ibinaba ni Tyron ang ulo para dampian ng halik ang aking noo.

"I Think we have to eat, bago pa tuluyang lumamig ang mga pagkain," nakangiting ani nito bago kumalas sa yakapan namin at bumalik sa upuan nito.


Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon