ZBS1#2

1.1K 76 2
                                    

Tyron

"Oh, I'm so tired!" pabagsak na inihiga ko ang katawan sa malambot na kama at agad na pumikit. Nakakapagod ang makipatalo kay Diana.

'I hate that woman! I hate her for making me feel this way! what's wrong with her? Ano pa bang kulang sa mga ginawa ko para patunayan sa kanya na mahal ko siya at ang babaeng nais kong pakasalan? Mas mahalaga talaga sa kanya ang modeling career niya kaysa bumuo kami ng sariling pamilya ganoon ba? She's unfair! Mula na maging kami five years ago, hindi na ako tumingin sa iba ni hindi ko na nagawa ang mga bagay nakasayanan kong gawin noon. Siya na lang talaga ang minahal ko. Pero bakit ganoon siya? Nagawa niya ulit pumirma ng bagong kontrata kahit nakapangako na siya sa akin na pakakasal na kami kapag natapos na ang kontrata niya. Paulit-ulit na lang siyang nangangako pero palagi na lang napapako. Nakakainsulto na siya! She always taken me for granted'

Naiiling na idiniin ko pa ang pagkakapikit at pinilit na makatulog. Ilang sandali pa ay nagsimula na akong makaidlip. Pero mayamaya lang ay kusa akong napadilat nang may maramdaman ako sa aking tabi. Mainit, malambot at may nalalanghap akong mabangong amoy, a sweet scent. Bigla naman akong napalingon.

"Shit!" ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang isang lalaki na natutulog sa aking tabi.

Kayhimbing nang tulog ng lalaki payapang-payapa ang anyo nag mukhang mistula itong inosenteng anghel na naligaw sa aking kama.

"Hey! Hey! You wake up!" marahang tinapik ko ito sa pinsgi.

"H-Ha?" gulat naalimpungatan ang lalaki. "S-Sino ka? Anong..." inilibot nito ang tingin sa paligid. "Diyos ko! Naku po, sorry po! sorry po! Hindi ko sinasadyang pumasok dito at makitulog!" sabay bumalikwas ito ng bangon at tumakbo patungo sa pinto para makalabas.

"Hey-Hey!" pero agad ko itong hinawakan sa pulsuhan. "At sinong may sabi sa iyong puwede ka nang makaalis, ano ba malay ko kung anong kinuha mo rito sa unit ko, ha?"

"W-Wala! Wala ho akong kinuhang kahit na ano! M-Maniwala ho kayo, n-nagtago lang ako rito dahil may mga lalaking humahabol sa a-akin! G-gusto nila akong gawan ng masama at---"

"Oh, and you want me to believe you? But sorry to say this I'm not born yesterday, alam ko na ang mga ganitong modus operandi."

"T-totoo naman ho ang ---"

"Shut up! The building security should know about this incident so, it won't let happened again and I will file a case against you. Ipakukulong kita para madala ka!"

Nakita ko ang lumarawang takot sa mukha nito.

"H-huwag! H-huwag po!" nagwala ito at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko pero mas malakas ako sa kanya.

"Don't move" saad ko pero patuloy pa rin ito sa ginagawa. "I said ---"

"Bitawan mo ako!" hindi ko inaasahan ang pagtadyak nito sa binti ko kaya lumuwag ang pagkakahawak ko rito. Kaya naman nakawala ito sabay takbo nito palabas ng silid ko.

"Hey! Come back here!" paika-ika at napapangiwi ko itong sinundan. Naabutan ko siyang nabuksan na ang pinto ng unit at agad itong lumabas. Pero kung gaano ito kabilis na nakalabas ganoon din ito kabilis na nagbalik papasok.

"O, ano? Bakit ka ---" hindi ko na natuloy ang anumang sasabihin ko dahil agad itong nakalapit sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Sshh! P-please, h-huwag kang maingay! P-para mo nang awa, makikita nila ako! M-mahuhuli nila ako!"

"Ano ba" inis na tinabig ko ang kamay nito.

"P-please shut your mouth!"

"And why I ---" bigla nitong kinabig ang aking batok saka sinalubong ng halik ang mga labi ko. Nanlaki ang aking mata at hindi agad nakapag-react. Basta nanatili lang magkalapat ang aming mga labi na tila hindi nito alam kung ano ang gagawin. Ito ang unang beses ba nahalikan ako ng kapwa ko lalaki.

But damn his lips are so soft, at ang bango ng hininga niya.

Kusang napapikit ako at kinabig ko ang batok nito saka hinapit ito sa beywang gamit ang isang braso ko. Nagsimulang kumilos ang aking mga labi at bago ko pa man mapalalim ang aking halik rito ay nanulak na ito.

"B-bakit m-mo k-ko h-hinahalikan"

"Excuse me, your the one who kiss me first and I was just carried away," natatawang sabi ko. "Pero alam mo ba nabitin ako, let me teach you more on how to kiss someone," saka akmang hahapitin ko uli ito sa baywang at sasalubungin nang halik ang mga labi nito.

Ngunit laking gulat ko ng umigkas ang palad nito at sampalin ako ng malakas sa pisngi.

"Fuck! Why did you slap me?" galit na tanong ko habang hinihimas ang aking pisngi.

"Bakit hindi, bastos ka!"

"Ako, bastos! Come here!" gigil na hinawakan ko ito sa braso at ipininid sa saradong pinto. "Did you forget that your the intruder here and the one who initiate the kiss, tapos ako pa ang bastos?"

"A-aray! N-nasasaktan ako at---"

"Dali! Kumatok kayo sa mga unit na sarado baka pumasok sa isa sa mga iyan!" ang narinig kong tinig mula sa labas.

"Yes, Boss!" mga tinig uli sa labas.

"So, sila ba ang pinagtataguan mo?" nakangising tanong ko.

Tumango lamang ito bilang sagot.

"Teka, tatawagin ko para---"

"Huwag!" minsan pa muli nitong kinabig ang batok ko at sinalubong nang halik ang mga labi ko.

Muli akong natigilan pero agad ring nakabawi lalo pa at sa pagkakataong iyon ay maiibsan na ang pagkabitin ko kanina. Ito rin ang unang pagkataon na nag-enjoy ako sa paghalik sa kapareho kong lalaki.

May mga katok mula sa labas ang naulinigan namin. Lalong dumiin ang paghalik nito sa labi ko at humigpit din ang yakap nito na para bang ayaw akong bigyan ng pagkakataong makapagsalita at makapalag.

This person is one of a kind, sige na nga pagbibigyan kita.

Dumiin rin ang halik ko rito, himigpit ang yapos ko sa baywang nito.

"Pare, wala yatang tao baka mapagbintangan pa tayo ng kung anu-ano rito."

"Pero---"

"Halika na, baka dumiretso sa fire exit at doon bumaba."

"Sige na nga! Mayayari tayo kay boss nito."

"Bahala na."

Mga yabag na papalayo na lang naulinigan namin. Pero hindi pa rin kami kumakalas sa isa't-isa at nanatiling magkalapat ang mga labi. Ilang sandali pa bago kami naglayo.

"They're gone," nakangiting wika ko.

"O-oo nga," napayuko ito at marahang nanulak saka humakbang palayo sa akin. "S-salamat, hindi mo binuksan nang kumatok sila. H-hindi mo ako ibinigay sa kanila." saka ito lumapit sa naroong sofa at naupo.

"Who are they?" kaswal na tanong ko habang patungo sa mini-bar para kumuha ng alak.

"M-mga tauhan ni George."

"And who is George?" sinalinan ko ng alak ang dalawang wine glass at humakbang pabalik rito.

"S-siya ang lalaking nais ng tatay ko na pakasalan ko dahil m-mayaman. S-saka nabaon kasi siya sa utang sa lalaking iyon kaya kung tutuusin ay parang ibinenta na niya ako sa taong iyon."

Nang makalapit ay naupo ako sa sofang katapat ng kinauupuan nito.

"Parang pelikula pala ang buhay mo."

"P-pero totoo ang ----," hindi na nito natuloy ang iba pang sasabihin ng abutan ko ito ng alak.

"Here, take this," iniabot ko rito ang isang wine glass.

"H-hindi ako umiinom, s-salamat na lang." nakayukong sa nito.

"You have to drink it, namumutla ka kung hindi mo alam ." Saka sapilitang kong inilagay sa palad nito ang wine glass.

"H-ha?"

"Well, I guess dahil iyon sa takot sa mga humahabol sa iyo at hindi nang dahil sa nerbiyos mo nasa unang pagkakataon sa buhay mo may lalaking nakahalik sa mga labi mo."

Napaangat ang mukha nito sa sinabi ko at kita ko ang pamumula ng maganda nitong mukha.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon